TGP 25

1.4K 27 3
                                    


April's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria, grabe. Pinag titinginan nanaman kami ng mga tao.

Napansin ko lang na simula kaninang pagpasok namin hanggang ngayon nakasimangot pa din si Edward.

"Huy, problema mo?" Sabi ko at siniko siya.

"Tsk. Wala." Sagot niya at nag walk out. Napatingin naman kaming lahat sa kanya tas napatingin sila sakin.

"April inaway mo yata eh!" Sabay-sabay nilang sabi sakin.

"Aba mga hayop 'to wala nga akong ginagawa eh." Sabi ko at inirapan sila.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ni Aira.

"Sundan mo na ate." Sunod ni Abby.

"Oo nga April." Sabi ni Kris.

"Nag papalambing lang yun." Sabi ni Zack.

"Pupunta yatang rooftop nitong building." Sabi ni Kysler.

"Puntahan mo na!" Sigaw ni Angel kaya napatayo ako.

"Patay kayo sakin mamaya." Nakasimangot kong sabi sa kanila at sinundan ko na si Edward.

Nakita ko siya sa may rooftop nga ng building.

Tumabi ako sa pagkakaupo niya at hindi nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" Cold niyang tanong. Nagulat naman ako sa tono niya. First time niya akong pagsalitaan ng ganitong ka cold.

"Sabi kasi nila sundan kita." Sabi ko sa kanya at saka sumandal sa balikat niya.

"April pagod ako." Sabi niya at lumayo siya sakin. Nararamdaman ko na nagsisimula nang uminit yung ulo ko.

"Ano ba kasing problema mo?" Tanong ko sa kanya na may halong pagkairita yung boses ko.

"Wala akong problema. Ang sabi ko pagod lang ako." Cold niya pang sabi.

"Fine! Bahala ka sa buhay mo! JERK!" Sigaw ko sa sakanya then I stormed out of the rooftop at malakas na isinarado yung pinto. Pwede naman niyang sabihin kung ano yung problema niya hindi yung gagawin niya kong manghuhula!

Sa sobrang inis ko ay dumiretso na lang ako sa classroom namin at umupo sa upuan ko. Ano expected niyo magwawala ako dito? He doesn't deserve it. Lalo na kung pano niya ko tinrato kanina.

Time flies so fast, uwian na namin ngayon at hindi na pumasok si Edward at ang huling kita ko na lang sa kanya ay nung nasa rooftop kami.

"Ate, sino kasabay mo pag-uwi?" Tanong sakin ni Abby. Hindi ako nagreact. Iniisip ko kung ano yung mali ko. Pero wala naman akong maalala. Nakakapikon talaga yung Rivera na yun ang sarap balatan ng buhay! Argh.

"Mauna na kayo may dadaanan pa ko." Sabi ko sa kanila at naglakad na papuntang gym. Dumiretso ako sa locker room ng mga girls at nakita ko dun si Agatha na nakasmirk pa sakin. Ang sarap paputukin ng labi niya.

Hindi ko siya pinansin dahil baka makalbo ko siya ngayong araw na 'to.

Kinuha ko yung susi ni Audi at lumabas na. Si Audi yung isa kong kotse na laging nandito sa university in case of emergency.

Naglakad na ako papuntang parking lot at nakita ko si Edward na nakasandal dun sa kotse niya. Nung nakita niya ako ay ngumiti siya sakin. Pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad papunta kay Audi.

"Hey, April, I'm sorry." Sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko.

"Don't touch me." Sabi ko at hinatak yung kamay ko papunta sakin. Nakita ko naman na kumunot yung noo niya.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now