TGP 42

1.1K 16 0
                                    


April Charm's POV

The week went by too fast for me to enjoy my rest days. Like it just lasted for 5 minutes.

Hindi naman kasi ako yung bayaning leader na pipilitin yung sarili ko na pumasok kung di ko kaya. Anong magagawa ko kung hindi ko kaya. I'm no superhero.

"April! Okay ka na?" Tanong nilang lahat sakin nung nakita na nila ako sa booth namin.

"Pupunta ba ko dito kung hindi?" Tanong ko at nagsigawan naman sila.

"WAAAAAH!"

"ALAM MO BANG SOBRA KAMING NAG-ALALA SAYO?"

"OO NGA!"

"TAPOS DI MO MAN LANG KAMI KINAUSAP NUNG DINALAW KA NAMIN NATULOG KA LANG BUONG MAGHAPON!"

"OO NGA!"

"TAPOS IIRAPAN MO LANG KAMI."

"OO NGA!"

"Aba kailan ko kayo inirapan?" Tanong ko.

"Kanina lang." Sabay-sabay nilang sabi at napatawa naman ako. Mga abnormal talaga 'tong mga to.

"Pero mukhang kaya niyo naman ng wala ako, uwi na lang ako." Sabi ko at tumalikod na sa kanila.

"Anong uuwi mother Earth? Hindi ka uuwi. Magbabantay ka din dito. Diba sabi mo okay ka na? Oh ikaw naman ang magbantay at magl-lunch kami." Sabi niya at nag-alisan naman sila.

"Mga letche talaga kayo." Sabi ko at umupo sa upaun. Duh.

"Hey, okay ka na?" Tanong nung isang lalaking di ko kilala.

"Uhm, oo?" Sagot ko na patanong din.

"Ahhh. I'm Erick. Ako yung bumuhat sayo palabas ng university since masyadong bakla si Leo para buhatin ka." Natatawa niyang sabi while he's remembering the memory.

"What do you mean?" Nagtataka kong tanong.

"You're April, right? You're the one who fainted last week? President ng student council?" Tanong niya at tumango ako.

"Well, at first, si Leo talaga ang may buhat sayo. I was outside your office talking with my friends when I saw Leo carrying you at muntikan na kayong masalubsob na dalawa sa lupa dahil lampa siya." Sabi niya and it made my head boil.

"Hayop yung Leo na yun ipapahamak pa ko lalo." Nakasimangot kong sabi at tinawanan naman niya ako.

"But hey, I'm there to save you." Sabi niya at nagpacute pa sakin but I just rolled my eyes at him.

"Yay. Thanks. You're my hero." Sabi ko ng walang emosyon.

"Anyways, what does your booth do?" Tanong niya.

"I don't really know. Pinagbantay lang nila ako dahil nagugutom na daw sila." Sabi ko and with realizing what I have said, napasimangot ako. THEY ATE WITHOUT ME?

"Well, you look hungry, you want me to grab some food for you?" Tanong niya. Pinag-iisipan ko na kung papayag ba ako o hindi nung may biglang nagsalita.

"No. She doesn't need you. She has a boyfriend." Sabi ni Edward na may dalang dalawang box ng pizza at milk tea.

"Chill dude, I'm just offering a help." Natatawang sabi ni Erick.

"She's not asking for help so you could just piss off already." Sabi ni Edward.

"Hey, that's enough. Stop being rude Edward. Nag-offer lang naman ng tulong yung tao." Sabi ko at lumapit sa kanya to give him a hug.

"I better get going. I don't want to ruin your mood." Sabi ni Erick at naglakad na nga palayo.

"Aalis din naman pala kailangan pang sabihan." Bulong niya at nahampas ko naman siya ng mahina sa braso.

"Ang sama mo." Natatawa kong sabi.

"I just don't like it when other guys are talking to you. It's obvious na nakikipaglandian sila sayo." Nakasimangot niyang sabi.

"Edi wow." Sabi ko at tunawa at kinuha na sa kanya yung pagkain na dala niya.

Kumain na kami ng tahimik at nagkwentuhan ng maingay. Hindi ko alam pero pagdating kay Edward nagiging maingay talaga ako.

"Kami na dyan." Natatawang sabi ni Leo pagdating nila sa booth namin.

"Apat na oras kayong naglunch?" Naka poker face kong tanong.

"Eh kasi 'tong si Fafa Edward sabi--"

"Tara na April alis na tayo. Libot tayo." Sabi ni Edward at hinatak naman ako kaagad palayo kila Leo. Ano na namang pakulo nitong taong 'to?

"Kala mo yung buong school naging isang amusement park dahil sa mga rides." Sabi ni Edward at napatawa ako.

"Ano una nating sasakyan?" Tanong ko.

"Ikaw ano gusto mo?" Tanong niya.

"Ikaw." Sabi ko at tumingin sa kanya.

"Edi wow." Sabi niya at nagtawanan kami. Kailan pa kami naging sabog?

"Seryoso na ko, ano nga sasakyan natin?" Tanong ko.

"So ngayon mo lang ako seseryosohin? Sa tagal ng pagsasama natin ngayon lang?" Tanong niya at nag walk out while I was left dumb founded.

"Is he for real?" Bulong ko sa sarili ko bago ko siya habulin.

"Hoy Rivera! Anong inaarte mo dyan?" Sabi ko at hinarap ko siya sakin pero tinignan niya lang ako at naglakad na naman palayo.

"Talagang paghahabulin mo ko sayo?" Tanong ko bago pa siya makalayo.

"Minsan mo na nga lang akong habulin magrereklamo ka pa. Ganyan naman kayong mga babae eh." Sabi niya pa at naglakad na naman palayo. And this time I am getting annoyed. Sa simpleng pagsasabi ko sa kanya na seryoso sa ako sa USAPAN NAMIN SA RIDES gagawin niyang big deal at ngayon idadamay niya pa lahat ng babae sa mundo?

"Umayos ka bibigwasan na kita." Sabi ko ng mahabol ko na naman siya at ngumiti na siya bigla sakin.

"Okay na yung dalawang beses mo kong hinabol sa isang araw. Bati na tayo baby. Wag mo nang uulitin ha?" Sabi niya at niyakap ako.

"Aning ka ba?" Tanong ko at natawa naman siya.

"Aning sayo. Damn. Di mo alam kung gano ka nakakaaning." Naiiling niyang sabi.

"Dapat ba akong matuwa diyan sa sinabi mo?" Tanong ko.

"It's up to you." Sabi niya sa akin sabay kindat.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now