Fifteen - Make over

10 4 0
                                    


(Jed's POV) Nuks! First time!

Hello sa inyo. Ako nga pala si Jed, uhh pero yun nga, Nerd tawag sakin ni Gabby.

Nerd naman kasi talaga ako pero di ako sobrang talino. Hilig ko lang magbasa at magpaint kesa maglaro ng computer games. Kung ano ako, yun naman ang kabaligtaran ng kakambal ko na si Jude.

"Bro, aalis ka?" Tanong niya sakin na nasa sala habang ang mata ay nakatutok pa rin sa xbox na nilalaro niya. Tekken ata yan eh.

Kumamot ako sa batok ko.

"Oo eh. N-niyaya kasi ako ni Agatha lumabas." Automatic naman na lumaki pata niya at huminto sa ginagawa. Lumingon pa sya sakin na takang-taka.

Nagtext kasi sakin si Agatha na ngayon daw ako bumawi sa mga libre niya sakin. Wala namang problema dun kasi nahihiya naman ako sa kanya. Kaya ko naman kasi magbayad pero sadyang makulit ang babaeng yun at maingay.

Sobrang opposite ni Gabby.

Lumapit ba sya sakin na medyo nakanganga.

"Agatha na bestfriend ni Gabby?! You're dating her!" Nakangising sabi niya. Anong date? Hindi!

"Hindi ko siya date Jude. May utang kasi ako don." Nakangiwing sabi ko.

Nilagay naman niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko at nanunuksong ngumiti. Aah! Ano ba!

"Binata na talaga kambal ko! Pumapag-ibig ka na! Ayos yan 'tol! Di ka naman uubra kay Gabby kaya tamang dyan ka nalang sa bestfriend!" Tatawa-tawa pa siya.

"Hoy hindi nga kami magde-date! At b-bakit naman nasama sa usapan s-si Gabby?!" Inayos ko ang salamin ko.

"Putsa bro. Nauutal ka pa rin? HAHAHAHAHA!" Malakas na tawa neto.

"Umalis ka na nga at baka mainip yung 'date' mo." Tinataboy-taboy niya pa ako ng kamay niya.

Mapang-asar talaga itong isang ito! Mas bagay sila ni Agatha. Tsk!

Lumabas na ako ng bahay at pumasok sa kotse ko. Minsan lang ako gumamit ng kotse kapag naalis lang pero pag pumapasok sa school, tricycle sinasakyan ko. Malapit lang naman kasi eh.

Nag-drive na ako sa mall na napag-usapan namin ni Agatha. Di na sya nagpasundo sakin dahil dadalhin niya daw motor niya.

Kakaiba tlaga silang dalawa. Kababaeng tao at kegaganda, nagmomotor.

Sa totoo lang first time ko talaga lumabas ng may kasamang babae bukod sa Mommy at mga pamangkin at pinsan ko. Hindi ako bading ha?

Ano, awkward kasi akong kasama. Tsaka di ako sanay dahil ngayon lang naman ako nakalabas na may kasamang ibang babae.

Ano naman kayang gagawin namin dito ni Agatha? Magsho-shopping ba siya?

Maya-maya lang ay dumating na si Agatha na nakagray blouse at nakaripped jeans at heels.
Inaamin kong maganda si Agatha at ang tangkad pa niya. Mahaba ang kanyang buhok na medyo paalon at makinis at maputi ang kanyang kutis.

"Tara Jed? Kanina ka pa ba?" Umiling naman ako.

"Saan ba tayo ppunta dito?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at umaktong nag-iisip.

Ano bang ginagawa niya? Andami ng patingin-tingin dito samin dahil sguro nagagandahan sila kay Agatha.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinila sa isang men's boutique.




Bakit kami papasok sa bilihan ng damit??


(Agatha's POV)


She's my Tough GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon