TILL OUR PATHS CROSS AGAIN

0 0 0
                                    

Romance

✒:Shin rixo

•Plagiarism is a crime
_____

Takot akong magmahal. Takot akong tuluyang mahulog ang loob sa isang tao. Takot akong dumating ang puntong makalimutan ko na ang sarili ko para sa ibang tao.

Ito ang mga dahilan kung bakit ayokong mag-mahal.

Pero mali ako.

"Kim, can i court you?" Nag-aalangang tanong ni Raven. Laman siya lagi ng guidance office at isa sa mga pasaway sa school kaya hindi ko inaasahang lalapit siya sa akin, lalo na ang magsabi ng mga ganiyang bagay.

"Raven, ano bang pinagsasabi mo?kung trip mo ako, wala akong oras para sa'yo" Inis na sabi ko. "Stop messing up with me"

Akma na akong aalis nang hulihin niya ang kamay ko at hilain ito papalapit sa kaniya dahilan para bumangga ako sa kaniyang dibdib.

Napa-angat ako ng tingin kaya't nasalubong ko ang mga mata niya. Itinulak ko siya papalayo sa akin.

"Raven ano ba? Hindi ako nakikipagbirua-"

"Sino bang nagsabi na nakikipag- biruan ako?" Seryoso niyang sabi.

"Kim, I'm serious. I like you." he confessed. I rolled my eyes in frustration.

"So what? Wala ka na bang mapagtripan na babae ngayon at pati ako ay pinagloloko mo?" Nakairap kong sabi saka siya iniwan doon.

Ha! Sa tingin niya ba maniniwala ako sa confession niya? Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi siya nakukuntento sa isang babae. Napa-irap ako sa inis.

Hindi ko maitatanggi na may itsura si Raven dahil isa siyang modelo. Aaminin kong na attract din ako sa kaniya pero hanggang doon lang 'yon. Ayokong ma-fall nalang basta sa isang lalaki.

Kinabukasan ay inaasahan ko ng tahimik ulit ang pagiging isang buhay estudyante ko kagaya ng araw-araw na nangyayari sa akin.

Pero mali ako.

Hindi pa ako nakakalapit sa classrom namin ng may humarang na sa daan ko.

"Goodmorning, Kim!" Nakangiti nitong sabi.

"Likewise" Lalagpasan ko na sana siya pero iniharang niya rin ang katawan sa dadaanan ko.

Inis na tinignan ko siya.

"Did you already eat? If not, tara kain muna tayo. My treat!"

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay inirapan ko lang siya.

"Ano bang trip mo?"

"Nah, it's not a trip. I told you, i like you" He calmly said. "And i mean it"

"Umalis ka nga sa daan," hinawi ko siya pero patuloy pa rin siya sa pagsunod.

"I don't know how, basta I figure it out tuwing nakikita kita" He looks so serious.

Inirapan ko siya at binilisan ang paglalakad, kulit din, eh. Uso pa ba ngayon ang love at first sight?

"Sus, in love ka naman din sakin" Bulong nito.

ONE SHOTSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora