Thirty One - Sudden Encounter

21 2 3
                                    

Gabby's POV

Today is our last day as a 3rd year college student dito sa Crriedson so meaning, ito na ang hinihintay ng lahat ng estudyante– ang summer break.

Anong plano ko ngayong break? Hmm, well wala akong plano pero itong si Agatha ata merong plano para sa amin. Yes, AMIN kasi andito kami ngayon sa bleachers at eto nga po siya, nagpaplano na naman para sa summer escapade daw namin.

"How about Ilocos? Para dun tayo magstay sa rest house namin! Less gastos and for sure magugustuhan niyo ron! Ngayon nalang rin makakapunta sila Trick dun oh then syempre isasama natin ang jowa mo." Ngiting-ngiting sabi ni Agatha.

I just sighed and roll my eyes. Kahit naman kasi tumanggi ako, siya pa rin masusunod pagdating sa planong galaan.

I pulled out my phone from my pocket when my phone vibrated.

From: Gabby's 💕

"Nasa bleachers kayo? Pababa na akoo. Wait for me in 2 mins. I love you!"

To: Gabby's 💕

Yep dito kami. I love you too! 😘

Napangiti ako sa name ni Jed sa contacts ko. Siya nakaisip niyan para daw di namin makalimutan kung sino ang  nagmamay-ari ng puso ng isa't isa. Masyadong makeso pero gusto ko.

"Andyan na jowa mo" nguso ni Agatha kay Jed na papalapit na kung saan kami nakaupo.

"Sorry ah, daming pinagawa ni Sir Ryan sa council eh."

"Ayos lang, kamusta naman daw yung regarding sa competition niyo dati?" Tanong ko.

Last week ng March yung naging art competition nila Jed and Nam sa kabilang school and unfortunately, hindi nag first place si Jed but he got the 3rd place and 2nd naman si Nam. If I'm not mistaken galing sa Antello Univ yung 1st place and super ganda daw nung pinanglaban nung babaeng nanalo.

"Ayun, mga habilin and opportunities lang for next year yung nabanggit ni Sir. Wala pa namang confirmed pero pinagreready lang kami kung sakali." Ngiti niya. Kinuha naman ni Jed ang backpack ko at isinabit sa kaliwa niyang braso.

"Hmp. Sana all may tigabitbit ng bag. Bigat pa naman ng dala ko nandito mga laman ng locker ko." Nakabusangot na sabi ni Agatha.

"Sabi ko naman kasi sayo, kung pinapansin mo lang yung Kuya Myco ko, edi sana kayo na ngayon." Pang aasar ko sa kanya.

"Oo nga Agatha. Bagay naman kayo ni Kuya Myco tsaka gwapo and mabait rin siya." Panunukso ni Jed.

Natawa ako ng humarap samin si Agatha na halatang pikon na hahaha

"Alam mo ikaw nahahawa ka na dyan sa Gabby baby mo ah, pinagkakaisahan niyo na ako! Bahala kayo dyan mauuna nako alam ko namang may date pa kayong dalawa! Tatawagan ko nalang kayo sa bakasyon natin ah? Bawal tumanggi!" Pagbabanta niya pa samin sabay alis.

May PMS ata si bruha.

"Bakasyon? Baby, saan tayo magbabakasyon?" Inosenteng tanong sakin ni Jed.

"Ewan ko dun nakapag desisyon na naman siya kung saan tayo this summer break."

Nakarating na kami sa kotse ni Jed dahil dinala niya ito ngayon kasi nga magdedate kami. Haha sana kayo rin.

Huminto ang sinasakyan namin sa MOA at dito namin napagpasyahang mag date. Stroll lang and foodtrip yung gusto naming gawin ngayon at dahil ito lang rin yung madaling puntahan.

3pm ng makarating kami kaya kumain muna kami ni Jed sa isa g korean restaurant and nagkwentuhan. Masaya na ako sa ganito. Tahimik na tao si Jed pero gusto kong nagiging madaldal siya kapag ako ang kasama, sa akin lang.

She's my Tough GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora