Fifteen.One - Surprise!

8 3 0
                                    

(Gabby's POV)

2 days nalang pala at Pasko na. Sabado ngayon kaya nakakulong lang ako dito sa bahay. Sabi ni Daddy, dito lang muna kami ngayong taon magsecelebrate ng Christmas na pabor naman sakin. Miss na miss ko na si Daddy dahil minsan lang siya makauwi. Masaya naman ako na intimate ang Christmas namin ngayon na kasama siya. Dati kasi, sa grandparents ko sa States kami nagpapasko kaya maraming tao. Di ko naman close ibang pinsan ko tsaka ang gugulo. Masaya pero ang gulo, paano'y maya-maya eh nagtatakbuhan mga pinsan kong bata. Tsk.

Kakatapos ko lang maligo at nakasuot lang ako ng fit na sandong kulay red at cotton pants na kulay itim. Nakaladlad ang straight na buhok kong itim na hanggang bewang. Sinuot ko din yung paborito kong bunny slippers na gamit ko dito sa loob ng bahay.

Habang nagsusuklay ay tumunog naman ang phone ko at binasa ang text ni Agatha.

From: Dyosang Agatha

Gabby beybe! Punta kami dyan sa inyo now ha? May papakita ako! Yaaaaaahhh ~

To: Dyosang Agatha

Ge.

Ano naman kaya yun? Binulsa ko nalang ang phone ko at bumaba sa sala. Naabutan ko si Daddy na nanunuod ng basketball.

"Hi Dad." Niyakap ko siya at tumabi sa kanya. Inakbayan niya ako at hinimas ang buhok ko. Namiss ko siya sobra.

"Bagong ligo ang baby ko ah?" Ngiti niya. "Kamusta ka naman anak?"

"Ayos naman dad. Okay din grades ko."

"Mabuti naman kung ganon." Tiningnan niya ako ng matagal.
"You looked a lot like your Mom. Parang mas gumaganda ka pa nga kesa sa kanya. Paano'y namana mo ang ganda ng aking mata." Natawa ako kay Daddy dahil pinaningkit niya pa ang mata niya.

"Tss oo na Daddy lagi mo nalang inaangkin na iyo ko namana ang mata ko."
Samin kasing magkakapatid, ako lang ang purong itim ang kulay ng mata. Yung tatlong kapatid ko kasi ay chestnut ang pagka-brown na katulad ng kay Mama.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng dumating na sasakyan at pumasok si Kuya Marlo.

"Hi Dad" bati nito kay Dad sabay mano. Tiningnan lang naman ako ni Kuya Marlo ng matalim na parang may nagawa ako. Problema nun?

"Hi Tito!" Nabaling ang tingin ko kay Agatha na ngiting-ngiti at kumakaway pa kay Daddy.

Magkasama sila ni Kuya Marlo?

"Sabay kaming dumating niyan at pinapasok ko na. Nagsabi naman daw siya sayong ppunta dito." Malamig na sabi ni Kuya sakin. What's with the coldness?

"Hi Gabby! Ahihihi. Andito na kami!" Parang tangang ngiti ni Agatha sakin.

"Kami? May kasama ka pa?" Blangko kong tanong. Tumang-tango pa siya ng paulit-ulit at dahan-dahang umalis sa tapat ng pinto para makita ko kung sino yung taong nasa likod niya.






Eh?

"Good Afternoon po. Good Afternoon, Gabby." Ani ng lalaking nasa harap ko ngayon.

T-teka?

Kunot-noo ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.

Kamukha niya si Jude pero .. alam kong hindi si Jude ang nasa harap ko.

Napakurap ako ng mabilis ng ngumiti siya!
Napalingon ako ng nagtataka kay Agatha at parang naintindihan niya ang reaksyon ko.

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now