UNTIL OUR NEXT ECLIPSE

0 0 0
                                    

ROMANCE(TRAGIC)

''Jax, magpicture tayo dali-—" Napahinto ako sa pagyayaya sa kaniya nung makita kong busy siya sa cellphone niya habang nakangiti.

''Jax?'' Kumaway pa ako para makuha ang atensyon nito.

''Oh, sorry. What were you saying?"

Lumapit ako sa kaniya para makita kung ano ang pinagkaka abalahan niya sa phone niya pero agad niya itong nilayo at itinago.

''Anong ginagawa mo?'' tanong ko.

''Wala, kachat ko lang si Liam,'' Sagot niya na ang tinutukoy ay ang kaibigan niya.

Tumango-tango ako kahit hindi kumbinsido sa sinabi niya.

''Picture tayo!'' Masaya kong sabi bago kuhanin ang phone mula sa bag.

''Sure,"

Itinapat ko ang camera sa mukha namin bago ngumiti ng pagkalapad-lapad.

''Look, ang cute natin o!'' Masayang sabi ko. Instead of saying things, he just kissed my forehead.

How sweet.

''Jax, do you love me?'' I asked.

''Of course, I do love you,'' Nakakunot noong sagot niya.

That's all I want to hear.

Napatingin kami sa tumunog niyang phone, tinignan niya ang caller at nakita kong si Daphne ito. Pinatay niya ang tawag pero tinignan niya ang message. Bakas sa muka niya ang pag-aalala sa nabasa.

"Daphne needs me, she's in the hospital," he whispered, in panick.

"Dito ka muna kahit ilang minuto lang," pakiusap ko.

''Love, alam mo ba na naiimagine ko na ako ang sun at ikaw 'yong moon ko?'' Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kalangitan na papalubog na ang araw. Nag-aalala man ay tinago niya ang phone sa bulsa niya bago tumingin sa akin at hawakang muli ang kamay ko.

''Bakit? Parang baliktad?"

''Oo baliktad talaga, kasi kahit anong gawin kong effort para mapalapit sa'yo, hindi umeepekto,'' malungkot kong sabi.

''Avery, ano bang sinasabi mo? Ang lapit-lapit nga natin sa isa't isa.'' Tinaas niya pa ang magkahawak naming kamay para ipakita iyon sa akin.

''Oo, malapit ka sakin ngayon. Pero pakiramdam ko ang layo mo. Jax, ang daling sabihin na mahal mo ako pero mahirap mag panggap hindi ba?'' Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha sa mata ko.

''What? Avery, mahal kita. Kung hindi kita mahal sana hindi ko iniwan si Daphne—"

''See? Kung mahal mo ako hindi mo iisipin na minahal mo ako dahil iniwan mo siya. Jax, wag na tayong maglokohan. Alam kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon."

Oo, alam ko na hindi pa rin siya nakakamove on sa ex niya. One time I saw them kissing...torridly. That time ay kami na. But I kept quiet so I can keep him. Mahal ko si Jax at kahit pagiging martir nagawa ko na.

''Avery, ano ba 'yang pinagsasabi mo. I don't like her anymore!" Giit nito.

''You don't like her because you love her! Kung hindi mo siya mahal aalis ka ba sa araw ng birthday ko para pumunta sa kaniya kasi may sakit siya? If you don't love her sana hindi kita nakitang masaya kanina habang kausap mo siya at magsinungaling na si Gio ang kausap mo! Today is our 5th anniversary, hindi mo naalala hindi ba?''

Hindi makapaniwalang tinignan ako nito. Alam kong nakalimutan niya ang mahalagang araw na ito.

''Avery...'' He pinched his nose bridge. Ngayon ko lang siya kinompronta tungkol dito kaya alam kong tanggap niya na ang pagkatalo niya.

''I'm sorry, sinubukan ko. Sinubukan kong mahalin ka, God knows how much I tried to love you at nag succeed ako pero iba pa rin 'yong pagmamahal na 'yon kumpara sa pagmamahal ko sa kaniya,"

''I'm just a trial, huh?''

''Hindi sa gano'n-''

''Let me tell you a story. It's a beautiful story so listen. The sun love the moon so much. She died everynight to let the moon breathe'' I smiled before I look into his eyes.

''The sun is me, I'm letting you breathe now."

''Avery, I loved you''

''I love you too, I know I said I'm your sun right? But now that your going to leave me, I'm just a telescope, watching you both shining from afar,'' Mapait akong ngumiti.

"I'm sorry."

"You used to say you want me, now we just say sorry," mapait akong natawa. Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa mata ko.

"Meeting you is a dream, Jax. And I need to wake up now, I think my free trial is now over." I kissed him on the cheeks for the last time.

"I think I was just a part of your journey but not your destination" He calmly said. I nodded.

"Until our next eclipse, my moon," I emotionally said. He kissed me, I know this kiss is our last.

"I need to go..." He whispered. He slowly removed my hold on his hand. Even though i don't want to let go of his hand, Daphne needs him.

Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi bitawan ang kamay niya. Ngumiti siya na ginantihan ko din ng malawak ngunit pilit na ngiti. Tumalikod siya at nagmadaling umalis dahil alam kong alalang-alala na siya kay Daphne.

It hurts to see the person you love, walking away from you.

One of the hardest thing to do is letting go when you still want to hold on. Giving up is hard but staying with someone even though you're hurt and slowly losing your self is more painful.

Ang sakit pala magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

______

ONE SHOTSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt