Patawad, paalam.

0 0 0
                                    

Tragic

___

I have a girlfriend. Her name is Zia.

"Love, picture tayo mag smile ka. Ikikiss kita sa cheeks!"

She's sweet and lovable.

"Love, ang hirap ng game ah? Halika nga rito at pupunasan ko 'yang pawis mo, may energy drink din diyaan. Kaya mo yan ah? Mag chicheer ako rito."

She's my number one supporter.

"Love, how's work?"

"Ayon hirap pa rin mag-adjust,"

"Ganoon ba? Sa tingin ko hindi na tayo makakalabas niyan, pero ayos lang. Just do your priorities, love."

"You're my number one priority, I'm busy but I'll make time for you."

Maayos ang lahat.

Masaya ang pagsasama naming dalawa. There's love, love that I only feel when I'm with her.

I have a lot of plans for us in the future.

"Love, kahit anong mangyari always remember that I love you. Ikaw palagi, ikaw lang."

I love her too.

But one day.

I saw her kissing other man.

And that man is my bestfriend.

Balak kong pumunta sa bahay ng bestfriend ko para sana ibilin sa kaniya ang girlfriend ko dahil kailangan kong pumuntang manila para sa utos ng boss ko pero tang-na ano 'tong madadatnan ko?

"Bro, mali iniisip mo," depensa ka agad ng tarantado kong kaibigan. Tumakbo ako papunta sa kaniya bago siya suntukin sa mukha.

"Gag0, anong mali? Nasa kama kayo tapos naghahalikan king-na sabihin mong mali!"

Muli ko na naman sana siyang susuntukin ng hawakan ni Zia ang braso ko. "Love, love tama na."  .

Nanlilisik ang matang tinignan ko ang kaibigan ko habang pinupunasan niya ang dugong nasa bibig niya. Sa lahat, siya ang huling taong iisipan kong tatatantado sa akin.

Alam niya kung gaano ko kamahal si Zia. Alam niya kung gaano ko pinaghahandaan yung kinabukasan ko kasama si Zia.

Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko, sa pag-iwas ko ng tingin sa kaniya at nasalubong ko naman ang tingin ng babaeng ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa ’to sa akin.

Ang sabi niya huwag ko siyang sasaktan, pero bakit niya ako ginaganito?

Alam kong ilang sandali lang ay hahagulgol na ako habang nasa harap niya, gusto ko siyang yakapin, handa akong lumuhod sa harap niya para lang bumalik sa akin, gusto ko siyang paniwalaan. Kung panaginip man 'to gusto kong gumising na. Pero sa huli ay pinili ko ang umalis roon. Sapat na siguro iyong nakita ko. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag nanatili pa ako roon, pakiramdam ko sasabog ako sa galit na nararamdaman ko.

"Love, lovee!" Hinabol ako ni Zia ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Love, teka naman." Hinila niya ako at wala akong nagawa kung hindi galit na sigawan siya.

"Love ampUta, may boyfriend ka! Ako, boyfriend mo ako! Bakit ka nagpapakama sa ibang lalaki?! Akala ko iba ka, naglalandian pa kay—"

She slapped me.

"Wala kang alam,"

"Wala? Wala nga ba o ayaw mo lang talagang ipaalam? Zia, tell me. Kailan pa 'to nagsimula? Ilang buwan na? Taon? O baka naman simula nung maging tayo? Zia, paulit-ulit mong sinabi sa akin na huwag kitang sasaktan pero ako naman pala yung sasaktan mo!"

Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko, hindi ko ito mapigil dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Zia, ang sakit. Bakit mo ginagawa sa 'kin 'to?"

"Love, sorry... Hindi mo naiintindihan," naglandas ang mga luha sa mukha niya at akmang lalapitan pa ako ngunit inipon ko na ang lakas ko para lumayo.

"Huwag kang magpapakita sa akin."

Iniwan ko siya doon matapos sabihin iyon sa harap niya, wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Tama na, hindi ko na alam kung paano ipoproseso 'to.

Lumipas ang mga araw at paulit ulit ang paghingi niya ng tawad, tinatawagan niya ako pero blinocked ko lang ang number niya. Mahirap man sa akin pero iniwasan ko siya sa lahat ng paraang alam ko.

"Love, sorry," Paulit ulit ang mga salitang 'yan sa araw-araw.

Isang araw, habang pauwi galing sa opisina ay nakasalubong ko ang kapatid ni Zia. Wala naman akong magawa nang huminto ito sa harap ko .

"Gio," pagtawag nito sa pangalan ko. Mugto ang mga mata niya at halos hindi na makilala sa itsura.

"Ano?"

"Gio, puntahan mo na ang kapatid ko," aniya bago lumuhod sa harap ko. Gulat na inalalayan ko naman siya patayo.

"Pasensya na ho pero alam naman po ninyo ang nangyari sa amin ni Zia. Hindi ko pa alam kung kaya ko na siyang harap—"

"Para sa huling beses, puntahan mo siya."

Kunot noong tinignan ko naman siya, hindi maintindihan ang sinasabi niya. Pero hindi ko makakailang kinabahan ako sa mga salitang iyon.

Nang makita niya iyon ay may kinuha siya sa bag niya at iniabot sa akin ang isang puting sobre. Takot na kinuha ko iyon.

"Gio, my sister loves you so much. To the point that for her, living doesn't make sense if you're not with her..."

Nanginginig ang mga kamay ko at nag-umpisa nang tumulo ang mga luha nang mabuksan ko na ang sobre. Sobreng kahit kailan ay hindi ko ginustong matanggap.

"Hi love, I'm sorry. Araw-araw ko yang sinasabi sa 'yo pero alam kong galit ka kaya hindi mo tinatanggap. Pinagsisisihan ko yung mga nangyari, love. gusto ko lang sabihin na hindi ko ginusto yon, pinilit ako ng kaibigan mo. Hindi ako pumayag, alam kong kilala mo ako. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang lokohin ka. Love, can I tell you a secret? Love, he raped me... at tuwing sinusubukan kong magsumbong sayo tinatakot niya ako... may video ang lahat ng yon. takot na takot ako, love. Ayokong pandirihan mo ako. Ayokong iwan mo ako. Ang sabi niya sasabihin niya sayo lahat, babaliktarin niya ang kwento. Sasabihin niyang inakit ko siya kahit ang totoo ay galit na galit ako sa kaniya. Love sa lahat ng nangyari, wala akong ginusto roon. Gusto ko oa sanang humingi ng tawad sayo ng personal pero hindi ko sinasadyang napagod na ako sa lahat at sa puting sobre na 'to ko na lang masasabi ang mga salitang 'to. Chase your dreams, Gio. This is my lasts sorry, don't worry ikaw pa rin. Hanggang sa huling hininga ko, ikaw lang. Mahal kita. Patawad, paalam."

✒:Shin rixo

•Plagiarism is a crime

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now