ANGEL OF DEATH

0 0 0
                                    

Fantasy

I'm a suicidal person. For me, my life is useless. There's no chance to be happy again.

Today, I planned to suicide. I'm here at the bridge, sa tingin ko walang sakit Kung mahuhulog nalang ako dito.

"Babae, hindi mo pa oras" Napahinto ako sa narinig. Walang emosyon na nilingon ko ang nagsalita.

"At anong pakialam mo kung oras ko na o hindi?"

"Sabagay, may freewill kayo kung saan Malaya kayo na magdesisyon sa buhay niyo" Malamig nitong tugon. "Pero mas magandang hindi mo nalang ituloy ang binabalak mo"

"Bakit ka ba nakikielam? Sino ka ba?"

"I'm a grim reaper, angel of death to be exact"

Angel of death? Balak ko magpakamatay at hindi nakaencounter ng isang baliw.

"Susunduin mo na ba ako? Pero kung angel of death ka bakit mo ako pinipigilan? Bakit hindi mo nalang ako patayin para mapadali ang trabaho mo?" Pag-patol ko sa baliw na 'to.

"Trabaho ng isang gaya ko ang magsundo sa mga kaluluwang namayapa na at tulungan silang maihatid sa kabilang buhay" He calmly said. "Kaya alam kong hindi mo pa oras"

Napatulala naman ako dahil doon. Nababaliw na talaga ang lalaking 'to.

"Hindi ka kumbinsido, kaya may lakas ng loob akong sabihin ito ay dahil kaya ko namang burahin ang ala-ala mo. Gamitin mo ang freewill mo, pero asahan mong isa lang ang babagsakan mo" He said. "Sa limbo"

"Ano 'yon?"

"Kung saan lilitisin ang kaluluwa mo, makukulong ka sa madilim na lugar na alam kong hindi mo magugustuhan. Kaya mag-iingat ka sa gagawin mong desisyon" Pagkasabi ay bigla nalang itong naglaho sa aking harapan.

___

Facts: The grim reaper is a hard worker. His job is to collect souls when they reach the end of their time on earth, and he is extremely diligent about getting his work done.

_____

✒:Shin rixo

•Plagiarism is a crime

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now