Twenty Six - Myco's love advice

18 2 0
                                    


Gabby's POV

Quarter to 11am na kami nakauwi ni Agatha from Batangas. Paano ba naman ay niyaya niya akong mag-chill doon sa isang sikat na cafe at mag-almusal ng sikat na Pares o lomi ba yun ang tawag. Infairness din naman at umayos kahit papano ang mood ko sa sarap ng pagkain. Babalik nga ako doon sa susunod.

"Oh buti andito ka na. Kanina pa may naghihintay sayo sa loob." Casual na sabi sakin ni Kuya Matthew habang naglilinis ng kotse niya.

Ipinark ko naman ng maayos ang motor ko at hinubad ang helmet.
"Sino?" Takang tanong ko. Wala naman akong inaasahang bisita?

"Better go inside and look for yourself. Kanina pa yun naghihintay sayo."

Inismiran ko siya at pumasok sa loob ng bahay. Pagkabukas ko palang ng pinto ay bumungad agad sakin ang likod niya na nakaupo sa sala.

"Hi." Tipid niyang bati sakin sa nag-aalangang tingin. 

"Uh, hello. Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit ako sa kanya at umupo sa single sofa sa harap niya.

"Binisita lang kita. Masama pa ba ang pakiramdam mo?"

"Ayos na ako."

Ibinuka niya ang kanyang bibig pero itinikom niya din na parang hindi niya alam ang sasabihin.

"Nga pala, nagpadala si Mama ng prutas at cookies pati fries na paborito mo. Nandoon sa dining area niyo."

"Hmm, salamat."

"Aahh."

Katahimikan.

"G-gabby." Nag-angat ako ng tingin sa way ng pagbanggit niya ng pangalan ko. Hindi ko mawari.

"Ayos na ba talaga pakiramdam mo? Gusto mo na bang magpahinga? Uhm, ano .. mukhang wala ka kasi sa mood."

"Salamat sa pagpunta Jed. Pasensya na kung di ako nakasagot sa tawag at text mo. Magpapahinga lang ako. Umuwi ka na. Salamat sa mga pagkain pasabi kay tita."

There. I saw pain in his eyes.

Ano bang ginagawa mo Gabby?!

Tumango-tango siya.

"Okay. Pasensya na kung nakakaabala ako. Mukhang pagod ka nga galing sa pinuntahan mo. Sana nagsabi ka man lang sakin. Nag-alala ako."

Tumayo siya at ibinulsa ang parehong kamay.

"Sige. Pero bago ako umalis tawagin mo akong baby."

Marahas na napatingala ako sa kanya.

"Ha?"

"Tawagin mo akong baby."

"Haha ang random. What for?"

"Baby."

"Tigilan mo nga ako."

"Baby." Mahina niyang sabi sa mababang boses. Para siyang bata na nanghihingi ng candy sa nanay niya.

"Ang kulit mo rin noh."

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now