TGP 20

1.8K 35 0
                                    

April's POV

Habang tumatakbo ako ay may nabunggo akong lalaki.

"Ano ba yan mag-ingat ka nga." Sabi sakin nung kasama niyang babae. Pero hindi ko pinansin yung babae.

"Sorry." Sabi ko dun sa lalaking nabangga ko at nagulat ako nung nakilala ko siya.

"Joseph!/April!" Sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"Nagsimba kami nila Aira then we decided to go here. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Nagdate kami ng girlfriend ko. Here meet Agatha. Agatha, si April bestfriend ko, April si Agatha girlfriend ko." Sabi ni Joseph.

"Parang kilala kita ah?" Sabi ko sa kanya. Siya yung lumalandi kay Edward non sa bahay ko nung nakaraan lang ah? Tapos ngayon boyfriend na niya si Joseph? 

"Ako yung pinahiya mo sa canteen non at mall." Sabi niya leaving the topic regarding Edward behind. 

"Ah oo. Yung bitch sa university. Sige, Joseph una na kami. Ingat ka sa girlfriend mo baka kung san ka na lang pulutin kapag nagsawa sayo yan." Sabi ko at saka naglakad palayo. I cant believe that they're together. Ganon na ba kababa standard ni Joseph sa babae? Nawalan na siya ng taste. Pero in fairness nakalimutan ko kaagad yung pangalan niya. Because I'm not really good with names. Sa dami ng taong nakapalibot sakin. 

"Tss. I don't want you getting near that guy." Nakasimangot na sabi sakin ni Edward.

"Bakit naman? Magkaibigan lang naman kami. Saka nakita mo naman na may girlfriend na yung tao, diba?" sabi ko sa kanya. 

"Gusto mo siya na lang boyfriend mo." Sabi ni Edward at naglakad palayo sakin. Problema nitong lalaking to?

"LQ kayo April? Kanina lang ang landi niyo ah. Hahahahaha." Sabi sakin ni ate Shin.

"Ewan ko dyan ate. Ayaw niya daw akong nakikitang malapit kay Joseph. Eh bestfriend ko lang naman yung lalaki." Explain ko at natawa naman si ate.

"exactly. Bestfriend mo yung lalaki, and you know that if you're bestfriends with someone you become super close, and your boyfriend wouldn't want you being close to other guys except him. And trust me, ganon ka din sa kanya kapag nalaman mong may bestfriend siyang babae. Intindihin mo kasi syota mo." Sabi niya at sakto nakarating na kami sa Cinema 5. Akala ko hindi na kami makakarating dito eh.

Ano ba kasing malay ko sa relationship thingy na to. SORRY HA! FIRST BOYFRIEND KO KASI TONG KUMAG NA TO EH.

Humanap na kami ng upuan at doon kami sa 2nd floor sa gitna at harap na harap kami sa screen. Umupo na ko katabi ni ate Shin at sa kaliwa ko naman si Edward. Hindi din naman pala makakatiis eh.

Siguro nasa 10 minutes na kaming nanonood dito pero wala pa ding ibang tao bukod samin.

"Bat tayo lang nandito?" tanong ko sa kahit na sino. 

"Pinagawa kong private eh. Ayaw niyo ba?" tanong sakin ni ate Shin habang punong-puno ng popcorn yung bibig niya.

"Ah. Grabe iba talaga kapag mayaman. So tayo lang manonood? Walang ibang taong papasok?" Tanong ni Zack kay ate at tumango naman siya.

Maya-maya pa bigla na lang tumawa ng malakas si ate and the next thing I know naghahabulan na sila ni Kris sa sinehan. Naglaro ang mga bata. 

"Bagay yung dalawa no?" Sabi ni Aira at napatango naman ako. Totoo naman eh. Ang ganda ni ate tas ang pogi din naman ni Kris. But not as handsome as my man. 

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now