ALWAYS BE MY FIRST LOVE

0 0 0
                                    

TeenFic

___

"Daddy, can you read a story for me?" My daughter Lea told me.

"Ofcourse, baby" Naglakad palayo sa'kin ang sampung labing tatlong gulang kong anak para kunin ang librong gusto niyang ikwento sa kaniya.

"Daddy, i'm already big, why are you still calling me baby?"

"Because you're my baby, ayaw mo ba?" Malungkot kong tanong.

"No po, i'm your princess kaya okay lang po" Nakangiti nitong tugon.

"Baby, paulit-ulit ko na 'yan nakwento sayo" Saad ko. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.

"May bago akong story" Nakangiti kong sabi bago siya buhatin at ihiga na sa kama niya. Umupo ako sa gilid ng kama para sa paguumpisa ng kwento.

"Really?" Namamangha nitong sabi.

"Yes, Okay lang ba sa'yo na magkwento si daddy na wala sa libro?" Naninigurado kong tanong. She cutely nodded.

"Noong unang panahon, may magkasintahan na maagang nagkaroon ng malaking responsibilidad sa buhay. Maaga silang naging isang ama at ina. Ang babae ay marangya ang buhay, naibibigay ang lahat ng kaniyang pangagailangan samantalang ang kasintahan niya naman ay laki sa hirap, mahirap ang pamilya ng lalaki at iyon ang dahilan kung bakit hindi tanggap ng magulang ng babae ang relasyon nila. Ang pagmamahalan ng magkasintahan ay nagkaroon ng bunga, isang malusog at magandang batang babae" Nakangiti kong pagkwe-kwento.

"Wow, daddy. Siguro mukang princess 'yong baby" Masayang sambit ng aking anak.

"Tama ka diyan" Tinapik ko ang tungki ng ilong nito bago magpatuloy sa kwento.

"Hindi nagustuhan ng mga magulang ng babae ang nangyari sa kanila kaya't pinaalis ito sa palasyo. Nanirahan sila sa maliit na barong-barong ng lalaki. Dumating ang mga araw na wala na silang mapagkunan ng pagkain dahil sa kawalan ng pera sa kanilang bulsa. Tinaguyod ng lalaki ang kaniyang pamilya. Naging mangingisda siya, nagsaka, at nag-alaga ng mga hayop para lang magkaroon ng makakain ang pamilya niya. Hindi niya alintana ang pagod basta't makita lang niyang masaya ang asawa at anak niya" Isinuklay ko ang kamay ko sa buhok ng anak kong patuloy pa ring nakikinig sa kwento ko.

"Pagod na pagod ang lalaki sa mga trabahong kaniyang pinapasukan ngunit tuwing nakikita niya ang ngiti ng anak niya ay naiibsan ito at napapalitan ng kasiyahan, alam niyang lahat ng kaniyang pagod ay kapalit ng magandang buhay ng kaniyang anak. Masaya siya na sa bawat patak ng pawis niya ay may pera siyang maiuuwi kahit kaunti para sa pagkain ng pamilya niya"

"Daddy, the father of your story is so amazing, just like you" She smiled sweetly.

"He loves his daughter very much, 'yong pagod niya nababalewala tuwing nakikita ang anak niya. Kahit mahirap ang buhay nila noon ay dumating din ang araw na nakaahon sila sa hirap. Ngayon ay may maayos na silang tirahan at hindi na nag-aalala kung may maipapakain pa ba ang ama sa pamilya niya"

"And that's because of the father!"

"Hmm yes pero nagawa 'yon ng father hindi lang sa pagti-tiyaga ng ama kundi dahil sa pamilya niya at lalong-lalo na sa anak niya na nagbibigay ng lakas sa kaniya. Naniniwala kasi siya na hindi kailangan ng salapi para maging isang mabuting magulang. Simpleng pagmamahal at pagti-tiyaga ang bubuo sa isang pamilya"

"Daddy, paano niyo po nakwento ng detelyado 'yong story e wala po kayong binabasa?" Kuryoso nitong tanong.

"It's easy to narrate a story lalo na kung ikaw mismo ang character" Proud kong sabi.

"Wow, ikaw po 'yung lalaki na naging daddy?" Napapangha nitong sabi habang sapo ang magkabilang pisngi.

"Uh, yes, baby. Since noong nakaraan mo pa ako kinukulit na i-kwento ang lovestory namin ng mommy mo"

"Waaa daddy, i'm so proud of you!" She hugged me. My princess is already big but she's still my baby.

"I can do anything for you, and for your mother"

"You're the best dad in the whole world!" I chuckled. Marami pang mga nangyari noon na napagdesisyunan kong h'wag nang sabihin sa anak ko. I have flaws as a dad pero hindi nababago non nag pagmamahal ko sa anak ko.

"Dad, kapag nagkaroon po ako ng boyfriend in the future-"

"You're still a kid" Nanunuway kong sabi.

"I know po" She giggled. "But i want a man like you"

I automatically smiled.

"Why me?"

"Kasi po napaka the best husband niyo po lalo na 'yong pagiging the best father. You're a full package man!"

Hindi ko mapigilan mapangiti sa sinasabi ng anak ko. Parehas na parehas sila ng mommy niya, mahilig magbigay ng compliment.

"Pero daddy kahit magkaroon pa po ako ng boyfriend you will always be my first love. I love you daddy, always" She give me a kiss on my cheeks. "I'm so lucky that you're my daddy"

I'm also lucky to have a daughter. Kahit anong hirap kakayanin ng isang ama makita lang ang ngiti sa muka ng mga anak nila.

A father's tears and fears are unseen, his love is unexpressed, but his care and protection remains as a pillar of strength throughout our lives.

"You will always be my first love, because no one in this world can love a girl more than her father" My daughter innocently said. Indeed

____

✒:Shin rixo

•Plagiarism is a crime

___

ONE SHOTSOnde histórias criam vida. Descubra agora