Thirty - Official Date

31 3 4
                                    


Gabby's POV

"Ano na Gabbrielle Alexine? Okay na kayo? Chika naman dyan ohhh."

Kinikilig na bungad sakin ni Agatha. Kausap ko siya sa phone.

Napigil ko ang ngumiti kahit di niya naman ako nakikita. Tss

"Yeah." Tipid na sabi ko at muling humiga sa kama.

"Yieeeeee! Hahahaha omg. So wala na kayong problema ha? Jusko ayoko na kayong makitang nag-iiwasan sa pangatlong beses ah sasakalin ko na kayo parehas."

"Talaga? Masasakal mo ko?" May pagbabanta sa tono ko.

"He he he ano syempre joke lang ito naman alam mo namang wala akong laban sa powers mo."

"Hahahaha alam mo naman pala."

Medyo nagtaka ako kasi tumahimik sa kabilang linya.

"Agatha? You still there?" I checked my phone pa kung ongoing pa yung call and binalik sa tenga ko ng makitang di pa naman naibababa.

"D-did you laugh?" She asked na medyo gulat.

"Uh yeah? I think so? Bakit?"

"I miss your laugh. Parang ngayon ko nalang ulit narinig yung tawa mo. I'm happy for you, really." She's sincere. Ngayon niya lang ba narinig ang pagtawa ko?

"Tss tumatawa kaya ako. Di mo lang naririnig."

"Ha? Paano yun? Don't tell me tumatawa ka lang pag mag-isa ka?"

"Sira."

"Hahahaha pero seriously, I am happy na okay na ulit kayo ni Jed and based on what I can see, you are happy with him. Haaay, bakit kasi until now wala pa ring usad ang lovelife ko." Malungkot na sabi niya.

"Sabi ko naman sayo, kung kay Myco ka nalang edi sana di ka malungkot na ganyan." Pang-aasar ko sa kanya.

"Gabbrielle Alexine! Ilang ulit ko bang sasabihin na kay Matthew mo lang ako dapat i-ship! Ahh nakakainis ka naman eh." I imagine her pouting already.

"Hahahaha whatever got to go na. I have to prepare pa." I checked my wall clock and I have an hour nalang para mag-ayos.

"Prepare? Wait aalis ka ba?"

Tumayo ako sa kama at inipit sa tenga at balikat yung phone ko para makapili ng damit sa closet.

"Yeah why?"

I heard her gasp on the other line.

"Magde-date ba kayo ni Jed?" Kinikilig na linya niya. Ibang klase din ang ang radar niya. Wala akong sinasabi pero nahulaan niya yun?

"Yes and I have an hour nalang so please cooperate."

Should I wear a dress? Ganun kasi sa mga napapanuod ko eh kaso parang di komportable?

"OMG! yes of course. Yayayain ka sana namin nila Trick for night out mamaya since nakabalik na ulit sila pero don't worry some other day nalang they will stay longer naman this time. Dyan ka muna kay Jed. Yieee ako na bahala sayo. Hihi"

"Nabanggit nga nila sakin na ngayon ang balik nila but they don't mention the night out."

"Okay lang ako bahala sayo. They will understand. Tsaka ngayon palang kayo magkakaroon ng official date talaga diba? So go ahead we can schedule it some other time."

What would I do without this woman?

"Okay. Thank you Agatha, really. Will text you later and pasabi nalang kanila Trick."

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now