Praying for you

0 0 0
                                    

Minsan nagtataka ako kung bakit hindi manlang ako mai-flex ng boyfriend ko sa social media. Hindi niya nilalagay ang pangalan ko sa bio niya, wala rin kaming litrato na naka-post sa social media at wala ring na ka set na relationship status sa facebook naming dalawa. Hindi naman sa naiinis ako pero ibang-iba kasi kami sa ibang magkarelasyon na pinapakita talagang may relasyon sila, na pag-aari nila ang isa't isa.

"Aki, why don't you ever put me on your social media's? hindi mo ba ako kayang ipagmalaki?" Nagtatampo kong tanong. Kasalukuyan ko siyang katabi ngayon at nakatingin sa mukha ko.

"Wait, let's pray muna" tugon niya. Imbis na sagutin ang tanong ko ay inayos niya ang  pagkakahiga ko sa braso niya at niyakap ako.  Pumikit siya at pinagmasdan ko lang ang mukha niya.

"God, may nagtatampo po rito. Hindi ko raw po siya pinagmamalaki sa social media. Mahal na mahal ko po 'to kahit hindi naka display ang mga mukha namin sa accounts ko. Kung hindi po kami sa huli, hindi po ako papayag" I heard him chuckled.

"Lagi ni'yo pong iingatan ang babaeng kasama ko ngayon. Palagi ni'yo po siyang gabayan at tulungan sa mga problemang dumaraan. Siya na po ang babaeng gusto kong dalhin at iharap sa inyo sa altar. Pagtibayin ninyo pa po ang relasyon namin dahil siguradong-sigurado na po ako sa kaniya"

Muntikan na akong maiyak sa sinabi niya. Kasama pala ako sa mga dasal niya. Narealize kong ang immature ko para magtampo dahil lang doon.

"Mas gugustuhin kong ipagmalaki ka sa kaniya ng paulit-ulit kaysa sa ipagmalaki ka sa social media. Hindi sukatan ng pagmamahal ang dami ng tag at mentions o ang pag announce na may relasyon tayo sa facebook. H'wag mong isipin na porket wala ka sa mga posts ko ay hindi na kita mahal. Mamahalin kita sa paraang alam ko at ang paraang 'yon ay iparamdam sa'yo" He softly kiss my forehead.

God, I got the right man.

"You're always in my prayers, may ibig sabihin ang pagsama ko sa'yo sa mga dasal ko." He whispered before hugging me tightly. "It means, sigurado na ako sa'yo"

___

Written by: Shin Rixo
Work of fictions

___

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now