POEMS (1)

3 1 0
                                    

DO NOT COPY
Written by: Shin Rixo
Yeoubirix

_________

Toxic society.

Welcome to my generation,
Where the teens are high,
The people always lie,
Our youth wants to die
And loves goodbye.

Where people don't know the equality.
If you're fat then you're ugly.
If you don't have money then you're pity.

Our society is so toxic,
We do bads than goods,
So,do you still want to stay for good?
There's no equality in this society,
Because the people loves negativity.

There's more building than trees,
We see each other using new technologies,
We suffer, day by day.
We can't do anything but to survive, every single day.

Welcome to my generation.
I hope you stay
or you could join me
and we'll both run away.

_____________



____________

Para sa minamahal ko sa hinaharap

Hindi ako maganda sa pag gising,    
Maaring ito ang 'yong unang mapansin
Magulo ang buhok at at may mga muta pa,
Pero sana'y pag ibig mo'y hindi na magbago pa.

Patawarin mo kung minsan ako'y galit,
at kung minsan ay palaging nangungulit.
Gusto ko lang makita,
Ang mga mata mong kumikinang, sinta.

Huwag mo sana akong ikakahiya sa mga bagay na maaring magawa,
Huwag mo akong ipagpapalit kung magkaaway man at magkagalit
Huwag mo akong mumurahin kapag sawang sawa ka na sa akin.

Nais kong sa gitna ng ating relasyon,
Ang nakasentro ay panginoon.
Upang ating magsasamahan ay sa plano niya umayon.

Ang tanging maipapangako sa'yo,
Ay ikaw lang ang mamahalin ko.
Pinapangakong sasamahan ka sa hirap man o ginhawa,
At hinding-hindi magsasawa.

________________

Kalangitan

Para kang kalangitan na ang daling pagmasdan,
Ngunit malabong mahawakan.
Kalangitan na naglalagay ng ngiti sa mga labi,
Tuwing ako ay may pinagdaraanan.

Minsan ko ng pinangarap na ikaw ay malapitan,
Kahit alam kong kaya lang kitang pagmasdan.
Pangarap na kahit kailan ay hindi magaganap,
Dahil magkaiba tayo ng mundong kinahaharap.

Iisipin na lamang na magkasalo sa kalangitan,
At hihilinging iisa lang ang ating pinagmamasdan.
Kuntento na akong mangarap,
Na ako ang 'yong maalala sa mga ulap,

Kalangitan na kay layo mang pagmasdan,
Ngunit kayang magbigay ng ngiti sa sanlibutan.
Kalangitan na kaya kong suungin ang lahat,
Mapagmasdan ko lamang.

_____________

Ulan

Sa bawat patak ng ulan,
Na aking nasisilayan sa kalangitan.
Ay kasabay ng pagbuhos,
Ng mga luhang akala mo'y may unos.

Pinagmamasdan ko ang patak,
Parang luhang lumalagapak.
Titingala at titingin sa kalangitan,
Umaasang masusolusyunan din ang lahat.

Nakiusap ako sa hangin,
Na hipan ang mga matang basa at makulimlim.
Humihiling ako sa bawat patak ng ulan,
Na bigyan pa ako ng sapat na kasiyahan.

Sa pagpatak kaya ng ulan ay may tatakbo,
O maglalakad papunta sa gawi ko.
Para ako'y payungan at samahan,
Papunta sa lilim na aking gustong patunguhan?

_________________

Umaga

Sisikat muli ang umaga,
At matatanaw ang kalangitang kay payapa.
Senyales na mayroong bagong pag-asa,
Kahit sa loob mo ay may iniinda.

Araw na unti-unting umaangat,
Ay kasabay mong hindi nagpapaawat.
Tanging mahalaga ay nalagpasan mong muli,
Ang araw na nagdala sa 'yo ng sakit at pighati.

Kagaya ng langit na ng galing sa dilim,
Ikaw din ay maghihilom at babalik ang ningning.
Sa mga araw na binabalot ka ng pangamba,
Matutunan mo pa rin sanang magpahinga.

Manatili ka pa rin sanang matatag,
Lalo na sa mga gabing hindi ka mapanatag.
Ang nararadaman mo'y mahalaga,
Kahit sa tingin mo'y wala itong halaga sa iba.

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now