TGP 7

3.4K 59 0
                                    

April's POV

Nagising na ako ng 6:30 ng umaga. Hindi naman masyadong maaga sa akin yan. Medyo late na nga kasi sobrang tagal kong maligo tapos ang bagal ko ding kumain. Kapag kasi naliligo ako, tina-tanggal ko na lahat ng kamalasan sa katawan ko. Kapag kumakain naman ako, ninanamnam ko bawat subo. Para sulit!

Naligo muna ako bago bumaba at natapos ako ng 7:30. Sabi ko sa inyo sobrang tagal kong maligo. Nagsuot lang ako ng damit na maayos na makikita niyo at the side. I'm not going to describe it because I suck at describing and you know it.

Bumaba na ako nagpunta na sa kusina and I saw them all over there.

"Finally nakakababa na din. Take your sit." Sabi ni papa sa akin. Hindi ko siya tinignan at umupo na lang sa upuan ko at nagsimula na agad kumain.

"Siguraduhin niyo lang na papasok kayo ngayon at hindi kayo magcu-cut. At nga pala, yung mga quiz na ita-take niyo sa bawat subject teachers niyo. Nakapag review ba kayo?" Tanong sa amin ni papa. Ang ingay-ingay. Sumagot si Aira at Abby sa kanya pero ako patuloy pa din sa pagkain.

"April, ikaw? Nag review ka ba?" Tanong niya sa akin. Tinanguhan ko lang siya at tumayo na ako at naglakad na papunta sa kotse ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Ni hindi man lang ako nangalahati dun sa kinakain ko. Tsk.

Nagdrive na ako papuntang DVU at sa pamamagitan ng side mirror ng kotse ko ay nakita kong nakasunod yung kotse ni Abby at Aira sa akin. Hindi naman nila kailangang umalis agad kung hindi pa sila tapos kumain. Baka mamaya ako pa sisihin nila kapag nagutom sila.

Nangmakarating ako sa DVU ay hinintay ko muna silang dalawa na bumaba sa kotse nila. Napataas yung kilay ko sa suot nitong dalawang 'to. Aira's wearing a dress while Abby's wearing a skirt. San sila pupunta? Mamamasyal?

"Stop starring." Natatawang sabi ni Aira.

"What the fvck are you wearing? Mag-aaral kayo. Hindi mag fa-fashion show." Naiinis kong sabi sa kanila. It's not that na mas maganda yung suot nila sa akin. I never cared about that. Pero nasa school sila! Uupo upo sila kung saan saan tapos naka skirt at dress sila? What were they thinking? Okay lang sana kung naka short sila. But wearing a fvcking dress?

"Chill sis. Hindi naman ikaw yung mahihirapan. Saka ginusto namin 'to. So, don't do anything to break our outfit." Sagot sa akin ni Aira. I rolled my eyes at her then started walking away.

Dito kasi sa DVU walang pakielamanan ng suot. Bahala ka kung ako gusto mong suotin. Kung gusto mong mag wedding gown o kaya mag bikini okay lang. Basta kapag may nangyari sa'yo hindi kasalanan ng school yun. Students should know their limitations.

Pumasok na ako sa room ko at lahat nanaman ng classmates ko ay nakatingin sa akin. Nandun na din si Kysler at Edward. Nakasunod sa akin si Abby at halatang nagulat din sila sa suot ni Abby pero at the same time nagandahan sila. May mga sumipol kaya naman napakapit sa braso ko si Abby.

"Diba ginusto mo yan? Ngayon panindigan mo." Sabi ko saka hinila palayo yung braso ko palayo sa kanya at umupo na sa upuan ko na katabi ni Edward. Sa kanan ko si Abby at sa tabi ni Abby si Kysler. Pinag quiz na kaming apat ng teacher naming panot at ako naman ay nagsilbing notebook at books nila dahil sa akin nila kinukuha yung sagot.

Siyempre hindi naman ako madamot kaya sinasabi ko. Pero this is the last time na papakopyahin ko sila dahil they need to be an independent student. Hindi pwedeng puro asa lang sila sa kopya. Natapos na kaming bigyan ng quiz ni sr. panot at lahat naman sila naka perfect. Salamat sa akin.

Pina-alis na niya yung mga kaklase ko sa classroom kasi may emergency meeting yung mga teacher. Pero kaming apat hindi. Kasi mag qu-quiz pa kami at ipinost na lang niya sa whiteboard yung mga tanong. Madali lang yung mga tanong. Open notes kami eh. Hahaha. Wala namang tao tapos wala din namang cctv sa room kaya hindi makakarating kay papa. Nilock na din kasi namin yung pinto tapos sinara namin lahat ng bintana sa room.

Nakaraos na din kami sa pango-ngopya at dumiretso na kami sa cafeteria.

Nakita namin sila Zack at Aira kaya tumabi na kami sa kanila. As usual, nakatabi na naman sakin si Edward.

"Itong dalawang 'to hindi na mapaghiwalay. Kayo na ba?" Pang iintriga ni Aira pero parehas namin siyang hindi pinansin.

"Mahirap quiz niyo?" Tanong ni Edward sa kanila habang nakangiting aso. Mayabang palibhasa nakapag-open notes siya.

"Oo. Grabe dumugo ilong ko. Pero, atin atin lang 'to ha? Nagkopyahan kami ni Zack." Sagot ni Aira.

"Kami nga open notes pa." Pagmamayabang ni Kysler sa kabalbalang ginawa namin.

"Nako, nako! Sino naman nagbigay ng idea na mag open notes kayo?" Tanong ni Zack

"Si April." Natatawang sabi ni Kysler.

"What? Akala ko pa naman malinis yung konsensya mo pagdating sa pangongopya hindi pala!" Hysterical na sabi ni Zack kaya napatingin sa amin yung mga students.

"Idiot. Stop making a scene. Nakakasira ka ng araw." Sabi ko tapos ay kumuha ng pagkain sa kinakain ni Aira.

Hindi ko mapigilan yung pagkaantok ko kaya sumandal ako sa balikat ni Edward at hinayaang maglaglagan yung buhok sa muka ko. Sinubukan kong matulog pero hindi ako nakatulog kasi maingay kaya itinaas ko na lang ulit yung ulo ko pero hindi ko inayos yung buhok ko kasi inaantok pa ako.

"Aira, may suklay ka ba diyan?" Tanong ni Edward kay Aira. Inabutan siya ni Aira ng suklay. Kailangan niya pa bang magsuklay? Kung lalaki lang ako baka hindi na ko magsuklay. Nakakangawit kaya.

Pero nagulat ako nung ako yung sinuklayan niya, dapat aangal pa ko pero natuwa ako sa ginagawa niya. Nakakarelax kaya hinayaan ko na lang siya.

"Yieeeeeeee." Pang-aasar sa amin nila Aira kaya napatingin din sa amin yung ibang estudyante at naki-'yieee' na din sila.

Naramdaman kong umiinit yung pisngi ko kaya tumungo ako.

Nandun lang kami sa cafeteria hanggang mag 2:00 pm na. 2:00 kasi uwian namin. Hindi ko alam. Yes matagal na akong nag aaral sa DVU, pero kasi kada year nababago yung schedule. For example, 1st and 2nd year highschool 7 am - 1 pm yung pasok nila. Tapos yung 3rd and 4th 8 am - 2 pm. Basta ganun. Tapos may mga Gradeschool at College pa. At wala na akong balak alamin schedule nila.

Umuwi na kami ng mag ring na ang bell at dumiretso na ako sa bahay. Wala akong balak maglaboy dahil gusto ko lang kumain ng kumain. Kung sa cafeteria natulog ako ng natulog, sa bahay kakain ako ng kakain. Di ko alam kung bakit ako natulog sa cafeteria, wala kasing kwenta yung mga sinasabi nila kaya natulog na lang ako.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora