Twenty Five - Chains from the Past

12 1 0
                                    


Gabby's POV

I don't really believe in destiny. Yung kung ano ang nakatadhana sayo ay yun ang mangyayari? Psh. For me, things happen because you choose that path in your own will.

You make your own destiny.

But what the hell? I don't know why this happen. Bakit siya pa?

"Gabby." Agatha is sitting beside me. Nandito kami sa Batangas because I .. I need to breathe.

"Are you fine?" Tiningnan ko lang siya habanag nakasandal sa motor niya na katabi ng akin.

I am happy not until that dinner on Jed's birthday. All his relatives are there, including his parents. I know them kahit hindi ko sila na-meet dati. Nung nilibing si Trey, sobrang depressed ko at nahihiya ako sa pamilya niya dahil- dahil sakin namatay ang anak nila. I was there at the funeral everyday pero di ako nagpapakita because I am a coward. I can't. Maski sa libing niya ay nandoon ako sa malayo at tahimik na umiiyak. His parents searched for me pero mas pinili kong lumayo para makapag-move on.

Dahil hindi ko kaya.

Nakapag-sorry ako pero di personal. Ipinaabot ko lang kay Agatha yung sulat na ginawa ko sa mama niya at hindi ko na alam kung anong reaksyon niya ng mabasa yun. Mas pinili ko nalang na hindi alamin. Pagkatapos ko namang ipaabot ang sulat na iyon ay hindi na sila nag-abala na hanapin ako. Maybe they are mad at me.

Kasalanan ko.

I don't know what to do that night. Masaya silang makita at makilala ako bilang gf ni Jed pero .. hindi ko magawang maging masaya.

"Gabby, okay ka lang ba? Ang konti ng kinakain mo." Nag-aalalang sabi ni Jed sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa hita ko.

"O-okay lang, me-medyo sumama lang pakiramdam ko."

"Anong nararamdaman mo? Gusto mo bang magpahinga muna dito?"

Umiling ako. Napapatingin na sa amin ang ilang nasa table dahil bakas sa mukha ni Jed ang pag-aalala.

"H-hindi na. Kailangan ko ding umuwi dahil hinihintay ako nila kuya. U-uwi na ako. Sorry Jed sumama lang pakiramdam ko."

Napababa ako ng tingin. Sorry Jed. I .. I just need to get out of here. I'm sorry ..

"You sure?" Tumango nalang ako at nagpaalam na si Jed sa pamilya niya na uuwi na ako.

"Nako hija magpahinga at magpagaling ka ah? Balik ka dito pag maayos na pakiramdam mo. Papadalhan kita ng cookies at mga pagkaing gusto mo kay Jed pag binisita ka niya okay?" Malambing na sabi ng Mama ni Jed.

"Nako wag na kayong mag-abala mam-"

"Hep! Mula ngayon ay Mommy na itatawag mo sakin dahil gf ka ng anak ko. Okay? I won't take no as an answer."

"Y-yes, m-mommy." Ngumiti siya ng maganda.

Bago pa ako makaalis ay bineso pa ako ng mga tita at pinsan niya pati na rin ng mommy at kapatid ni Trey.

Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Hindi dito.

"I am also shocked ng malaman ko yun kay Jude. Who would've thought na magkamag-anak si Trey at Jed? Ni hindi natin narealize na pareho sila ng apelido dahil napaka-common ng Ramirez." Agatha stated.

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now