TGP 36

1.4K 26 0
                                    

April's POV

Today is the first day of our senior year as college. Edward and I are still not together. Pero alam naman naming dalawa na kami na, wala nga lang label. But that's enough for the both of us.

Nandito kami ngayon sa school park, chill lang dahil lahat ng prof ay free cut. Binigay lang nila samin yung mga handouts at mga schedule for the whole school year tapos dismiss na kaagad. Like, nagbabayad kami para magpaandar kayo ng boring na intro sa first day tapos ngayon handouts lang ibibigay niyo? Unfair!!!!!

"Di ako sanay na wala si ate Aira at Zack." Sabi ni Abby at sumandal sa puno.

"Yeah. Wala nang couple na mahilig mag-PDA at parehas maingay." Sabi ni Dianne at humiga naman. May blanket kami kaya hindi madudumihan yung mga damit namin.

"Edi pabalikin niyo ng college." Natatawang sabi ni Edward at nag-apir kami.

"Hindi naman halatang ayaw niyo dun sa dalawa no?" Sabi ni Kysler at tumawa.

"Alam mo yung joke brad?" Sabi ni Edward at tumingin ng masama kay Kysler.

"Ako alam ko. Ikaw? Balita ko bobo ka daw eh." Sabi ni Kysler at nagsmirk.

"Kupal ka ah!" Sabi ni Edward at tumayo.

"Hoy ano ba kayong dalawa." Pagsaway sa kanila ni Joseph.

"Wag kang makisali dito." Sabi ni Kysler sabay duro kay Joseph at nagkatinginan naman kaming tatlo nila Abby at Dianne.

Sa simpleng joke magkakagulo sila?

"Adik ka pala eh! Ako na nga nga yung umaawat sa inyo!" Sabi ni Joseph at nakatayo na silang tatlo ngayon. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao.

"Walang nagsabi sayong umawat ka. Manahimik ka dyan." Sabi ni Edward at napailing si Joseph.

"Titigil kayo o ibabaon ko kayo dyan sa kinakatayuan niyo?" Sabi ko pero hindi nila ako pinansin. "Ah ganon?" Sabi ko at tumayo na pero agad silang ngumiti sakin.

"Joke lang baby ko. Bat' naman kami mag-aaway-away? Solid kami no." Sabi ni Edward at nag-peace sign pa.

"Oo nga besh." Sabi ni Joseph at umakbay kay Kysler.

"Yes gurl. Tignan mo nga oh. Love na love ko sila. Kiss ko pa sila. Oh." Sabi niya sabay sa halik sa pisngi nung dalawa.

"YAH!" Sigaw namin ni Abby sa kanya.

"Sino nagsabi sayong pwede mo halikan si Edward aber?" Sabi ko sa kanya.

"Gurl, hindi pa kayo. Masyado ka kasing pakipot. So, sorry ka na lang." Sabi niya sakin.

"Ah ganon? Sige. Hoy Edward, sinasagot na kita. Simula sa araw na 'to tayo na, ang makita kong humalik sayo papatayin ko." Sabi ko at hinila papalapit sakin si Edward.

"Yan pwede mo nang halik-halikan si Joseph." Sabi ko at hahalikan na dapat ni Kysler si Joseph.

"Talagang hahalikan mo siya?" Mahinang tanong ni Abby kaya napatingin kami sa kanya at nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.

"A-Abby..." Sabi ni Kysler na halatang gulat at lumapit kay Abby.

"Akala ko pa naman loyal ka sakin. Pano mo yun nagawa? Sa harap ko pa." Sabi niya at bumuhos na yung luha niya.

"Baby.." sabi ni Kysler.

"Baby ka dyan! Never mo ko tinawag ng baby lang! Siguro may iba ka na. Dun ka na kay Joseph! Ayaw ko na sa'yo." Sabi niya at umirap lay Kysler.

"Galing na ng acting ah." Sabi ko at napatigil siya.

"Ate panira ka ng moment alam mo yun?" Sabi niya sakin sabay irap sakin.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now