TGP 19

2.3K 38 0
                                    

April's POV

"April, April, April ganda! Gumising ka na dyan. Simba daw tayo sabi nila mama." Panggigising sakin ni Aira.

Dumilat naman ako at umuupo sa kama ko habang nakasimangot. "Hindi sila sasama?" Tanong ko habang nakapikit pa.

"Hindi. May kailangan daw silang ayusin sa trabaho eh. Kaya sila Zack na lang niyaya ko. Bumangon ka na ha? Tas mag-almusal ka na din. Nag-iintay sa baba yung tatlo." sabi ni Aira.

Kinuha ko muna yung cellphone ko ganon pa din, ang dami pa ding notifications. Tsk. Bakit pa kasi kailangang mag-post ng picture namin ng naka-tag ako. Landi talaga nung Rivera na yun.

Nakita ko meron na naman siyang mga message sakin.

Okay good night. I love you

Heyyyy

Tinulugan ako ng baby ko haha

I love you

Magsisimba daw tayo?

Hey beautiful, wake up! Nandito na ko sa sala niyo, naghihilik ka pa din. Hahaha. Bumangon ka na dyan miss na kita.

You still asleep?

Grabe tulog mantika.

Gumising ka na I miss you so bad.

Ako gigising sayo sige ka.

Yan yung mga text niya sakin. Hindi naman siya masyado mahilig mag double text no?

Iniwan ko na lang yung phone ko sa kama at bumaba na para mag-agahan.

Pagkababa ko sa sala ay nandon na yung tatlong kumag na nanonood ng tv.

"Good morning April!" Bati sakin ni Zack. Siya kasi unang nakakita sakin.

"Ano pang good sa morning eh nakita na kita?" Sabi ko at sinimangutan siya.

"Ang sama talaga nito sakin." Pabulong niyang sabi pero narinig ko pa din. Saya niya kayang asarin.

Dumiretso na lang ako sa kusina at sumunod naman sakin si Edward. Umupo ako sa bar table namin at umupo naman si Edward sa tapat ko.

"Hey beautiful." Bati niya sakin ng nakangiti.

"Ew." Nangdidiri kong sagot sa kanya. Hindi ako sanay kahit aware na ako na maganda ako.

Tumayo ako at kumuha ng Yakisoba sa cabinet at nagsimulang lagyan yun ng mainit na tubig. Tumayo lang ako malapit dun sa yakisoba habang hinihintay siya na maluto or whatever. 

Habang nakatingin ako sa kawalan ay biglang may nagflash na camera sakin. Pagtingin ko si Edward pinipicturan ako.

"Stop taking pictures of me." Sabi ko sa kanya at saka tinakpan yung mukha ko.

"You're just too cute. I can't help it. Lalo na kapag bagong gising ka with your pjs" sabi niya at saka nag-smirk sakin.

"Epal. Tss." Sabi ko sa kanya at tinignan kung okay na yung yakisoba. Okay na naman malambot na kaya tinanggalan ko na nang tubig tas nilagay ko na yung dapat ilagay.

Bumalik na ko sa pwesto ko at nagsimula nang kumain. Nagcross legs ako at saka sumandal sa upuan. My favorite position.

"Pati sa pagkain niya inaakit ako. Tss." Bulong ni Edward pero hindi ko masyado naintindihan. (AN: Yung nasa loob ng quotation mark yung sinabi ni Edward. Kayo alam niyo kung ano yung sinabi ni Edward, pero si April hindi. Gets?)

The Gangster's Princess (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt