Thirty Two - Vigan

10 1 2
                                    

Jed's POV

I hopped off the plane at L.AX
With a dream and my cardigan
Welcome to the land of fame excess (woah)
Am I gonna fit in?
Jumped in the cab, here I am for the first time
Look to my right, and I see the Hollywood sign
This is all so crazy
Everybody seems so famous ~

Napahinto ako sa binabasa kong article sa facebook dahil sa ingay dito sa loob ng kotse. Napatawa ako ng makitang todo bigay sa pagkanta si Agatha pati yung dalawa nilang kaibigan na babae. Nakalimutan ko pangalan basta tropa nila ni Gabby itong mga to. Oo nga pala, papunta na kaming Ilocos, tulad ng plano ni Agatha.

Si Gabby? Eto sa tabi ko kanina pa tahimik at nakakunot ang noo. Naiingayan siguro haha

"Hey baby, bat kanina ka pa nakabusangot? Naiingayan ka? Hayaan mo na sila mukhang ang saya saya nila. Palibhasa ngayon lang ulit kayo nagka-bonding diba?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Hindi yun."

Eh ano?

Di kaya may PMS siya?

"Meron ka ba ngayon?" Bulong ko na dapat di ko na ginawa kasi pinandidilatan na niya ako ngayon.

"What the fudge?!" Napahinto sila Agatha sa pagkanta pati na ako dahil sa reaksyon niya.

"What's wrong?" Tanong ni Trick.

"Ehem baka LQ?" Tatawa tawang sagot ni Agatha.

"Hey, Agie wag mo na nga gatungan mukhang bad mood ang lola mo ngayon. Or baka meron? Okaay. I'll shut up na." Sabi naman ni ..

"Thal and Agie, can you please be quiet for a while? Hindi ko rin marinig yung pinapanuod ko sa inyo eh." Sabi ni Trick.

"Aynako, ano pa ba aasahan natin sa dalawang to? Thal and Agie, you know that Trick and Gabby are almost the same. Wag natin galitin sila lolo at lola." Sherrie laughed na parang sobrang nakakatawa nung sinabi niya.

Ganito ba talaga sila magbonding? Parang any minute mag-aaway eh.

"Yes Jed, normal to kaya don't worry. Di kami nag-aaway." Agatha flashed her smile. Nabasa niya ba isip ko?

Tumahimik naman sila dahil sinamaan sila ng tingin ni Gabby. Anong problema niya?

I held her hand na naka cross sa braso niya.

"Anong problema? Kanina ka pa wala sa mood."

She sighed. "Sorry. Wala to. Pagod lang siguro ako sa byahe."

Kinuha ko yung ulo niya at sinandal sa balikat ko. I also put earphone sa kaliwa niyang tenga para share kami.

"Hm. Best Part? Nice." Tipid niyang ngiti at ikinawit yung isa niyang kamay sa braso ko.

I look at her intently. Sweet naman gesture niya but halata sa mukha niyang something is bothering her.

Tatanungin ko nalang siguro siya mamaya.

Gabby's POV

Nakarating na kami dito sa Vigan since dito yung rest house nila Agatha.

"Welcome to Casa Bermudez!"

2nd time ko ng nakapunta dito pero halos di ko na matandaan yung huli. Dalawang palapag yung bahay na malaki sa loob. Gaya ng mga bahay and establishments dito sa Vigan yung style ng bahay nila Agatha pero may malaking garden bago ka makapasok sa bahay. May maliit din na fountain sa gitna na angel yung statue and may mga red roses sa paligid.

Ang ganda.

"Hija! Buti nandito na kayo!" Sinalubong kami ng isang matandang babae na nasa late 50's na ata ang edad.

"Mamila!" Niyakap naman ni Agatha yung matanda. Naaalala ko na. Siya yung lola ni Agatha.

"Naku buti naman at nakabakasyon kayo dito. Oh, siya na ba yung matalik mong kaibigan nung bata kayo?"

Nangiti ako ng dumapo sakin yung mata niya. Kahit may mga kulubot na sa mukha ay mahahalata mo pa rin na maganda si Lola Alyanna.

"Opo, ako po si Gabby." Niyakap niya ako ng mahigpit at isa isa rin niyang kinilala sila Trick and syempre si Jed.

"Aba napakagwapo naman ng nobyo mo, hija! Bagay na bagay kayo! Ikaw Agatha? Nasaan na ang nobyo mo?"

"Nako Lola, busy yung nagugustuhan ng apo niyo, yung tipong di siya pinapansin." Sabi ni Sherrie.

"Don't worry, Lola kapag naging kami na ng crush ko ikaw una makakaalam!"

Napailing ako.
Kawawang Agatha kay Matthew at kawawang Myco kay Agatha.

"Osige na't pumasok na kayo at maghahanda na kami ng makakakain. Ikaw na bahala magdala sa kanila sa mga kwarto nila."

"Opo, Mamila. Tara sa taas!"

Kinuha ko kay Jed yung hand bag ko para tulungan siya dahil sya may bitbit ng mga gamit namin. Siya nagpumilit ah? Hindi ako.

"Baby, nakapunta ka na pala dito dati?"

I nod. "Pero halos di ko na matandaan kasi ang bata ko pa nun. Buti nga naaalala pa ako ni Lola."

"Baka pasaway ka nung bata kaya tanda pa niya." Asar niya sakin.

Nabanggit ko bang simula ng maging kami ni Jed ay naaasar na niya ako? Lumalakas na yung loob.

May 3 magkakatabing kwarto dito sa 2nd floor at may isa sa pinakadulo sa hallway. Yun ata yung kwarto ng lola ni Agatha.

"Okay, so dahil 3 lang ang room share yung 2 tao sa isa okay?" Hinila niya si Sherrie sa tabi niya. Alam ko na to.

"Dahil mag fiancé naman kayong dalawa, Trick and Thalia kayo na sa isang room and Jed and Gabby sa isang room."

"Nope di ako papayag."

"Aba sa tingin mo gusto ko?!" Natahimik kami sa pagsigaw ni Thalia. Jusmiyo.

"Ganito nalang. Kami nalang ni Trick sa isang room tas Gabby and Thalia." Sabi ni Jed.

Wala namang nagawa si Agatha dahil mukhang mag-aaway talaga yung dalawa kapag magkasama sa iisang kwarto.

"Okay okay. Pwede bang kay Sherrie nalang ako? Hehe" awkward na ngiti ni Thalia.

"Hahahahha sorry I forgot kalahi pala ni Trick yan si Gabby. Anyways, sige. Me and Gabby, Thalia and She, Jed and Trick. Okay na?"

Nag-agree naman ang lahat habang ako poker face lang. Di kaya ng energy ko sumabay sa energy nila ngayon.

"See you later. Love you." Ngiti sakin ni Jed.

"Sira. Love you too."

"Jusko kayo! Iisang kwarto lang pagitan niyo oh! Respeto naman sa aking single!" Hila sakin ni Agatha.

Kahit kailan talaga ang bitter nito.

--------
To be continued.

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now