TGP 30

1.4K 26 0
                                    

April's POV

"Talaga?!" Masyaa niyang sabi sakin at tumango ulit ako. Umakma siyang hahalikan ako pero tinulak ko palayo yung mukha niya.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo, Aber?" Taas kilay kong tanong.

"Kinikiss ka." Sabi niya at umakmak hahalikan na naman ako kaya piningot ko siya.

"Mangligaw ka muna! Pero siyempre, we can't risk Agatha knowing. Lalo na ngayon na family reunion. Nakakahiya baka mag-eskandalo pa yung GIRLFRIEND mo." Sabi ko sabay taas kilay kong sabi.

"Could you not call her my girlfriend? It's disgusting to hear." Sabi niya sabay irap sakin.

Pinalo ko siya sa braso. "Ah! So, inuutusan mo na ko ngayon?"

"Hindi. Eh bakit ikaw gusto mong tawagin kong girlfriend ko si Agatha?" Pang-aasar niya sakin. I rolled my eyes.

"See?" Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi!

"WAAH! HOY HINDI PWEDE YON!" Sigaw ko sa kanya sabay batok.

"Damn lalo kang naging sadista over these years." Sabi niya habang hinihimas yung ulo niya.

"Gusto mo pa? Ha? Gusto mo pa?" Sabi ko at umakmang babatukan na naman siya pero nahawakan niya yung kamay ko at hinila ako papunta sa kanila.

Feeling ko any moment now hindi na ko makakapagtimping sagutin siya at ipatapon na lang sa Pasig River si Agatha.

"Dapat fair diba?" Nakasmirk niyang tanong with our faces inches apart.

"Huh?"

"Kiss mo din ako sa cheecks para fair." Sabi niya at nanglaki yung mata ko.

"ANO?!" Sigaw ko sa kanya.

"April! Edward! Mamaya na kayo gumawa ng baby dyan! Baba na dito." Tawag samin ni kuya Jin kaya nanakbo na ako pababa.

"Asan sila kuya?" Tanong ko at sinabi niyang sa labas kaya nanakbo na ko palabas bago pa ako maabutan ni Edward.

Umupo ako sa bakanteng upuan at tumabi naman sakin si Edward kaya napatingin sila samin. KAKASABI KO LANG SA KANYA NA WALA DAPAT MAKAALAM ANO BA RIVERA!

Tumabi sa kanya si Agatha at sumandal pa ito sa balikat niya kaya napairap ako. Sarap putulin nung ulo eh.

"Tita! Tita! Tita! I wanna go swimming!" Pagyaya ni Shine kay ate.

"Oh anong gagawin ko?" Bored niyang tanong.

"Swim with meeeee." Sabi niya at nagpout pa.

"Tomorrow."

"Tita ngayon na please?" Pangungulit ni Shine.

"Ayon yung tatay mo kulitin mo."

"Kj mo tita." Sabi ni Shine sabay walkout at naglakad papunta sa papa niya pero hindi nagsalita at kumandong lang dito.

"Lamig kaya." Bulong ni ate kaya napatawa ako. Totoo palang sila ni Shine yung madalas mag-away.

"Guys compress tayo bilis!" Sabi ni Blake at nagdikit-dikit nga kami. As in yung dikit-dikit na nagkakabanggaan na yung mga balat namin.

Kumuha ako ng blanket na nasa harap lang namin dahil nilalamig na ako at ipinatong ito sa katawan ko.

Ang magkakatabi, Ako, Edward, Agatha, Joseph, kuya Blake, kuya Jin, kuya Jonas, kuya Trace, kuya Miere, Zack, Aira, Abby, Kysler, Hillary, Kris at ate Shin tapos ako. Nakapalibot kami ngayon sa bonfire.

Awkward diba? Yung mage-ex magkakatabi.

Habang kumakain kami, naramdaman kong may kamay na kumapit sa kamay ko na nasa ilalim ng blanket kaya nanigas ako. Fudge sino yun?! OMG.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now