TGP 14

2.1K 43 0
                                    


April's POV

Nung makalapit siya sakin ay nag-apir kami. Oh diba? Parang tropa lang. Parang wala akong sinabi sa kanya kanina na nakakahiya.

"Hoy kayong dalawa, kayo na ba?" Nang iintrigang tanong ni Aira pero inirapan ko lang siya. Napakamalisyosya nitong babaeng 'to. Nag-apir lang eh. 

"Hindi pa. Pero malapit na. May nalaman ako eh." Nakangising sabi ni Edward at saka tumingin sakin. Damn you. 

"San na tayo?" Tanong ni Kysler sa amin.

"Pwedeng room ulit tayo? Inaantok pa ko." Nakasimangot kong tanong.

"Matutulog ka na naman? Kalahating araw ka nang tulog, April! Hapon na oh!" Sabi ni Aira pero inirapan ko lang ulit siya. Pake niya ba?

"Hindi pwede KJ dito, April.Pero bye na muna! Mang lalalaki muna ako. May nakita akong fafa dun sa katabi nating gang." Sabi ni Angel at kumindat samin bago umalis.

"Mall na lang tayo." Masayang yaya ni Abby.

"Nag-mall na tayo kahapon ah? Mall na naman?" Reklamo ko. Gusto ko na kasi talagang matuog.

"Park na lang. Tara na wag nang KJ!" Sabi ni Edward at hinila na ako. Ano ba naman yan.

Sinusubukan kong tanggalin yung kapit niya sa kamay ko pero hindi ko matanggal. Ang higpit ng hawak niya.

"Tol baka naman pwedeng paluwagan yung kapit mo sa kamay ko? Hindi naman ako tatakbo." Nakasimangot kong reklamo sa kanya.

"Kilala kita. Alam kong tatakbo ka. Kaya hindi pwede." Aba ginawa pa kong baby ng walangya. 

"Hindi nga ako tatakbo." Nakasimangot kong sabi sa kanya. 

"Ilang beses mo na kong tinakbuhan non, hindi na kita papakawalan ngayon." Sabi niya na nakapagpatahimik sakin. 

"Tara na, sinusugod na tayo ng mga langgam dito." Pagbibiro si Kysler at kinindatan naman siya ni Edward. 

"Nanyo." Sabi ko at nagsimula na kaming maglakad.

Nakarating na kami sa park nang naglakad lang at swear! Feeling ko pudpod na yung tsinelas ko sa haba nang nilakad namin.

"Grabe exercise ha." Sabi ni Abby nung makaupo na kami.

"Napagod ka Abby?" Gulat na tanong sa kanya ni Kysler. Sanay kasi kami sa training kaya hindi kami napapagod agad. Eh etong si Abby at Aira tamad pa 'tong dalawang 'to sa tamad kaya mabilis mapagod.

"Baboy yan eh." Pang-asar kong sabi kay Abby at inirapan niya lang ako. Aba!

"Oh ano gagawin natin dito?" Tanong ni Aira sa amin.

Tumingin kaming lahat kay Edward dahil siya naman yung nagyaya dito.

Maganda naman yung lugar, malinis, ang daming flowers, ang fresh nung hangin. Ang nakapagpapangit lang sa park yung malalanding tingin ng tingin kay Edward.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanila kaya tinignan ko sila ng masama. Ang sama din naman kasi ng tingin nila sakin. So, hindi ako ang masama. 

"Sinong kaaway mo, April?" Natatawang tanong ni Zack nung nakita niyang ang sama ng tingin ko dun sa mga babae.

"Nagseselos lang yan dun sa mga babaeng tumitingin sakin." Sabi ni Edward at umakbay sakin kaya napasimangot yung mga babaeng nakatingin sa kanya.

He's mine.

Kahit na hindi ko pa siya sinasagot.

"'Wag ka na magselos. Eto naman. Sayo lang ako." Bulong ni Edward sa tenga ko kaya nilayo ko yung mukha niya sa mukha ko.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now