LABEL

0 0 0
                                    

Tragic

Why label is so important in a relationship? Dahil ba pwede mo ng masabi na pagmamay-ari mo na siya? o baka naman para may karapatan na kayo sa isa't isa?

Well, i believe in love but i can't see myself having a relationship. Madami akong nakikita diyaan na partners at minsan napapaisip din ako kung anong pakiramdam pero ang totoo ay ayoko talagang pumasok sa isang relasyon.

Then this man came.

Siya ang unang nagkagusto sa akin, nung una hindi ko pinapansin ang presence niya because i just saw him as a classmate. Yes, classmate.

Nag pakita siya ng mga motibo, hindi ako mabilis mahulog pero ewan ko ba kung bakit ganito. Lagi siyang tumatabi sa akin sa oras ng klase na kahit napapagalitan na siya ay parang wala lang sa kaniya. Dumating sa puntong pati guro namin ay inaasar na kami dahil sa pagiging dikit niya.

Sa pagsapit ng uwian ay hihintayin niya ako hanggang matapos akong maglinis minsan pa nga ay tumutulong siya para mapabilis, sa oras na kailangan ng umuwi ay parati niyang sinasabi na...

''Ingat ka sa pag uwi, hindi kita mahahatid e sorry'' Pagkatapos ay guguluhin ang buhok ko. Naiintindihan ko naman na hindi niya ako maihahatid dahil bukod sa malayo ang bahay ko ay may gawain pa siya sa school.

Lagi niya sinasabi sa akin na hihintayin niya ako, hihintayin niya ako hanggang sa pwede na. Yep, he wants label pero ayoko.

Sa mga araw,linggo at buwan ganoon lang kami, sinubukan niya akong ligawan pero wala akong matinong sagot sa kaniya. Pero hindi naman naging hadlang 'yon dahil sa mga buwan na lumipas parang kami na din naman, nakakatawa isipin pero nagtampo pa siya sa akin nung makalimutan ko ang araw na nag umpisa ang no-label-relationship namin.

''Hindi mo talaga naalala?'' Sabi niya, mukang nagtatampo na nga pero hindi ko talaga alam kung anong meron sa araw na iyon.

''Monthsary natin kaya!'' Doon na ako natawa dahil nagmamaktol na siya, bigla namang umeksena ang isa naming kaklase.

''Monthsary? e label nga wala kayo'' Saad nito bago matawa, nakitawa nalang kami dahil totoo naman.

5 months, 5 buwan din ang tinagal namin. Binigyan niya ako ng flowers,chocolates at letter nung valentines pero mas excited akong buksan yung letter kasi galing sa kaniya e.

Pero hindi palagi masaya, nag sembreak na at wala na kaming oras para magkita. Nawawalan na kami ng koneksyon sa isa't isa. Nung una nakakayanan pa pero habang tumatagal ay lumalabo na, hindi ko alam kung sinong dapat sisihin nung dumating yung time na nagpaalam na siya.

Yes, he left.

He bid a goodbye, sinabi niya na baka wala na talaga kaya nag sorry siya. Nung mga oras na 'yon sa tingin ko kasalanan ko kasi ako yung nawalan ng komunikasyon sa kaniya, i don't have a phone para makausap siya palagi. Sinabi ko sa kaniya na baka minsan na lang ako makapag on pero mukang nagsawa na siya.

I sarcastically laughed nung mabasa ko yung message niya sa gc na ghinost ko daw siya, wala ba siyang tiwala sa akin?

Wala akong naramdaman, hindi ko naman kasi ata siya minahal. Yep, i have a crush on him pero hindi pa ganon kalala. Mabilis akong mawalan ng feelings kaya inisip ko na kasalanan ko 'yon, na kaya natapos yung amin kasi dahil sa akin.

Kaso lately narealize ko na hindi ko mali 'yon e, hindi ko naman ginusto na mawalan ng communication sa kaniya, hindi ko naman ginusto na mawalan ng interest sa kaniya. Pero hindi pala ako nawalan ng interes sa kaniya kasi nung bumalik siya sa ex niya doon ko narealize na gusto ko pala siya, doon ko naalala lahat ng memories namin together.

Ang sakit lang kasi sabi niya hihintayin niya ako pero iniwan niya ako,akala ko communication lang yung nawala pati rin pala siya. Bumalik siya sa ex niya, nag post pa niya yung unang chat niya sa ex niya which is one month pagkatapos niya magsabi ng paalam.

Pero who i am to get mad? we don't have labels.

Nagtapos kami na walang explanations galing sa akin, kasi nung time na ready na ako mag explain e nagkabalikan na pala sila and they both looks so happy. They're finally came back to their home.

And i'm just his lesson.

Nakita ko kung paano sila naging masaya at nakita ko pa ang sinabi ng parents ng girl na "ingatan mo yang prinsesa namin, wag mo sasaktan" so yeah, hindi na ako nag explain kasi baka makasira pa ako.

They're both happy while me,supporting them from afar. I watched how happy they are, i witnessed every battle they faced, the hugs and kisses they made. I'm so happy for both of them.

You're always in my dream, i don't know why. Pilit kong iniisip na hindi ko namimiss yung presence mo pero parang niloloko ko lang sarili ko kasi the more i try to forget you, the more it hurts.

Yeah label is important because you can assure that you're belong to your partner pero para sa akin mas okay na magkakilala muna kayo bago pumasok sa isang relasyon. See? we don't have labels pero may mga ganito ng issue. Paano pa kung nalagyan pa namin?

When communication fades, feelings will follow.

But you know what is the sad part? i'm slowly falling inlove with him.Yeah, yyng sinabi ko na hindi ako mafa-fall nasira ko na.Hindi dahil sa looks niya kundi dahil sa presence niya. He's so caring and sweet,that's why.

But..we're not meant for each other.

I hope you're happy with your home, she's perfect. Don't hurt her.

Don't settle for less.

Ofcourse i miss you.I miss your smell, i miss your laugh, i miss your corny jokes. But don't worry, one day i will be happy because i'm finally ready to let go the person who gave me happiness and sorrow at the same time.

It's not bad if you don't have labels, ang masama e yung mayroon na kayong label pero hindi kayo masaya sa isa't isa. Set label if you're ready and not because of curiousity.

____

✒:Shin rixo

•Plagiarism is a crime

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now