TGP 22

1.6K 24 0
                                    

April's POV

Nandito na kami ngayon sa school, pagkahatid namin kay ate dumiretso na kami dito sa school. Maaga naman kasi yung flight niya kaya hindi namin kailangang umabsent. Yun nga lang, late na kami sa dalawa naming subject dahil sa traffic.

"Grabe mami-miss ko talaga si Red." Sabi ni Zack habang naglalakad kami sa corridor.

"Si Red o si Shin?" Natatawang tanong ni Aira.

"Pareho." Sabay-sabay naming sagot.

"Pano na kaya yung si Kris?" Nag-aalalang tanong ni Abby.

"Ang laki-laki na nun, kaya na na niya sarili niya." Nakasimangot na sabi ni Kysler kaya napatawa si Abby.

"Kung isali niyo na lang kaya siya sa gang niyo, para naman alam niyang may kadamay siya sa pagkamiss kay ate." Sabi ulit ni Abby.

"Alam na may kadamay o para ikaw yung makasilay?" Sagot sa kanya ni Kysler.

"Abby ang landi mo. Hahahahaha." Sabi sa kanya ni Aira kaya naman napapa pout si Abby.

"Crush lang naman eh, isa lang naman yung mahal ko eh." Sabi niya at saka ngumiti kay Kysler. Namula naman yung loko. Hahahahaha

Pumasok na kami sa room namin at nagpaalam na kami lila Zack at Aira.

"Ate, sa tingin mo two years lang talaga si ate don?" Tanong sakin ni Abby kaya naman natigilan din ako.

"Yun nga din iniisip ko eh." Sabi ko naman sa kanya. Kasi malay niyo masobrahan ng isang araw, diba?

Buti sana kung isang araw lang ..

Dumating na yung teacher namin sa History at nagsimula na siyang magturo.

Siyempre ako bilang isang huwaran na estudyante nagpaalam mag cr pero ang diretso sa cafeteria. Nagugutom ako eh.

Bumili na lang ako ng sandwich at iced tea tapos umupo dun sa usual table namin nila Edward.

Habang kumakain ako, bigla namang may nagtext sakin.

"April nasan ka? Sunduin mo ko dito sa gate." Text sakin ni Kris. Bakit kaya? Nagpunta na ako ng main gate at nakita ko naman siya.

"Samahan mo ko mag-eenroll ako." Sabi niya sakin na ikinagulat ko.

"Bakit? Sino ieenroll mo?" Tanong ko pero hindi siya sumagot sakin. Sungit.

Naglakad na kami papuntang 5th floor. Nandon kasi yung cashier. Napadaan kami sa room namin at nakita kong recess na.

"Kris saglit lang! Hanapin ko lang sila Abby." Sabi ko kaya naman napatigil siya.

"ATE!" Sigaw sakin ni Abby at mas lalong nanglaki yung mata niya nung nakita niyang nandito si Kris.

"Hi Kris." Pagpapacute ni Abby kay Kris pero tinanguhan lang siya ni Kris.

"Hoy halika nga dito. May boyfriend ka na diba? Sakin ka lang." Sabi ni Kysler at hinatak papunta sa kanya si Abby.

"Oh Kris, bakit ka nandito?" Tanong sa kanya ni Edward.

"Mag-eenroll, ang boring na dun sa dati kong pinapasukan." Sabi niya.

"Kuya bago ka po ba dito? Ngayon lang po kita nakita eh."

"Oo nga kuya. Papicture naman po."

"Ako din po."

Yan yung mga sabi nung mga students kay Kris.

"Aba aba aba, mag-aral kayo wag kayong lumandi dyan." Sabi ko dun sa mga stupidents.

The Gangster's Princess (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara