POEMS (3)

1 1 0
                                    

DO NOT COPY
Written by: Shin Rixo
Yeoubirix

&&

Nakaraan

Kay tagal na ng panahong nagdaan,
Bakit sa isip ko'y hindi ka malisan.
Kasalanan ay dinamdam,
Hindi mawaglit sa isipan.

Higpit ng yakap na iyong pinaramdam,
Mga bisig sa iba na nakalaan.
Kung nalaman ng maaga,
Iibahin ang aking desisyon at pasya.

Mga ngiti na hilig pagmasdan,
Iba na ang nagiging dahilan.
Masiyado ng huli,
Ngunit sana'y makita kang muli.

Mga pahinang kasama ka,
Aking babalikan ng mag-isa.
Bubuklat ng bagong kabanata,
Ngunit ibang tao na ang kasama.

__________

    
Kasalukuyan

Hindi alam ang 'yong nakaraan,
Pati na rin ang buhay sa kasalukuyan.
Hahayaan mo bang pumasok ako,
At kilalanin ang pagkatao mo?

Boses, pangalan, buhay, at mukha,
Iilan sa bagay na gustong makita.
Hahayaan mo bang masilayan ko,
Ang mga bagay na ito, sinta?

Mga araw, linggo at buwan,
Umabot ng taon na hindi namamalayan.
Mga tanong na nabuo sa isipan,
Dapat ka ba talagang pagkatiwalaan?

Alam namang darating din ang araw,
Isa sa atin ang lilisan paglubog ng araw.
Hahayaan mo ba ang panghihinayang,
Sa hinaharap ay maramdaman?

________

Hinaharap

Iibig lang kapag handa na,
Mga katagang sa isip ay nakatanim na.
Hindi alam kung nasilayan ka na,
O sa nalalapit na hinaharap ka pa makikita.

Kaya kitang hintayin,
Ngunit kaya mo rin bang gawin ito sa akin?
Dahil kung ang sagot ay oo,
Pagmamahal ay ipararamdam sa 'yo.

Maraming bagay ang kahaharapin,
Dahil magkaiba pa rin ang mundo natin.
Ayoko ng naghihintay,
Pero kung ikaw, kahit pa ito'y habambuhay.

Pinapangakong kapag ika'y nakita,
Ihahalintulad kita sa mga tala.
Malayo man tayo sa isa't isa,
Sa huli'y sa bisig mo pa rin magpapahinga.

Tanging isang bagay ang sigurado,
Ating mga puso rin ay magtatagpo.
Kahit hinaharap ay magulo,
Tadhana pa rin ang siyang mamumuno.

________

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now