TGP 5

3.8K 75 2
                                    

Abby's POV

Pagkatapos kaming sermonan ni papa ay nagyaya na siyang kumain. Nakakagutom magalit pa, noh? Hahaha.

Ngayon nasa dining room na kami. Kain kain, food trip, tawa tawa, kwento kwento. Chill chill lang. Yung sitting arrangement nami ganito,

papa

mama ate aira

ako kysler

ate april zack

edward

Itong si Edward patay na patay kay ate April, sunod ng sunod. Nako. Torpe yata 'to eh.

"Ikaw Abby Marie? Wala kang balak magsabi kila mama?" mahinang tanong ni ate April.

"Huh?" Taka kong tanong. Ano naman sasabihin ko?

"Tungkol dun sa mangliligaw mong pangit!" Inis niyang sabi sa akin.

"Ay. Sorry naman. Ewan ko, kinakabahan ako eh." Sagot ko ng pabulong sa kanya. Baka kasi marinig kami nila mama at papa.

"Bakit ka naman kakabahan? Eh ayan ngang si Aira, ang tagal na palang nangliligaw niyang si Zack ngayon niya lang pinakilala. And hey, I always got your back. I'm always here to support you." Sabi sa akin ni ate April saka ngumiti. Minsan natatakot ako kay ate, one minute she's mad and the other minute she's high as fvck.

"Uhmm .. Ano kasi ate eh, ano. Uhmm .." Hala. Huhuhu. Bakit hindi ako makapag salita? Aish. Huhuhu.

"You want me to do it for you?" Sabi sa akin ni Ate.

"Yes ate. Please." Sana lang talaga maintindihan nila mama at papa.

"Ma, Pa, may sasabihin daw si Abby Marie sa inyo." Sabi ni ate kaya naman napatingin silang lahat sa akin. What? I thought she was the one going to tell them? Hay nako.

"Hala. Wala naman eh." Sabi ko sa kanila tapos ngumiti. "Ate naman, akala ko ikaw na magsasabi kila mama at papa, ikaw lang pala tatawag." Sabi ko ng pabulong sa kanya.

"Sasabihin mo sa kanila o sasabihin mo? Mamili ka." Pinapili niya pa ako eh parehas lang naman. Baliw talaga 'tong si ate.

"Di nga ate? Pinapili mo ba talaga ako?" Tanong ko sa kanya.

"Ano? Sasabihin mo ba o ano?" Naiinip na tanong ni ate. Okay. Here goes nothing.

"Ano ba yung pinag bubulungan niyong dalawa diyan? April? Abby?" Tanong sa amin ni papa.

"I LOVE YOU ALL." Sabi ko sa kanila saka ngumiti.

"Abby." Sabi sa akin ni ate. Wala na. Galit na siya.

PATAY !!! Gusto kong sabihin kila mommy at daddy pero baka magalit sila sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagalit sila mommy sa akin.

"Ehh. Ayaw ko ate. Hindi ko kaya. Ikaw na lang. Please ate? Please?" Sabi ko tapos nagpout. Huhuhu. Feeling ko nababaliw ako. Hindi ko alam kung bakit.

"May nangliligaw kay Abby." Sabi ni ate ng diretso. Ng kalmado, at proud. Huhu. Bat' siya nagagawa niya yun? Bat' ako hindi? Si Kysler naman halatang nagulat siya sa sinabi ni ate pero agad naman siyang nakabawi at ngumiti. Umayos na din siya ng umupo.

"Oh sino?" Masayang sabi ni mama. OMYGOD. Buti na lang hindi galit si mama.

"Ako po." Nakangiting sabi sa kanila ni Kysler. Ako naman natuyo yung lalamunan ko. What's the problem with me?

Tinignan siya ni mommy at daddy. Si mommy nginitian siya, si daddy tinanguan siya.

"Take care of my girl when I'm not around. Okay?" Sabi sa kanya ni papa saka kumain na ulit.

"Ikaw April? Wala kang ipapakilala?" Tanong ni mommy kay ate.

"I don't have time for love ma." sabi ni ate saka kumain na ulit. Hay nako Edward. Bat' kasi ang tagal mo?

"Uyy. Overnight kayo dito samin." Pagyayaya sa kanila ni ate Aira.

"Wag na. Nakakahiya naman sa inyo." Sabi ni Kysler sa kanya.

"Uso pala hiya sayo." Sabat ni April tapos ay umalis na. Medyo madaldal naman si ate, kapag nasa mood. Hahaha.

"Ang sakit mo naman magsalita ate April." Sabi ni Kysler kay ate. Luh? Nakiki ate.

"Ate ka diyan? Eh kung sinasapak kita?" Sabi sa kanya ni Ate.

"Bakit ayaw mong magpatawag na ate?" Tanong ni Kysler sa kanya.

" Mas matanda ka sa akin tapos tatawagin mo ko ng ate? Kung nagpapalakas ka sakin tigilan mo na. Baka ako pa makalaban mo." Sabi ni ate April tapos ay tuluyan ng umalis.

"Pag pasensyahan mo na Kysler, huh? Minsan kasi ganyan talaga siya magsalita eh." Sabi ni mama tapos ay ngumiti.

*KRING KRING

"Hello? Yes. What? I told you to take care of that! Okay okay. We're on our way." Sagot ni papa sa caller niya.

"Ano yun, hon? Sino kausap mo?" Tanong ni mama kay papa.

"Yung secretary ko. May emergency daw sa trabaho. ASAP board meeting. Let's go." Sabi ni papa then he kissed us good bye. Akala mo hindi talaga siya nag mamadali dahil, pinuntahan niya pa si ate April sa kwarto para lang halikan si ate sa noo at magpaalam. Nakakaselos. Pero, mas gusto ko si mama kaysa kay papa. Strict si papa eh.

"Mag overnight na kayo dito. Para may kasama sila. Dun na lang kayo sa kwarto ni April. Kinausap ko na yun." Sabi ni papa saka tuluyan na silang umalis ni mama.

Umakyat na kami papunta sa kwarto ni ate April at pumasok na kami.

"Ate, dito daw kami tulog sabi ni papa." Sabi ko kay ate April.

"Tss." sabi ni ate saka pumasok sa banyo ng kwarto niya.

Hindi na yata mawawala sa kanya yung "TSS" eh. Hindi niya kakayanin kapag nawalan ng tss sa sentence niya. HAHAHA

Ang ganda ng kwarto ni ate! Promise. King size bed, yung motif ng kwarto niya black and White. Tapos naka display yung mga painting and photographs niya, nakapalibot yung christmas light sa kwarto niya, ang ganda talaga promise. Tapos yung mga libro omg! Sobrang dami niyang libro, mapa novel man o trilogy kahit anong genre nasasabayan niya. Grabe. Hindi kasi ako mahilig magbasa eh. Tapos yung flat screen TV niya na hindi ko alam kung gano kahaba, basta. Ang ganda ng kwarto ni ate. Nasa pwesto lahat.

"Ano Abby Marie? Tapos ka na ba? Kung tapos ka na pwede ka ng umupo." Sabi sa akin ni ate April.

"Sungit mo ate. Sige na uupo na." Sabi ko tapos ay umupo na sa tabi ni Kysler.

Nakita kong nanonood sila ate ng horror. Sabi ko na eh. Nasa gitna ako ni ate April at Kysler. Kapag kasi si ate Aira yung tinabihan ko tatakutin lang ako niyan eh parehas lang naman kaming takot. Pagkatapos naming sumigaw ng maraming beses ay napagdesisyunan namin na matulog lahat sa lapag. Lahat sila takot eh. Maliban kay ate April. Sa totooo lang tawa nga siya ng tawa. Kasi kamuka daw namin yung mga multo. Tsk. Pagkatapos nun ay natulog na kami.

April's POV

Nagising ako dahil sa naramdaman kong bigat sa tiyan ko. Minulat ko yung mata ko at nakita kong nakayakap sa akin si Edward. Dapat susuntukin ko siya kaso nakonsensya ako. Baka mamaya magkapasa pa to. Ako pa sisihin niya. Kaya ang ginawa ko, dahan dahan ko na lang tinanggal yung pagkakayakap niya sakin saka tumayo.


The Gangster's Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon