POEMS (2)

1 1 0
                                    


DO NOT COPY
Written by: Shin Rixo
Yeoubirix

__________

Tahan na

Sa bawat pagngiti ng aking mga labi
Ay kabaliktaran ng mga matang sawi
Sa bawat pagbato nila ng mga salita
Ay palihim naman akong nasisira

Hirap magtiwala sa iba
Natatakot na muli itong masira
Isip ko ay naguguluhan
Kung susuwayin ba ang isipan

Ang pagluha na lamang
Ang tangi kong kanlungan
Kaya t'wing pagod ang isipan
Ay yayakap na lang sa 'king unan

Hindi pa siguro ngayon
Ngunit alam na aahon
Oras na para magpahinga
Punasan na ang mga luha

Tahan na

_________

Nais

Mga matang kay ganda
Na hindi nababagayan ng luha
Mga ngiting kay tamis
Na nababagay sa iyong mukha

Sa kabila ng pagiging mabuti
Damdamin pa rin ay nasaktan sa huli
Sa kabila ng pagtitiwala
Ako ay nasaktan pa

Naging isang bukas na libro sa iba
Na maaari mong makilala
Sa bawat buklat ng pahina
Hanggang sa bawat kabanata

Nais ko lamang ay mawala
Ang bigat ng mga hininga
At ngumiti ng totoo at payapa
Na walang pagpapanggap pa

_________

Untitled

Bigat na 'yong dinadala
Hinihiling na mabawasan na
Nararapat lamang na lumigaya
Ang isang katulad mo, sinta

Ngiting nakaukit sa 'yong labi
Iyo sanang ipanatili
Huwag kalimutan ang sarili
Dahil ikaw ay natatangi

Mga gabing binabalot ka ng lungkot
At akala mo ay nasa isang bangungot
Alalahanin na mayroong mga tala
Na handang mag-aalis ng 'yong pangamba

Mayroong nakalaan sa 'yo
Sana ay mahintay mo ito
Mabagal man o mabilis ang takbo
Sa huli'y ikaw pa rin ang panalo

__________

"Kapit"

Mahigpit ang pagkakakapit,
Sa mga kamay mong kung humawak ay pilit.
Patuloy na kumakapit,
Kahit alam kong ako lang ang pumipilit.

Mga luha at hinagpis,
Iilan sa naranasan dahil sa pagtitiis.
Alam na wala itong patutunguhan,
Ngunit gusto pa ring magpatuloy sa laban.

Mga mata mong nagsasaad ng pagbitaw,
Hindi nakikita ng puso kong ayaw umayaw.
Patuloy lang ba akong kakapit sa mga kamay mo,
Kahit na ang kasiyahan ko mismo ang kapalit nito?

Hihingi ng gabay sa mga tala,
Na palagi nating tinitingala.
Kung maaari ay bigyan pa ako ng dahilan,
Para mga kamay mo ay hindi tuluyang bitawan.

_________

"Bitaw"

Mga matang kay ganda,
Paborito kong parte ng 'yong mukha.
Mga ngiting pinagkukunan ng lakas,
Ngayon ay pampaubos na ng lakas.

Mga ngiting rumihistro sa labi,
T'wing ikaw ang katabi.
Ngayon ay nakalaan na,
Para sa iba.

Bibitaw na sa mga kamay,
Na minsan ko ring naging gabay.
Kahit man ako'y nalulumbay,
Ikaw pa rin ang pipiliin sa susunod na buhay.

Ako'y naging masaya,
Ngunit sadyang hindi tayo para sa isa't isa.
Kung mabibigyan man ng t'yansa,
Ikaw pa rin ang pipiliin ng pusong puno ng pantasya.

Nagtatalo man ang isip at puso,
Kailangan ko na talagang sumuko.
Ngayon ay palalayain ka na,
Hahayaan ng humawak ng kamay ng iba.

_________

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now