Twenty Three - Birthday Surprise

12 3 2
                                    


Gabby's POV

I immediately grabbed my phone para patayin yung alarm.

"5 minutes pa please." antok na antok pa ako. Hindi ko nga alam kung nasabi ko ba ng maayos yang mga salita na yan.

Kaso ugh! Di na ako makatulog ulit. 8am naman na pala so dumiretso na ako ng banyo at ginawa ang morning routine ko. Pupungas-pungas pa ako papuntang banyo kasi napuyat ako sa dalawang bagay!

Una: sila kuya. Aba pag-uwi ko ba naman ay para akong kriminal na ini-interrogate ng mga kuya ko. I am tough pero pagdating sa kanilang tatlo, with their serious faces lalo na kay Myco - na bihira magseryoso ay tumitiklop ako.
I don't want to elaborate pa kung ano pinag-usapan namin pero inamin ko na sa kanila na may boyfriend na ang prinsesa nila. Thankful naman ako na okay sa kanila si Jed pero sinabihan nila ako na ako na dapat ang magsabi kay Papa which is gagawin ko naman. I love them all and hindi ko itatago sa kanila yung relasyong meron ako. I won't do that to them nor Jed.

Pangalawa: yung lintek na taong di ko kilala na naglagay ng bugging device and yung unknown message na galing pala sa burner phone according to Trick. I don't know why but I have a bad feeling about this dahil gaya nga ng sinabi ni Trick, it doesn't look like a simple tripping ng kung sino.
I have a feeling that it was meant to scare me. Sadyang di ko lang alam kung anong rason.

Quarter to 9am ng bumaba ako sa dining. Naabutan ko pa si Kuya Marlo na nag-aagahan. Wala ata syang lakad ngayon?

"Hi Kuya." Umupo ako sa upuan sa tapat niya. He is seating so prim and proper habang nainom ng kape at nagbabasa ng dyaryo. So tito. HAHAHAHAHA

"Pfft."

Tumingin sya sakin. Hala napansin niya ba yung pagpigil ko ng tawa?

"What's so funny, Alexine?" Seryosong tanong niya.

"Seryoso mo naman kuyaaa" kumuha ako ng toasted bread na nakapatong sa lamesa at nilagyan ng cheezwhiz yon. Paborito ko to eh.
"How are you? Wala kang lakad or work ngayon?"

Umiling lang siya. Sa aming magkakapatid, Si Kuya Marlo yung pinakatahimik at pinakasuplado. Bibihira pa magsalita. Siya yung tipong maiintimidate ka kapag nagsalita siya at maging sa pananahimik niya, maiintimidate ka pa rin. Siya lang ang nakakagawa nun.
Hindi rin kami ganon kaclose dahil busy siya madalas sa work and sya ang tumatayong tatay namin since bihira umuwi si Papa. Bukod doon ay wala na akong ibang alam sa kanya.

Which makes me sad. A bit. Wag kayong maingay sa knya kundi lagot kayo sakin.

"Hmm wala kang date? Valentines ngayon oh." Gwapo si kuya, sobra pero wala pa akong nasasagap na chismis mula kay Mycolang kung may gf ba tong kuya ko. Tss.

Tumitig siya sakin at ibinaba ang dyaryo na hawak niya.

"May ka-date na yung prinsesa ko eh." Casual na sabi niya. Awts hindi ba siya gusto ng gusto niyang i-date?

"Sigurado ka kuya? Sino ba yun?" Ngumiti siya ng tipid at ginulo ang buhok ko.
"May date ka ngayon diba? Birthday pa niya kaya hindi ko maide-date yung prinsesa ko." Sabi niya sabay tayo.

"Bilisan mo na dyan uubusin ni Myco yang palaman pag naabutan ka." Nakanganga kong sinundan siya ng tingin palabas ng pinto.

"Hoy narinig ko pangalan ko ano yon ha!" Sigaw ni Myco pero di ko na yun pinansin.

May tinatago palang sweetness ang kuya ko. Himala yun!

--

6pm yung dinner kila Jed pero 4pm palang ay nandito na agad si Agatha sa kwarto ko para manggulo. Paano, siya na kasi namili halos lahat ng susuotin at gagamitin ko para mamaya. Siya na tlaga nagdecide.

She's my Tough GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon