Mirror

0 0 0
                                    

Sinisipat ko ang itsura ko sa salamin na nasa harap ko. Pinupuri sa gandang mayroon ako. Kahit ano pa yatang salamin ang pagmasdan ko ay iisa lang ang pinapakita nito. Kagandahan.

“Ash, hindi ka ba natatakot? Palagi kang nakatingin d’yan sa salamin. Kahit madaling araw ay tinitignan mo ang sarili mo d’yan” Nakangiwing tanong ng kaibigan kong si Aliana.

“Ano naman? Wala namang masama kung tignan ko ang sarili ko palagi, ah?” Depensa ko.

“Hmm, lagyan natin ng twist. Habang nakatingin ka sa salamin gawin mo ’yong nabasa ko” Nakangisi namang sabi ni Tyron.

“Anong nabasa?”

“Sa pagsapit ng alas-tres ng madaling araw, kailangan mong tumayo sa harap ng salamin” simple nitong tugon.

“Sus, ang dali lang pala” Mayabang kong sabi.

“Nah, here's the twist. Haharap ka roon ng alas-tres ng madaling araw habang hawak ang isang kandila. Matutulog na kami at hahayaan ka naming mag-isa roon. Bilang ebidensya kailangan mong video-han ang sarili mo habang ginagawa 'yon. Take note. Hindi ka aalis doon hanggang mag 4 am” Pagpapaliwanag niya.

“Ayon lang? Tyron, c'mon. You know me, I love creepy experience” Nakangisi ko na ngayon sambit.

“Anong ayon lang? Gagawin mo 'yon habang binibigkas ang bloody mary” Seryoso nitong sabi.

“Tyron! Ano bang pinapagawa mo kay Ash! Masama ’yon!” Saway ni Aliana.

“Kalma, pumayag naman siya. At wala naman tayong kasiguraduhan kung totoo talaga 'yon”

Napamaang naman ako sa narinig. Hindi lingid sa kaalaman ko na masama talagang sambitin ang mga salitang nakapaloob doon. Pero ayokong umatras. Wala akong inaatrasan.

“Ano munang kapalit?” tanong ko.

“Susi ng kotse ko” Mayabang nitong tugon.

"Deal“

“Baliw na kayo” mahinang sambit ni Aliana.

Kinagabihan ay naghanda na ang bawat isa sa pagtulog. Nanood muna kami ng movies para magpalipas ng oras at nang makitang 2 am na ay nagpaalam na sila para matulog. Ako naman ay nakatayo lang sa harap ng salamin para ayusin ang gagamitin kong kandila.

“Good luck, Ash. Tignan natin kung totoo ba ang larong ’yan” Nakangising sabi ni Tyron bago pumasok sa kwarto.

“Ash, h’wag ka na kayang tumuloy? Tara matulog na tayo, hayaan mo na si Tyron. Kinakabahan ako sa’yo, eh” Hinila pa ni Aliana ang braso ko pero tinanggal ko lang ito.

“Okay lang, ito naman ang hilig ko. Ang pagmasdan ang sarili ko sa salamin” Nakangiti kong sabi.

“Pero Ash—”

“Aliana, sayang ’yong kotse ni Tyron. At saka hindi naman ako natatakot dito” Pagsisinungaling ko.

“Sige, bahala ka. You've been warned!”

“Oo, pasok ka na sa kwarto. Matulog ka na at kanina pa kita nakikitang humihikab” sabi ko. Tumango naman siya bago pumasok sa kwarto.

Huminga ako ng malalim. Pinalipas ko lang ang oras bago buksan ang camera. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, wala namang mayroon. Mukha ko lang ang nakikita ko.

Nang sa wakas ay sumapit ang alas-tres ng madaling araw ay binuksan ko na ang camera at tinapat sa akin, sinindihan ko na rin ang kandila. Huminga ako ng malalim bago tumapat sa salamin.

Gaya kanina wala pa ring nagbabago. Kinakabahan man sa ginagawa ay nagpatuloy ako. Tinignan ko ang mata ko sa salamin, nakikita ko mula rito ang apoy mula sa kandilang hawak ko.

ONE SHOTSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora