Fourteen - Not a heroine

17 1 0
                                    

Fourteen - Not a heroine

(Gabby's POV)

1 week before the christmas break and everyone is very happy kahit na tambak ang mga dapat ipasa this past few weeks. Ngayong college, dahil hindi na uso ang christmas party, kanya-kanya ang gagawing party ng magtotropa. Mas sarili ding party outside school yung block ko pero I will not attend. Baka hindi pa sila sumaya pag nandon ako dahil mako-conscious sila dahil sa ganda ko. Trick and company will be here naman soon so sila lang okay na! Hindi ko pa pala pwede sabihin to kay Agatha para surprise!

"Jed!" Tawag ni Jienna sa kanya. Maganda si Jienna at sya ang aming class chairwoman. Matalino at responsable din plus mabait. Bukod ata kay nerd, sya lang yung tanda ko yung pangalan dahil sya ang nilalapitan ng lahat.
Ano naman kaya kailangan neto kay Nerd?

"A-ano yon Jienna?" Psh.
"I want you to join us sa christmas party natin for us to get to know you naman! Since transferee ka and we want your last year with us to be good. We can all be good friends here! Kaya punta ka ha? We'll expect you!" Masayang sabi nito kay nerd. Napakamot naman ng batok ang isang to. Flattered ba sya na may gusto ng makipagkaibigan sa kanya? Psh.

"Ahh sge pupunta ako, Jienna."
"Great!" Pag palakpak naman neto. Her gaze locked to mine.
"Ikaw din Gabby. See you there ha?" Flasing her sweet smile.

I don't know why, she looks really angelic but I am not comfortable with how she speaks my name. Parang may something.

I stared coldly. "No thanks. I'm too busy for that."

"Well, it will be a privilege for us na pumunta ka. You know, you're so popular but we barely know you. I hope we can all be good friends. Hope you change your mind anyway." Umalis na sya pagkasabi niya non pero hindi nakaligtas sakin yung ngiting sumilay sa kanyang labi.


"Jienna Matilda Muros." I'll be watching you.

Lunch na pero andito pa rin ako sa loob ng room dahil tinatamad akong kumain. Kasi naman si Agatha! Di daw sya makakasabay mag-lunch dahil may pinapatapos sa kanya yung isang prof niya. Secretary kasi ang loka.

Hays pero nagugutom nko kaya I decide na bumili nalang sa canteen ng drinks, fries at burger. Dito nalang ako sa room kakain.

"Ang ganda niya talagaaa."

"Si Gabby!"

"Pre, pano pag niligawan ko si Gabby?"

"Ang ganda talaga niyan kaso ang rude! Laging masungit!"

"Ang cool niya pa rin!"

Eto ang ayaw ko pag naglalakad sa hallway. Nagbubulungan sila pero rinig ko rin naman. Tsk. Sa 3 years kong nag-aaral dito laging ganyan sinasabi nila na alam ko naman na. Psh.

This school doesn't know about my story. Pumasok ako dito na branded na as the famous Tough Queen dahil sa isang laban na nasaksihan ng buong campus.

It was my first day of school as a college student ng may mga grupo ng lalaking nagkakagulo sa field. Dahil karamihan samin ay baguhan, lahat nakikiusyoso at nanunuod lang. Nacurious ako kung ano yon so I enter the crowd to see 2 group of boys arguing. Anong pinag-aawayan nila? Babae. Hindi ako chismosa ha? Narinig ko lang yun sa babaeng katabi ko kasi ang lakas ng mga bulungan nila.

Una, hanggang salita lang sila at angasan ng naging pisikalan na. Everyone was shocked but later on cheered for them. Mahilig talaga sa action at drama ang mga tao.
Wala na sana akong paki kung magpatayan sila don kaso naging rambol ang unang dalawang tao lang ang involve.

Many students run away from the scene at tumawag na ng guards and professor. Aalis na rin dapat ako kaso nakita ko yung isang guy na may hawak na baseball bat at ihahampas ito sa isang lalaking nakatalikod na umaawat lang sa gulo.

It was very fast na hindi ko na namalayang tumatakbo na ako papalapit sa kanila at buong tapang kong hinarang ang sarili ko para hindi matamaan yung lalaking nakatalikod. Everyone gasped nung hinarang ko yung right arm ko para hindi kami tamaan.
Akala ko dati sa anime lang yung parang titigil yung nangyayari sa paligid pero totoo pala tlaga sya. Hindi dahil nasa anime ako kundi they were surprised na isang babae ang nangialam at pumasok sa ganoong eksena.

Parang natauhan naman na nabitawan nung lalaki yung baseball bat niya na saktong pagdating nung mga guards. Everyone witnessed it. Simula non, nakilala nila ako as the girl-who-shield-herself and being the Tough one.

Tinatanong niyo kung anong nangyari sakin after that? Syempre masakit! Sobra! Di naman ako si Wonder woman noh! I wore a cast din non for 1 week! Pero alam niyo mas masakit?
Sobrang nawasak yung relo na suot ko nung araw na yon. Di ako tanga para ipabali ang kanang braso ko. Sinakto ko kasing pinatama yung bat sa bakal na relo na bigay pa ni Kuya Marlo. Andd! You read it right. Kanan. Kasi sa kanan ako naglalagay ng relos, hindi sa kaliwa. I am that unique. Chos nachos. I can be ambidextrous but I can't do anything with just my left hand.

Simula rin non, they admire me and takot akong banggain ng kahit sino. Thankful din naman ako na hindi ganon kabully at kamaldita mga studyante dito. Ako lang ata? Pero medyo lang namaaan. May angal ka ba?
I don't want them to see me as a heroine. I don't do it dahil gusto ko. Anong magagawa ko kung kusang kumilos katawan ko diba? Adrenaline siguro. Anyways, nasan na kaya yung lalaking nailigtas ko nun?

She's my Tough GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang