TGP 17

2.3K 44 1
                                    

April's POV

Habang kumakain kami ng matiwasay ay biglang nagring yung cellphone ni Aira.

"Hello, dad?" Sabi niya sa kausap niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Sige po. Opo. Opo. Opo. Opo. Bye." Tumingin siya sa akin at sinabing "Kailangan na nating umuwi." Sabi ni Aira kaya nagtakbuhan na kami papunta sa room namin at mag-impake na.

"Akala ko ba pinayagan na tayo? Bat' pinapauwi na tayo?" Tanong ko kay Aira.

"Birthday daw kasi ng anak nung isang partner nila daddy sa business, ayun, kailangan daw natin um-attend." Pagpapaliwanag ni Aira. "At kailangan daw natin ng date." Dagdag niya pa.

"What? Bat' kailangan pa ng date? San ako hahanap nun?" Sabi ko habang nag-iimpake pa din.

"Ewan ko. Baka kasi kayo na ni Edward, diba April?" Sarcastic na sabi sa akin ni Aira.

"April, kinakalimutan mo na kaagad ako?" Pagdadrama ni Edward pero hindi ko na siya pinansin at inirapan ko na lang siya.

"Natawagan niyo na ba yung pilot?" Tanong ko sa kanila.

"Oo ate. Nasa airport na nga daw siya eh." Sagot sa akin ni Abby at tumango na lang ako.

Natapos na kaming mag-impake at lumabas na kami kaagad sa building, pero bago kami umalis ay nagpaalam muna kami sa mga leader at sinabi nilang ibibigay na lang nila samin yung trophy namin sa HQ ng gang.

**

Matapos ang ilang oras na byahe ay nakabalik na kami sa Pilipinas at dumeretso na kami sa bahay at sinalubong naman kami kaagad nina mama at papa.

"Girls, I'm sorry kung nabitin ko kayo sa bakasyon niyo. Biglaan din kasi yung invitation sa atin kaya hindi ko nasabi sa inyo kaagad. Kanina ko nga lang din nalaman." Sabi sa amin ni papa.

"Okay lang po." Sabi naming tatlo sa kanila.

"Sino mga date niyo? Sila Zack?" Tanong ni mama sa amin.

"Opo." Sagot naman ni Abby.

"Eh pano ka April? Sino ka date mo?" Tanong sa akin ni papa.

"Si Edward po. Boyfriend ko." Nahihiyang sabi ko kila mama.

Tinignan lang ako ni mama tapos ngumiti siya sa akin. "Omg anak! Di ako makapaniwalang magkaka-boyfriend ka! Yieeeee! Kinikilig ako emeged." Sabi sa akin ni mama at natawa naman si papa.

"Ma, para kang bata." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Masama bang kiligin sa loveteam niyo? Ako kaya president ng EdRil loveteam." Sabi sa akin ni mama saka ako kinindatan.

"Oh mamaya na kayo mag loveteam loveteam dyan. Magbihis na kayo at baka malate pa tayo sa party. Nasa living room na yung mga mag-aayos sa inyo at yung dress niyo naman nasa kwarto na. Tawagin niyo na lang yung mag-aayos sa inyo kapag ready na kayo, okay?" Sabi ni papa sa amin at inakay na niya si mama paakyat sa kwarto nila.

Nagpunta na ako sa kwarto ko at naligo na. pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng polo at short at saka pinatawag yung mag-aayos sa akin.

"Hello po ma'am." Bati sa akin nung dalawang bakla.

"Hi, my name is peanut." Nakangiting sabi sakin nung bakla na blonde yung buhok.

"And my name is butter." Nakangiting sabi din sakin nung bakla na kulay brown naman yung buhok.

"April." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Simula na tayo?" Tanong sa akin ni peanut at tumango naman ako.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now