My possesive man

0 0 0
                                    

ROMCOM

___

✒:Shin rixo

•Plagiarism is a crime

___

"Baby, lagyan mo nga ako ng make-up" Nakanguso kong sabi kay Drei.

"What? Your hands are perfectly fine, Sab. May ginagawa ako" Tugon nito na kinasimangot ko. Nagkaka-likot lang naman siya sa laptop niya.

"Kanina ka pa nagla-laptop, ah. Siguro may babae ka!" Akusa ko agad, pinigilan kong matawa ng makita ko ang biglaan niyang paglingon at panla-laki ng mata.

"How did you know?" Gulat niyang sabi. Nawala bigla ang tuwang naramdaman ko kanina at napalitan ng galit. Kinuha ko ang unan na malapit sa akin bago ihagis sa mukha niya.

"Hey, why did you do that" Sambit niya. Natamaan kasi ang laptop niya. Pake ko sa laptop. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at padabog na kinuha ang laptop.

Tinignan ko ang ginagawa niya at nakitang panay numbers ang nandito. Hindi ko pa maintindihan kung ano ang mga nandon. Inis binalik ko sa kaniya 'yon. Pasalamat siya mabait ako at hindi ko naihampas sa kaniya.

"I was just joking, you know that you're the only woman I love" Natatawa nitong sabi. May pa- i love pa siyang nalalaman. Tumayo ako at pumunta sa banyo. Nakakainis. Ang pangit niya mag-joke kahit kailan.

Kapag talaga nalaman kong may babae siya, ako mismo ang kakalbo sa babaeng 'yon. Maganda naman ang hairstyle na kalbo. Lalagyan ko ng cute na designs.

"Hey, Sab" Narinig ko ang boses niya mula sa likod ko. "Are you mad?"

"Ay, hindi! I'm happy nga, eh" Pilit akong ngumiti ng malawak. "Ayan, oh! Sa sobrang saya ko masasakal kita!"

"What? Oh, my girlfriend is jealous!" Pang-aasar niya pa.

"Anong- ako Drei tantanan mo, ha. Kapag ganitong gutom ako baka hindi ako makapag-timpi at lagyan ko ng tape 'yang bibig mo. Panay ka english, hindi mo ba alam na nasa pilipinas ka? Kung buhay pa si Heneral Luna siguradong-" Napatahimik ako ng i-kiss niya ako sa pisngi.

"Still mad, baby?"

"Akala mo madadaan mo ako sa kiss mo at pa-baby mo? Nako, isa pa nga" Ako na mismo ang humalik sa pisngi niya.

"You're so talkative talaga" Pinitik niya ang noo ko kaya napahimas ako rito.

"Bakit ka ba namimitik?" Nagre-reklamo kong sabi.

"What do you want? Kiss?"

"Oo, kaya pa-kiss-" Akma akong lalapit pero pinitik na naman niyang muli ang noo ko.

"Aray ko, Drei, ha! Nakakadalawa ka na!" Inis kong sabi bago hawakan nag noo kong pinitik niya.

"I have a surprise for you!" Nakangiti nitong sabi.

"Waaa, talaga? Na saan?" Excited kong sabi.

Lumabas siya sa banyo at lumapit sa drawer malapit sa kama. May kinuha siyang box mula sa loob. Nang makuha na ay lumapit siyang muli sa akin.

"Here" Ini-abot niya sa akin ang isang box.

Dali-dali ko itong binuksan. Nang makita ang na sa loob ay parang nag twinkle-twinkle ang mga mata ko.

"Did you-"

"Waaaaaa, omg! Yakult!" Abot hanggang mata ang pag-ngiti ko ng makita ang sandamakmak na yakult sa kahon at hindi lang 'yon! May bonus pang tatlong garapon ng stick-O!

"Sab, I said-"

"Drei, kakainin ko na lahat 'to, now na!" Umupo ako sa gilid ng kama at sinimulang buksan ang yakult.

"What? You haven't eaten breakfast yet!" Nakakunot noong sabi nito.

"Eh, sa gusto kong kainin 'to e, at saka-"

"Eat breakfast, first" Kalmado nitong sabi.

"Drei naman, tignan mo 'yong yakult, oh. Malungkot kasi hindi ko-"

"I said, EAT!" Dali-dali kong sinara nag box at naglakad papunta sa dining. Nakakatakot naman kasi talaga magalit si Chaze!

Nakita kong may lutong pagkain na kaagad doon. Gutom na gutom na ako kaya kumuha na agad ako ng pwede kong kainin.

Akma ko nang isusubo ang kanin ng magsalita si Drei.

"Pray first" Saway niya. Binitawan ko naman ang kutsara at tinidor at agad nag sign of cross.

"Thank you, Lord. Amen" Nakangiti kong kinuha ang kubyertos at balak na sanang kumain ng pigilin ni Drei ang kamay ko.

"Wash your hands, first" Kalmado niyang sabi.

Nakasimangot akong nag-lakad at nag-hugas ng kamay.

"When you eat without washing your hands, the bacteria and germs that are left on your fingers and palms can be transferred to the inside of your mouth. This can cause illnesses and infections. Do you want to get those bacteria? Of course you don't want that to happen so always wash your hands." Litanya niya. Napangiti naman ako. Alam ko naman, eh! Word of wisdom talaga ang boyfriend ko.

"Baby, may tanong ako" Umupo na ako sa upuan ko bago mag-simulang kumain.

"What is it?"

"Pinaglihi ka ba sa dictionary? O hilig mong ngatngatin noong bata ka-"

"Ofcourse, not" Nakataas ang kilay na sagot nito.

"Baby, ngiti ka nga" Nakangiti kong sambit.

"Why would I?"

"Ngiti ka nga" Nangungulit sa pagpu-pumilit ko.

"Bakit-"

"Chaze Andrei" Seryoso kong banggit sa pangalan niya.

Agad naman siyang ngumiti. Isang gwapong ngiti.

"Sabi ko nga ngingiti na ako, Isabel" Pinagdiinan niya pa talaga ang pangalan ko. Nakangiti naman akong pumalakpak.

"Pogi mo, Baby" Nakangiti kong sabi.

Nakita ko namang nag blushed siya kaya napahagikgik ako.

"Uy, kinikilig siya!" Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya.

"Stop that" Nakataas ang kilay na sabi niya.

"Alam mo naalala ko sa'yo si Alex-"

"Who the hell is Alex? Why are you mentioning someone's name? What's your relationship with him, Sab, answer me-"

"Paano ako makaka-sagot kung panay ang tanong mo, Drei?"

"Sorry, go ahead"

"Alex is my DOG" Natatawa kong sabi habang pinagka-diin ang salitang dog. "Na mentioned ko ang name niya kasi parang ikaw lang siya, ayaw kulitin"

"Relationship? Owner and pet"

Tawa ako ng tawa ng makita ko ang pagkapa-hiya sa mukha niya.

"Okay, okay" Sumusuko niyang sabi. "Kumain ka na nga d'yan" Pagkasabi ay tumayo siya at umalis.

Humalpak ako ng tawa ng marinig ko ang inis na boses niya mula sa banyo. Pati aso ba naman pag-selosan? Napahiya nga siguro kasi nag- tagalog na siya, eh. Nag-selos ata kay Baby Alex.

"Sab, stop laughing!" Rinig kong sigaw niya mula sa banyo. "Even he's a dog, don't mention his name"

Possesive!

"Sige po, may date kami ni Alex mamaya-"

"Saaaaabbbb" Hagalpak ako sa tawa ng marinig ang boses niya. Napikon ata.

"Lovee youuu, Dreiii!" Sigaw ko mula sa dining.

"Love you, too"

I can't imagine that my man is possesive. For yakult's sake! He's jealous at my dog!

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now