TGP 32

1.3K 24 4
                                    


April's POV

Gabi na at nandito kami ngayon sa dati naming pinagtayuan ng bonfire. It's our last day in here.

Bukas ng hapon ay uuwi na kami.

PERO KAUNTI PA LANG ANG NAKIKITA KONG KAMAG-ANAK NAMIN. Nakakaloka diba? Parang nag-outing lang kaming magkakaibigan at hindi reunion. Maski yung magulang namin, tatlong beses ko lang yatang nakita sa loob ng dalawang linggo. Tsk.

But it's fun. Sooooooo fun! Di ko nga maimagine na lumagpas ang dalawang linggo na wala man lang gulong nangyayari. It's so perfect.

"APRIL!" Sigaw ni Aira sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Anong 'ha'? Ateng kanina pa kita kinakausap, uy." Sabi niya at inirapan ako.

"Ang sabi ko, paabot ako ng blanket." Sabi niya at inabutan ko na siya ng blanket para manahimik na siya. Nakakaasar eh.

"Wag mo nga awayin yung baby ko!" Sabi ni Edward kay Aira.

"Aba! Wag mo ding awayin yung babe ko!" Pagtatanggol ni Zack.

"Ano yan baboy?" Sabi ni Abby at natawa kami. Mayroon kasing palabas na babe ang title tas parang isa sa main character yung baboy ganon.

"Aba hindi ka na marunong rumespeto sa nakakatanda ah!" Sabi ni Aira at sinabuyan ng buhangin sa mukha si Abby at nagsabuyan na sila ng buhangin.

"Kaya magpasalamat ka parehas kayong lalaki ni Ward." Bulong ko kay Edward at umakbay siya sakin.

"Anong magpasalamat? Lagi nga kaming nagwre-wrestling nun."

"Kaya nga. Mas okay na sakin yun kesa mapalibutan ka ng dalawang babaeng parang armalite yung bibig." Sabi ko at tinawanan niya ako.

"I can't believe that you're going to be mine again." Bulong niya.

"Grabe talaga yang confidence mo!" Sabi ko sa kanya.

"I love you too." Sabi niya sabay halik sa noo ko. Nag I love you ba ko?

"WALANG FOREVER!" Sigaw nilang lahat samin kaya naglabasan yung mga tao sa ibang resthouse.

"Magpatulog naman kayo!"

"Simula nung dumating kami dito hindi ko na kayo narinig tumahimik!"

"Hindi lang kayo tao dito!"

"Oo nga!"

Hindi ba nila alam na mga pamangkin nila kami?

"Tita grabe di mo na kami kilala?" Sigaw ni ate kay mama kaya parang natauhan sila.

"Sila Shin pala 'to eh! Aba matulog na kayo!" Sabi ni tita Claire at hinatak na kami ng mga tita namin papasok ng resthouse.

"Wag na kayong lalabas." Sabi ni tita Claire at sinarado na yung pinto.

"Bata pa ba tayo?" Tanong ni Abby.

"For your information ikaw pinakabata dito." Nakasmirk kong sabi.

"Si Shine kaya!" Pagdedepensa niya.

"Satin. Sating mga pinapasok. Andon na sila kuya sa kwarto nila wag ka nang mangdamay dyan." Sabi ko.

"AHHHHHHHH!!" Narinig naming sigaw sa labas.

Nanakbo kami palabas at nakita namin si tita Claire na nakaupo sa buhangin at may tama siya ng baril sa hita.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon