TGP 2

6.2K 116 3
                                    

April's POV

Nagising ako ng bandang 2:30 am. Napahaba kasi yung tulog ako. Pagkaupo ko ay hinawakan ko naman kaagad yung tiyan ko dahil nararamdaman kong nagwawala na yung mga dragon sa loob.

Bumaba na ako para maghanap ng pwedeng makain. Pagbaba ko sa may kusina ay may nakita akong chocolate cake.

Habang kinakain ko yung cake ay nanonood ako ng videos ni Pewdiepie. Isang Youtuber.

Pagkahiga ko, Tin-ry ko matulog pero di na ako makatulog. Wala eh. Sobrang haba na ng tulog ko.

Napagdesisyunan ko na lang na magbihis dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi na talaga ako matutulog. Nagsuot na lang ako ng plain white t-shirt tapos maong pants, then sinuot ko yung Banana Peel kong slippers na may design na polka dotts then l put my long black hair into a messy bun.

Tapos nag punta na ako sa cr. Naghilamos muna ako at toothbrush.

pagkatapos kong magtoothbrush at hilamos ay naisipan ko na tumambay muna ako sa terrace.

Habang nag mumunimuni ako ng tahimik biglang may nag

"PST!" sa akin.

Hindi ako takot sa mga multo ah? Nagulat lang talaga ako, pero mabilis naman akong nakabawi, nung nakabawi na ako sa pagkagulat hinanap ko na yung sumitsit sakin.

And nakita ko siya, nasa labas siya ng gate namin. Pero imblis na lapitan tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Uhhhh miss? Pwede bang pumasok?" Yung guy na sumitsit.

"Why?" Mataray na tanong ko sa kanya. Baka mamaya fan ko pala 'to kung ano pa gawin sakin. Masyado bang mahangin? Kumapit kayo at baka lipadin kayo.

"Gusto ko lang mag karon ng kaibigan, bagong lipat kasi kami dito eh. " Sagot niya sakin tapos ay ngumiti. Hindi naman siya mukang mukang hayop, muka naman siyang tao kaya pinag-isipan ko kung papapasukin ko siya. Kasi kung pangit siya hindi ko na pag-iisipan kung papapasukin ko ba o hindi. Pero dahil sa sobrang pag ka bored ay pinapasok ko siya. Kaya ko din namang ipagtanggol yung sarili ko kung may mangyari man.

"Hi! Ako nga pala si Kysler." Pag papakilala niya sakin. Habang inabot ang kamay niya. Nakikipag shake hands siya sakin.

"Kysler? Yung sa white kings kanina?" Tanong ko sa kanya, Ignoring his hand. Tumawa siya ng mahina sa tanong ko at napataas naman yung kilay ko.

"Haha. Black Kings yun. Hindi White Kings. And yes, I am a member. But not just an ordinary member. I'm one of the Senior leader." Sabi ni Kysler ng naka ngiti. Hindi ba nangangalay panga nito sa kaka ngiti? Ako yung nangangalay para sa kanya eh.

"Parehas lang naman yun." Sabi ko tapos ay inirapan siya at tumawa na naman siya. Bakit ba ang babaw ng kaligayahan nitong lalaking 'to? Penge namang happiness.

"Okay. Sabi ko nga. Pero dapat hindi mo ginawa yun." Mahinahong sabi niya sakin.

"Yung alin?" Taka kong tanong sa kanya.

"Yung ginawa mo kay Agatha." Seryoso niyang sabi at tumingin sa langit.

bigla naman napa taas yung kilay ko sa sinabi niya.

"Why not? Who is she by the way?" Kulot noo kong tanong.

"She's Agatha Flores."

"I don't care about her name. Sino siya para ma-except sa mga gusto kong gawin? I'll do what I want."

"Let's just say she's dangerous."

"Kilala mo ba ko?" Tanong ko sa kanya. I'm not really bragging about my identity. It's just that isa ako sa mga rason kung bakit madaming students ang nagdo-drop sa kalagitnaan ng school year. And to think that ang kalagitnaan ng school year namin ay bakasyon para sa ibang school.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now