TGP 13

2.3K 49 0
                                    

April's POV

Pagkadating namin sa kwarto namin ay kanya-kanya na kaming hagis ng gamit sa floor at kanya-kanya na ding pwesto sa kama.

Nakapwesto yung kama ko sa pinakadulo. Sa may tabi ng pader. Malikot kasi ako matulog. Baka mafall ako. Masakit pa namang mafall ng walang sumasalo.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, nagising na lang ako sa naririnig kong ingay sa paligid.

"Hoy April! Bumangon ka na diyan! Lalaro na sila Edward." Nagmamadaling sabi ni Angel sa akin.

Bumangon ako ng dahan dahan dahil inaantok pa ko. Nakiramdam muna ako sa paligid ko bago ako naglakad papuntang banyo, pagkabukas ko ng pinto ay nakakita ako ng isang Edward Rivera na wet look na topless pa at nagpagising sa diwa ko.

Nakita niyang andun ako kaya napatigil siya sa pagpapatuyo ng buhok niya.

Nagkatinginan lang kami dun ng

5 seconds ..

10 seconds ..

15 seconds ..

"April ano bang tini-OMYGOD." Sigaw ni Aira kaya nagkaiwasan kami ng tingin ni Edward. Agad akong lumayo sa pintuan ng banyo at bumalik sa kama ko.

Lumabas na ng banyo si Edward at nakita kong nakapang manyak na ngiti siya at nakatingin siya sa akin. What the. Bat' ang hot niya.

APRIL! KUMALMA KA! LALAKI LANG YAN OKAY? WAG KANG MAMUMULA.

"April, bat' ka na naman namumula? Naiinitan ka pa din?" Tanong sa akin ni Angel. Seryoso ba sila? Napasimangot na lang ako at naglakad na papuntang banyo. Pero bago ako tuluyang makapasok sa banyo nagsalita si Edward. "Starring is rude. Pwede mo naman akong kunan ng picture eh." Pagkasabi niya nun ay sinaraduhan ko siya ng pinto.

Ang lakas niya mang-asar eh no? May araw ka talaga sakin Rivera.

Natapos na akong maligo at narealize ko na wala akong damit na dala at underwear ko lang ang nandito sa drawer ng banyo. Ano ba naman yan April!!

Sinuot ko muna yung undies ko at saka tinapis ng mahigpit yung tuwalya sa katawan ko, pagkalabas na pagkalabas ko ay agad na pumasok ni Kysler sa banyo at nilock yung pinto.

"HOY KYSLER!! MAGBIBIHIS PA AKO!" Sigaw ko pero hindi siya sumagot. Bat' kasi isa lang banyo dito? Tss.

Naglakad na ako papunta sa gamit ko, at feeling ko ito na ang pinakaayaw ko na scene na pinagtitinginan ako. First time ko kasi pagtinginan ng nakatapis lang.

"Bat' kayo nakatingin?" Sabi ko sa kanila. Mostly kay Edward na namumula. Ito na pala yung araw na makakabawi ako.

Umubo si Zack at umalis na sa kwarto, sumunod naman sa kanya yung iba kaya kaming dalawa na lang ni Edward ang nandito. Tapos si Kysler nasa banyo.

Nagsmirk ako kay Edward at naglakad papalapit sa kanya. Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya at bumulong "Starring is rude. Pwede ka namang magpapicture kung gusto mo."

Itinapat ko yung mukha ko sa mukha niya at nakita kong nag-aapoy yung mata niya. Lalong lumawak yung ngiti ko. I accidentally looked at his lips na napansin kong kinakagat niya.

Inilagay ko yung kamay ko sa batok niya at nilapit ko lalo yung mukha niya sa mukha ko, we were about to kiss pero bigla akong lumayo sa kanya at nagsimulang tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHA." Sabi ko at halos mabaliw na ako. Hindi ko akalain na mapipigilan ko ng ganung katagal yung tawa ko.

"Tss." Narinig kong sabi niya pero tawa pa din ako ng tawa. "Bilisan mo nang magbihis. Baka maabutan ka pa ni Kysler ng nakaganyan." Seryoso niyang sabi sa akin kaya napatigil ako sa pagtawa. Shit oo nga.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora