TGP 3

5.6K 104 3
                                    

Edward's POV

Simula nung dumating si April dito sa table namin ay hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya. Minsan umiiwas ako kapag iniaangat niya ang ulo niya at tumitingin sa akin ng MASAMA. Ang ganda niya kasi. Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya.

"Guys, palipat tayo sa section ni ate April." Sabi sa amin ni Abby nung makaalis na si April.

"HAH?! bakit?!" Hysterical na tanong ni Kysler. Kahit kailan talaga 'tong lalaking to.

"Bakit parang ayaw mo?" Tanong ko sa kanya. EH, kasi naman! Tignan niyo kung pano magreact! Kala mo nalaman na niya kung kelan siya mamatay.

"Hindi naman sa ayaw. Kaso, nakakatakot eh. We all know naman kung gaano siya na kakatakot." Sabi niya tapos tinignan kaming dalawa ni Zack.

"Hindi pa natin yan sigurado, Kysler. Wag ka muna pumutak ng pumutak diyan." Seryosong sagot sa kanya ni Zack.

"Eh, ano pa ba kailangan nating patunayan na siya nga iyon? Buong pangalan pa lang niya alam na natin na siya yun eh!" Pag dedefend ni Kysler sa sarili niya.

"Madami siyang kapangalan sa buong mundo." Pagdedefend ni Zack sa sarili niya. Mga future attorny pala 'tong mga tropa ko eh. Edi ako na tambay sa bahay.

"Pero iisa lang ang nag aaral dito." Sagot sa kanya ni Kysler.

Yung mga babaeng kasama namin halatang naguguluhan sa sinasabi nila kaya tinapakan ko yung paa nung dalawa sa ilalim ng lamesa.

Napa tingin sila sakin tapos tumingin ako dun sa dalawang nilalang na nakakunot yung mga noo. AHAHAHA.

"Erm. Wala lang. Para sama-sama na tayo, pati para makilala niyo na din si ate April, ha?" Pagpapatuloy ni Abby sa sinasabi niya kanina.

"Sige ba! Game ako diyan!" Excited kong sabi sa kanila.

"Oh edi ikaw na kasi ang excited." Singit ni Zackary Balmeo. Opo, Balmeo. Hindi Efron. Wala pa sa kalingkingan ni Zacka Efron si Zackary Balmeo.

"Tumahimik ka na nga. Palibhasa kaklase mo na yung mahal mo eh! " Sabi ko sabay tingin kay Aira.

"Tss." Gaya-gaya 'to ah? Ano 'to? Boy version ni April?

"Tara na! Punta na tayo sa office!" Excited si Abby ah? Ako din eh. Hahaha

"Okay." Sagot ko.

Yun nga, nag lakad na kami papunta sa office.

"Uhmmm guys? Ako nalang papasok ha? Wala naman kayong gagawin sa loob eh. " Abby

"Okay." Sagot ko ulit.

After a few minutes, lumabas na si Abby dun sa office. tinignan ko siya with what's-the-result? look.

And then she nodded.

"YESSSSS! " Sigaw ko with matching talon at suntok sa hangin. Oppsss. Nakita ko namang pinag titinginan na ako ng mga estudyante dito kaya I stared at them coldly. Dun lang naman ako sa mga kaclose ko ako makulit.

Tapos ayun! Pumunta na kami dun sa section ni April ....

April's POV

Nung matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila, pero bago ako pumunta sa room ay nag-cr muna ako dahil maaga pa naman at naiihi na din ako.

Pumasok na ako sa room namin at nakita kong halos wala pang estudyante dito sa room. When I said kanina na maaga pa ay nagkamali ako. Dahil it's way too early! Eh halos wala pa nga dito sa room yung mga kaklase kong nerds eh.

Ayy, meron na pala! Yung mga girl na bugbog yung muka sa makeup.

Tinignan ko sila ng matagal habang nakatayo ako malapit sa pinto. Nag tataka kasi ako eh, lagi silang may hawak na salamin pero hindi man lang sila natatawa sa itsura nila.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now