Chapter 8

195 13 2
                                    

CHAPTERS AHEAD ON PATREON.
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
-----------------------------------------------

Sa isang coffee shop na malayo sa university kami nagpunta. Mas okay na din sa'kin dahil kapag sa malapit ay overcrowded at maingay.

Naka upo ako sa table na napili ko habang naka pila naman si Luke sa counter para mag order. He let me choose our table at sabi niya ay hahanapin na lang daw niya ako.

Kumakalabog ang dibdib ko sa saya at excitement dahil sa nangyayari. Gusto kong isipi'ng ito ang first date namin dalawa kahit na sa Tagaytay talaga ang nauna.

Ikukwento ko sa magiging anak namin na inaya ako nang tatay nilang tumakas para kumain nang bulalo at na in love sa'kin kaya naulit pa para sa isang coffee date.

Napa ngiti ako sa mga naiisip ko. Bahagya pang natawa. I calmed myself and started texting Aira. Kilig na kilig ako na kahit ang mga salitang itina-type ko ay tumi-triple ang mga vowels.

"Here's yours." Sabi ni Luke saka inilapag ang kapeng sinabi ko sa kanya at isang sliced ng cake.

"Wala akong order..." Sabi ko habang itinuturo ang blueberry cheesecake na nasa harapan ko

"I know. I bought that for you." Aniya at sumimsim nang kape niya

Napa kurap ako. Goodbye diet. Simula ngayon, kakalimutan na kita. I need to focus on my priorities at si Luke 'yon.

Ngumiti ako, "Naks naman! Thank you! Konti na lang iisipin kong crush mo na talaga ako."

Tumawa siya sa sinabi ko. I took a bite bago siya muling nilingon.

"Akala ko may practice kayo ng basketball ngayon?" Tanong ko

"Canceled. May emergency daw si Coach."

"Paano OJT mo?"

Nag kipit balikat siya sa'kin, "I don't know. I just went straight to school. Pagod na ako, e."

Natawa ako, "Kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?"

Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Nalaman ko na sa mismong company pala nila siya nag o-OJT ngayon. At kahit OJT siya ay parang wala pa rin pinagbago sa mga natural niyang ginagawa doon.

"Ikaw? Saan ka?"

Nagkipit balikat ako, "Wala pa akong naiisip pero may isang company na akong gusto."

Tumango siya habang pinag patuloy ko ang pagkain ng cake na binili niya para sa'kin. Ganoon din naman siya na iniinom lang din ang kape niya.

"Who's Leon Acosta?" Biglang tanong niya

Kumunot ang noo ko, "Higher year din. Transferred student ata."

Tumango siya, "Manliligaw mo?"

Natawa ako. Sa totoo, wala pa naman nangligaw sa'kin pero madami ang nagpaparamdam. Hindi ko na lang pinapansin dahil ayaw ko naman bigyan pa ng rason ang pagiging mabait nila sa'kin.

"Hindi nga." Natatawang saad ko

Tumaas lang ang kilay niya sa'kin at saka muling sumimsim nang kape niya. Pinagmasdan ko si Luke. Naka corporate attire siya. Bagay na bagay ang puting long sleeves buttondown shirt niya sa kanya. Naka tupi ang mga sleeves nito hanggang siko at ang ilang butones ay hindi naka sarado.

"Hindi?" Tanong niyang muli

Umirap akong muli, "Ang kulit naman."

Suplado niya akong tinitigan bago bumaling sa kape niya. I stared at him again.

Mukha siyang model nang isang magazine. He looked rugged and yet beautiful. Lalo na ang kanyang kulay asul na mata na mas matingkad kapag nasisinagan na nang araw.

Cigar Series I: Cigarettes & WinesWhere stories live. Discover now