TGP 35

1.2K 23 0
                                    

April's POV

Today is April 15. I am officially twenty years old. Teen days are officially done.

Parang nung chapter one lang, fifteen years old pa lang ako, time pass by so fast. Parang ngayong linggo. Ni hindi man lang kami nag-usap ni Edward, pero sabi ni mama magkakaron nga daw kami ng family dinner ngayon. And I think it is their first time meeting each other? lol

Papunta na kami ngayon sa restaurant nila Edward. I'm just wearing a simple red dress. Dapat nga pants lang isusuot ko. Pero nung nakita ni mama na nakapants lang ako halos kalbuhin na niya ako.

"So, April, tell me, what are they like?" Tanong ni mama sa akin.

"Loud. Parang kayo." Nakangisi kong sabi at sumimangot naman sila.

"GRABE HINDI NAMAN KAMI MAINGAY AH!" Sigaw nilang sabay-sabay sa akin at nagpoker face ako. Talaga lang ha?

"Well, kaunti lang. Pero tahimik ka lang talaga." Sabi ni Aira at nagbelat sakin pero inirapan ko lang siya. Isinandal ko yung ulo ko sa bintana at pumikit. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Okay. We're here." Narinig kong sabi ni papa at idinilat ko na yung magaganda kong mata.

Pumasok na kami sa restaurant at sinalubong naman kami ng waitress.

"Any reservations sr.?" Tanong niya kay papa at ngumiti ng matamis? Is she flirting with our old guy?

"we're with Mr. and Mrs. Rivera." Nakangiting sabi ni mama at ipinulupot niya yung braso niya sa braso ni papa. So napansin niya din pala.

"Oh. This way ma'am, sr." Sabi nung babae at nawala na yung ngiti niya. Hindi ako aware sa pati sa tatay ko may lumalandi pa din hanggang ngayon. Akala ko dati lang nung medyo bagets pa siya. Like duh, the girl looked like she's in her early twenties and my dad is in his late forties, sugar daddy ganon?

Tuluyan na kaming pumasok sa restaurant at pumasok kami sa isang pinto na may VVVIP sa taas. Talagang very very very important person? Hahahaha.

Bago kami tuluyang makapasok ay huminga muna ako ng malalim.



"Oh. Hello! Come in, come in." Sabi ni tita Edz at pumasok naman kami.

"Nako, sabi ko naman kasi sayo, magkakabalikan at magkakabalikan yang dalawang yan, Mars." Sabi ni tita Edz kay mama at napanganga ako.

Mars? Anong Mars?

"Ma, magkakilala kayo ni tita?" Tanong ni Edward at tumabi sa akin.

"Yeah. Matagal na kaming magkaibigan, business partners actually, hindi lang namin sinabi sa inyo." Sabi ni mama sabay kindat.

"Hey beautiful." Sabi ni Ward sakin at hinalikan ako sa kamay.

"YAH! Ma oh! Sabi ko naman sa inyo wag na nating isama yan eh!" Sabi ni Edward at hinila ako palayo kay Ward.

"Wait. Nalilito na ko. Sino si Edward?" Tanong ni Aira at napangiti ako. Dahil kahit mas matanda si Edward kay Ward ng tatlong taon ay mukha silang identical twins.

"Ako." Sabay na sabi ni Edward at Ward.

"Sapakin kita diyan." Sabi ni Edward. I can still tell the difference between them. Ganon naman talaga kapag kilala mo yung tao, kahit gano pa sila magkamukha ng ibang tao, makikilala at makikilala siya ng puso mo. Kahit na sinasaktan ka niya.


Hindi naman niya ako sinasaktan intentionally, pero masakit dahil isang buong linggo niya akong hindi man lang kinausap at hindi man lang siya nag-try na ayusin yung gulo naming dalawa.


"Nako, wag niyo kong pinaglololoko." Natatawang sabi ni Aira.

"Umupo na tayo. Ikaw, Ward, halika nga dito. Bago ka pa masapak ng kuya mo." Sabi ni tita Edz at pinatabi naman si Ward sa kanya habang si Edward ay nasa tabi ko.


It's a round table so wala nang issue kung sino katabi namin.


"Hey beautiful." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. I looked at him in the eye. "So I'm not allowed to kiss you in the cheeks too?" Nakapout niyang tanong.

"You never bother to contact me." Sabi ko sa kanya ng diretso and he smiled.

"Nagpa-miss lang naman ako. And I also need to give you some time and space." Sabi niya. We all have our own conversation kaya hindi nakatuon ang atensyon nila sa amin ni Edward.

"I never asked for time and space."

"But I know you need one. Don't worry, kapag naging tayo hinding-hindi na ko aalis sa tabi mo." Sabi niya sabay kindat sakin at napalo ko naman siya sa braso niya.

"Kadiri ka." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Oh, pagkatapos na ng kasal ang apo namin ha? Dapat wedding gift ang bataan April, hindi birthday gift." Sabi ni mama at natawa silang lahat maliban saming dalawa ni Edward na namumula.

"Wag niyo ngang asarin yung dalawa." Sabi ni tito Do.

"Nako Eduardo, tigilan mo ko, nakikitawa ka nga din." Sabi ni papa. So Eduardo pala full name ni tito. Nice. Eduardo, Edward, Ward. Nice, nice, nice. Eh yung pangalan kaya namin? San kaya nila napulot?


"Tara na at kumain, alam niyo naman yung pagkain, kapag pinabayaan manglalamig." Sabi ni mama at nanglaki ang mata ko.

"Luh! Si mama feeling bagets!" Natatawang sabi ni Aira.

"Nakikihugot. HAHAHAHA." Pagtawa naman ni Abby.

"Hoy, anong feeling bagets at nakikihugot dyan, tigilan niyo ko at baka hindi ko ibigay ang allowance niyong dalawa." Sabi ni mama at natahimik naman yung dalawa.


___

Hello! Sorry po kung ang tagal na nung huli kong UD tas ang ikli pa nito, sobrang busy lang po talaga sa school. Hoping for your understanding! xx

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now