SOMEBODY OUT THERE

1 0 0
                                    

TEENFICTION

_____
✒:Shin rixo

•Plagiarism is a crime
______

I'm suffering in Anxiety. I'm hopeless. Iniisip ko palagi na wala ng solusyon lahat ng problemang dumadating sa buhay ko. Iniisip ko na ayaw sa akin ng mga tao kaya ako na mismo nag lumalayo.

But i have one friend. A male bestfriend. His name is Min.

Siya 'yong unang nakakapansin na malungkot ako at gumagawa siya ng paraan para mawala ito.

"Mia, malungkot ka na naman. Hindi bagay sa'yo kasi pumapanget ka" Mapang-asar nitong sabi habang naka-turo sa muka ko. Inis na hinampas ko siya sa braso.

"Ano naman ngayon? Dapat ba laging nakangiti? O, ayan oh, smile" I sarcastically said.

"Eto naman hindi mabiro, ang ganda-ganda ng bebe nayarn, pero mas maganda ako!" Winasiwas niya pa ang kamay niya dahilan para magmuka siyang bading. Bagay na ginagawa niya tuwing malungkot ako.

Hindi ko naman mapigilan ang pag-tawa dahil doon.

"Tara na nga bili tayo ng favourite mo!" Ginulo niya ang buhok ko na hilig niya na atang gawin.

"Favourite?"

"Cookies and cream ice cream! Bilis baka maubusan tayo, sige ka, bubusangot na naman 'yang muka mo!" Pananakot pa nito kaya binilisan namin ang pagtakbo.

He never fail to make me smile.

He was always there whenever I had a problem. He always listens to everything I say.

"Mia, anong problema? Umiiyak ka na naman. Mag-kwento ka, makikinig ako" Seryoso niyang sabi.

"Min, kasi ano-" Nag-aalangan kong saad.

"Nakikinig ako" He said. I smiled because of the thought that he's listening.

"Ang parents ko kasi, bakit lagi silang gano'n? Mga mali ko palagi ang napupuna nila at kahit minsan hindi nila napansin 'yong mga efforts na ginagawa ko para lang maging proud sila, I hate them as my parents" Naghihimutok kong sabi.

Lumapit naman siya sa akin bago punasan ang luha sa mga mata ko, bagay na lagi niyang ginagawa tuwing umiiyak ako.

"I don't have rights to judge them because they're still your parents. Mia, aaminin kong may mali sila sa puntong 'yon pero it doens't mean na aayawan mo na nag pagiging parent nila sa'yo. Try to comfront them in a nice way, baka sa paraang 'yon malaman nila 'yong kinikimkim mong sama ng loob"

Hears every word and knows what to do.

"Din, I'm confused. Why I'm so worthless? I hate my life, I hate it" I said while crying.

"What? No, you're not worthless because you're worth it. Nagpapadala ka sa sinasabi ng ibang tao. Alalahanin mo 'yong mga araw na naka survive ka tuwing may problema, you're strong, I believe in you. Lagi akong nandito para sa'yo"

When i'm feeling hopeless, lost and confused. He's my light in my darkest night.

"Mia, ang tagal niyo ng mag-kaibigan ni Min, sure ka bang mag-kaibigan lang kayo?" Nagdu-dudang tanong ni Sette. One of my classmates.

ONE SHOTSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora