Nineteen - Auditorium

33 3 3
                                    


Gabby's POV

"Gabby!" Tawag sa akin ng isa kong kaklase. Uhh di ko maalala name niya.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Pinapatawag ka ni Sir Roman sa faculty." Ngiting sabi nito.
"Bakit daw?" First time kong hanapin ng professor eh.
"Ewan ko rin. Baka regarding dun sa entry ni Jed." Nakayuko niyang sabi. Tiningnan ko yung name plate niya sa dibdib.

"Elaine." Nag-angat ito ng tingin.
"Alam mo pala name ko?" Di makapaniwala niyang sabi.

"Entry ni Jed? Bakit ako ang hinahanap bat hindi siya?"

"Andun na din si Jed sa faculty ni sir .."
Pagkarinig ko nun ay nagpasalamat na ako sa kanya.

Ilang araw na rin niya akong hindi pinapansin at iniiwasan. Gusto ko na syang kausapin. Hays bahala na.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong lead kung sino yung naglagay ng bugging device sa gamit niya. Inimbestigahan namin to ni Agatha kasama na nila Trick, Sherrie at Thalia. Naalala niyo yung unknown text message sakin noon? Maaaring konektado sya sa lalaking nakita ko sa labas ng fast food chain ngayon pero kulang pa rin. Hindi sapat yung mga hinala namin. Pero bakit??

"Mabuti at nandito ka na Miss Del Valle. Take a seat." Anyaya sakin ni Sir Roman. Nakaupo na din sa tapat ng desk niya si Jed at pilit na umiiwas ng tingin sa akin.

"Bakit niyo ba ako pinatawag dito sir?" Cold na sabi ko.

"Hahaha totoo nga ang naririnig ko tungkol sayo na maangas ka umasta." Ngising sabi nito pero di naman ako na-offend sa sinabi niya. May bago ba doon?
Hindi ko teacher ang isang to pero prof siya ni Jed sa major at balita ko ay sya ang bagong professor na pumalit kay Mr. Dumano.

Wala naman akong paki.

"Go straight to the point sir."

"Gabby .." Awat sakin ni Jed.

Itinaas ni Sir ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.
"Hahahaha okay okay miss. Masyadong mainit ang ulo mo bata. Pinatawag ko kayo dahil ang entry ni Jed sa foundation day na ito ang may pinakamalaking benta sa auction."

Hindi ko alam yun. Hindi ko na kasi inalam ang bagay na iyon kahit nga yung entry ko ay kay Agatha ko na pinabantayan dahil may iba akong inaasikaso.

Tumingin ako kay Jed na tahimik lang.

"Talaga? Eh anong ginagawa ko dito?"

Nakaawang ang bibig niya. "So di mo pa nakikita ang gawa niya? Hahahaha" naiinis ako sa tawa niya. Kung di lang professor to ay baka nilayasan ko na ito.

"Hindi na siguro niya kailangang makita sir."

"Bahala kayo. Anyway, gusto kasi kayong makilala ng nakabili ng portrait. Gusto niya makilala ang nagpinta at ang ipininta." Makahulugang sabi nito. "Bago matapos ang foundation day ay ipapakilala ko kayo sa kanya."

Ipininta?

"Sige sir. Salamat po." Yun lang ang huling sinabi ni Jed bago kami umalis sa faculty.

Nauna siyang naglalakad at nasa likod niya lang ako. Iniisip ko yung sinabi ni Sir. Kung tama ang pagkakaintindi ko, gusto makilala ng nakabili ng entry ni Jed yung gumawa ng painting at yung subject ganon ba?

Ako yung ipinatawag na kasama niya, so .. ako ba yung subject?

"Oy MJ, si Jed oh. Ang laki ng ginwapo niya noh?"

She's my Tough GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon