TGP 15

2.2K 46 0
                                    


April's POV

Andito pa din kami sa park at nakikita namin ng maayos yung sunset at nakakatunaw lang ng puso yung view. Ganda eh. Like me. 

"Ang ganda talaga ng view." Sabi na naman ni Abby. Kanina niya pa yan sinasabi at feeling ko napapalitan na ng heart yung mata niya sa sobrang amazement sa sunset.

"Parang ngayon ka lang nakakita ng sunset Abby Marie, ha." Natatawang sabi ni Aira sa kanya.

"Ate walang basagan ng trip, pwede?" malditang sagot sa kanya ni Abby.

"April tignan mo! Nahahawa na sa kamalditahan mo si Abby!" Sabi ni Aira sakin.

"Mas okay nang maldita kesa pabebe." Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Hindi naman ako pabebe ah!" Pagsagot niya sakin ng nakanguso.

"May sinabi ba kong ikaw?" Sabi ko sa kanya ng natatawa at tumingin na ulit ako sa may sunset.

"Ang init naman." Sabi ko sa sarili ko ng mahina.

"Ang hot ko kasi."

"Sorry na."

"Layo ka sakin, Ate."

"Di ko naman sinasadya eh."

"Pasensya na." 

"Di ko naman kasalanan maging hot. Sisihin mo magulang ko." 

Aba magaling. Nagreklamo lang ako na mainit kung ano-anong hugot na sinabi nitong mga 'to.

"Ang kakapal ng mukha niyo." Sabi ko sa kanila habang tinitiklop yung pajama ko.

"April mukha kang bagong gising. Hahahaha!" Sabi ni Aira.

"Ikaw mukha kang laging gising." Natatawa ko ulit na sabi sa kanya at nagtawanan sila. 

"Ang sama talaga nito sa 'kin." Sabi niya. 

"Bad yan, e." Sabi ni Edward at inirapan ko naman siya. 

Nag-stay pa kami ng ilang minuto dito sa park dahil ayaw pang umalis ni Abby.

Nung nawala na yung araw ay umalis na kami at naglakad na naman pauwi dahil ginagawa na kaming ulam para sa hapunan nung mga lamok. Sabi nila maglakad na lang daw kami kaya sobrang sakit ng paa ko bukas panigurado.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Edward habang tumigil ako sa paglalakad kasi ang sakit na talaga ng paa ko. Maawa sila sa beauty ko, aba.

"Wala pa sa kalahati yung nalalakad natin." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Ang sakit na ng paa ko." Nakasimangot ko namang sagot sa kanya pero nagpatuloy na sa paglalakad. Ano ba kasi trip nila Abby at nagyayang maglakad.

"Sakay na." Sabi ni Edward at saka lumuhod sa harap ko.

"Ha? Ano ka kabayo?" Tanong ko sa kanya.

"I mean pumasan ka na sakin. Naglalapnos na yang paa mo." Sabi niya sakin ng nakaluhod pa din.

Pinagmasdan ko lang siya habang nakatalikod, in fairness dito kay Edward ang yummy pa din kahit nakatalikod.

Ano ba, April! Kamanyakan mo ha!

Habang tinitignan ko yung likod niya, bigla siyang tumingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ba niya pwedeng sabihin na 'April titingin ako sa'yo.'? Hays.

"Pumasan ka na, April. Naiiwan na nila tayo." Sabi ni Edward sakin at nakita ko ngang medyo malayo na samin sila Abby.

"Kaso pagod ka na. Kakatapos lang ng game niyo kanina." Pag-aalinlangan ko pa din. Ayokong ako maging dahilan kung bat' sasakit katawan niya bukas. Baka mamaya mangonsensya pa 'to.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now