Chapter 6

199 13 1
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

He really made my first time in Tagaytay worthwhile. Sobrang naging masaya ako the whole day na halos nakalimutan ko na ang kung anong okasyon ang mayroon.

Sabi nga nila, time passes by too fast when you are happy and that really happened to me. Hindi naman mahirap kasama si Luke. Hindi gaya nang akala kong ugali niya.

He's actually funny in his own way. Tawang tawa pa nga ako. The whole time in Tagaytay with him is memorable. Sobrang light niya lang, and stress-free.

"You find it funny?" Takang tanong niya habang tawang tawa ako. He made a joke about this certain dog who slaps his owner from barking like him and that made me literally laugh so hard.

Tumango ako sa kanya, "Hindi ba nakakatawa 'yon?"

Ngumisi lang siya sa'kin, "My friends say it was corny. My ex used to make fake laughs."

"It's really funny!" I answered. Halos maiyak pa ako sa kakatawa, "They just don't appreciate jokes."

We just ate and laugh the whole day until we decided to go home. Ewan ko ba. Sobrang simple lang naman nang ginawa namin pero para sa'kin, iba na 'yon.

"Ihahatid na kita," Saad ko.

It's already past 7 in the evening. Nakapag dinner na kami sa labas at nasa EDSA na kami pauwi. He's still driving kahit I insisted na palit naman kami dahil mag hapon na siya.

"Hindi na. I'll just grab a cab pagkahatid ko sayo."

"Bihira yung taxi sa subdivision namin."

"Then book for me."

Ngumiti ako at tumingin sa kanya nang diretso, "Hindi pa tayo pero you're making sure na agad that I'll go home safe, ha?"

Tumawa siya at napailing, "Ikaw talaga."

"Tawa ka ng tawa!"

"Because you're funny."

"Napapatawa naman pala kita, e. Try mong gawin akong girlfriend para maging maligaya ka na talaga."

At lalo lang siyang natawa.

Dahil puro tawa lang naman siya sa'kin, nag kwento na lang din ulit ako. So far, attentive naman siya sa mga sinasabi ko dahil kapag tinatanong ko siya ay nasasagot naman niya nang maayos.

"Yang gate na white," Sabi ko habang naka turo

Inihinto niya ang sasakyan at lumingon sa labas, "You have a great house."

Ngumuso ako habang tinitignan din ang tinitignan niya, "Thank you pero mukhang mas maganda ang bahay niyo."

Tinanggal na niya ang seatbelt kaya ginaya ko rin siya at lumabas na nang sasakyan.

"It looks cozy," Aniya habang naka tingala.

I nodded, "It is. 'Nong nandito pa kasi si Mommy, mahilig siya mag ayos. Gusto mo pumasok muna?" Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako, "Habang nag papabook ako ng taxi mo."

Ngumisi din siya at tumango kaya binuksan ko na ang gate para makapasok na kaming dalawa. Sobrang kaba at excitement ang nararamdaman ko knowing that we'll be inside a house together.

"Upo ka." Alok ko sabay turo ng sofa

Hindi niya ako sinunod. Sa halip, umikot ang mga mata niya sa buong living room. Our house is small compared to our mansion in Russia.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Luke. Lumapit siya sa long table na nasa isang tabi kung saan nakalagay 'yong mga picture frames namin.

"Your eyes are bluish-green here."

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now