Frozen

0 0 0
                                    

"Mom, I have a question" Nakangiti sabi ng anak ko. Nakahiga kami ngayon sa kama niya dahil kailangan ko na siyang patulugin.

"What is it, darling?"

"Bakit po frozen 'yong design ng wall ko?" Taka nitong tanong. Tinignan ko ang wall na sinasabi niya at nakita roon ang painting ng Frozen. Hindi ko pa siya pinapanganak ay plinano ko na talagang magpa-paint doon.

"Why? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman po, pwede ni'yo po ba i-kwento sa'kin ang story ng Frozen?" Excited nitong sabi. Tumango naman ako kaya dali-dali siyang tumingin at nakinig sa akin.

"May isang prinsesang na iba sa lahat. Kinatatakutan siya ng mga tao dahil mayroon siyang kapangyarihang kahit anong hawakan niya ay magiging yelo. Ang prinsesang ito ay nag ngangalang Elsa. Mayroon siyang kapatid at ito ay normal hindi gaya niya. Namatay ang magulang nila sa isang trahedya kaya't sa kaniya naipasa ang korona bilang reyna. natira na lamang sila ng kapatid niyang si Anna. " Panimula ko sa kwento.

"Dumating ang punto na nasasaktan niya na ang kapatid niya dahil sa hindi niya makontrol na kapangyarihan. Kaya't nagpasya siyang iwan ang palasyo at gumawa ng sarili niya. Umalis siya sa palasyo kung saan siya lumaki dahil natatakot siyang mas katakutan at makapanakit pa ng iba. Pumunta siya sa malayong lugar, sa may bundok kung saan malayo sa mga tao. Doon siya gumawa ng sarili niyang palasyo na gawa sa purong yelo" Detelyado kong pagkw-kwento. Gumawa ang reyna ng napaka-gandang kastilyo.

"What happened next, mommy?" Kuryoso nitong tanong.

"Si Anna kasi ay nagbalak na magpakasal sa prinsepe na kakakilala niya lamang, tutol dito si Elsa ngunit nagalit lang si Anna at sinabing totoo ang pagmamahalan nila. Nang magalit si Elsa sa pagsagot sa kaniya ng kapatid ay nailabas niya ang kapangyarihan niya. Muli, nasaktan niya na naman ang kapatid" Kahit hindi naman sinasadya ng reyna ay sinisisi niya pa rin ang sarili niya. . .

Tumango naman siya.

"Hindi ko na bubuuin ang kwento dahil baka umabot tayo ng ilang oras dito. Kailangan mo na agad matulog" Nakangiti kong sabi.

"Mommy naman! Dali na po kahit shortcut lang!" Maktol nito.

"Okay, okay. But after this matutulog ka na?" She nodded.

"Iyong prinsepe na papakasalan sana ni Prinsesa Anna ay ginagamit lang pala siya para sakupin ang kanilang palasyo. Nalaman ito ni Elsa kaya tutulungan niya na sana ang kapatid niya. Ang problema ay hindi ito mahanap dahil natuklasan na rin pala ni Anna ang totoo at ikinulong siya para hindi makapagsumbong" Sa pagkwe-kwento ko ay naalala ko na naman ang sakit ng mga pangyayari noon.

"Sa huli ay nanaig pa rin ang pagmamahal ng magkapatid sa isa't isa. Napaka daming hadlang para mapaglayo silang dalawa pero gagawa ang tadhana para mapaglapit silang muli" Nakangiti ko ng sabi.

"Yey, bati na po sila?"

"Hindi pa, baby. Naging yelo ang prinsesa dahil sa kapangyarihan ng reyna na nasa loob niya na maraming taon na ang nakakalipas. Nalungkot ng sobra ang reyna at sinisisi ang sarili niya at ang kapangyarihan niya" At Saksi ako sa lungkot na 'yon. "Ang sabi ay ang tangi lang na makakapagbalik sa prinsesa sa pagiging tao ay ang true love. Tunay na pag-ibig"

"Hindi naman po kasalanan ni Elsa 'yon, saka true love? Ibig sabihin kailangan niya ng prince!"

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi. "Hindi, anak. Hindi prince ang kailangan ng prinsesang si Anna."

"Eh sino po yung true love niya?"

"Si Elsa. Ang kaniyang kapatid. Niyakap ng reyna ang kapatid niya at sa pagpatak ng luha niya sa yelong kapatid ay nagulat ang lahat ng bumalik muli ito sa normal, hindi pala halik ng true love ang makakapagbalik sa prinsesa. Pagmamahal lang. Pagmamahal galing sa tunay na pag-ibig. At 'yon ay ang kaniyang kapatid. " Masaya kong sabi. Noon, sobrang saya rin ang naramdaman ko sa pagbabalik ni Anna. Nasaktan lamang talaga ako na makita ang mukha ng prinsesa na purong yelo na noon.

"Mommy, ikaw po ang director ng Frozen 'di ba?"

Tumango naman ako. She's right, I'm the director.

"Saan niyo po nakuha ang story? At detelyadong-detelyado po ata?" Napakamot pa ito sa ulo.

"Do you believe in reincarnation, anak?"

"Yes po! Oh, don't tell me kasama ka—" Nanlalaki ang mata na sabi nito.

"Yes"

"Ikaw po si Anna 'yong prinsesa?" Gulat nitong tanong. Umiling naman ako. Natatawa ako sa reaksyon ng anak ko.

"Ikaw po ang reyna? Si Elsa!" Manghang sabi nito.

"Hindi rin ako ang reyna, anak"

"Huh? Kung gano'n sino ka po?"

"Ako si Olaf."

____

Written by: Shin rixo
Work of fiction

ONE SHOTSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang