Twenty One - Weird

14 2 2
                                    

(Someone's POV)

"Pwede bang wag mo akong madaliin? Ako ang kumikilos at hindi ikaw!" Napahilot ako sa sintido ko dahil sa kakulitan ng babaeng ito. Akala ata niya madali ang pinapagawa niya!

"Ang bagal-bagal mo kasi! Ang simple simple ng gusto ko pero hanggang ngayon hindi mo pa magawa. Ganon ba kahirap lapitan yang babaeng yan?!"

"Stop being demanding and may I remind you that I'm doing these not because you just say so!"

"Pero gusto mo rin diba?! We both want this. We need this." Napaupo siya sa sofa. "Bakit kasi ayaw mong humingi ng pabor sa taong baliw na baliw kay ate noon? Mas matutulungan nila tayo hindi yang nagpa-plano ka pa at nagsasayang ng pera sa babaeng yun."

Nagsalin ako ng red wine sa isang baso at diretsong ininom ito.

"Ayoko ng padalos-dalos dahil sa oras na makarating ito kay Papa at nalaman ang ginagawa natin, pareho tayong malalagot. Alam mo namang ayaw ni Papa ng issue dahil magagamit yun ng kalaban ni Papa sa negosyo! You should learn how to plan wisely Princess M. Hindi kagaya niyang ate mo na hindi nag-iisip back then."

Sinamaan niya ako ng tingin at umakyat na sa kwarto.

Whatever happens, gagawin namin ito. You suffered too much because of that woman. She should pay back.

Lumabas ako ng bahay at nagdrive papunta sa condo dahil marami pa akong aayusin. I was about to go to my room ng mapansin ko ang isang kwadradong bagay na nakabalot sa brown na papel. Natawa ako ng mapakla. Binili ko pa tlaga ang bagay na'to.

I grabbed it at inalis ang papel na nakabalot. Tumingin-tingin ako sa sala pero masyadong madami ng nakalagay so I went to my room and face the empty wall malapit sa dresser ko.

"Sa dinami-rami ng tao, bakit ikaw pa?" I sighed. Matagal ko siyang hinanap pero di ko akalain na kung kailan nahanap ko na siya, kailangan din niyang mawala agad sa buhay ko.

Bakit?


(Gabby's POV)

Ngayon na ang huling araw ng Foundation Day kaya halos lahat ng students ay papuntang theater dahil may program na gaganapin.

"Nauna na si Agatha sa Theater. Tara na?" Sabi ni Jed. Kinuha naman niya sakin ang bag ko at sya na nagdala.

"Ano palang plano niyo bukas? Birthday niyo na ni Jude. Advance happy birthday." Nakangiti kong bati sa kanya. Napakamot naman sya sa batok niya at ngumiti. Ang cute!
Nagulat ako ng hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at nilaro-laro ito.

"Dinner lang sa bahay. Pupunta mga kamag-anak namin at ilang kaibigan ni Kuya. Pupunta naman kayo ni Agatha diba?"

Natawa ako. "Oo naman kung papapapuntahin mo kami."

"Oo naman. Iyon na ang pinakamagandang birthday ko kapag nandoon ka." His lips formed a line na parang may gusto siyang sabihin.

"You have something to say?" Di ko napansin na nakarating na pala kami sa labas ng theater room.

"Uhm, kung okay lang sana ano.. ipapakilala kita sa kanila bukas." I was shocked for a moment. Meet the family agad?

"Uuwi din sila Mama at Papa. Ipapakilala na kitang girlfriend ko, okay lang ba?" He looked hopeful and happy. Sisirain ko naman ba yun?

I smiled. "Oo naman. Ayos na ayos lang. Tara pasok na tayo."
Honestly, nakaramdam ako ng kaba. First time ko mamimeet ang parents at kamag-anak niya. Hindi ko naman kasi naranasan ito kay Trey noon .. dahil nawala na sya.

Ipinilig ko ang ulo ko. Wala pa pala akong regalo sa kanya. Ano kaya pwede?

Naghahanap kami ng mauupuam ng makita ko si Agatha sa bandang unahan na kumakaway. Katabi niya ang isang lalaki na hindi pamilyar sakin at ngumiti ito sakin.

"Nireserve ko to para tabi-tabi tayo." Umupo na kami. Katabi ko si Agatha sa kaliwa at si Jed naman sa kanan. Marahan kong siniko si Agatha at tinanong kung sino yung lalaking katabi niya. Parang close kasi sila dahil nakita kong kausap niya ito bago kami umupo.

"Who's the guy beside you?" Hindi pa naman nag-uumpisa ang program eh.

"You didn't know him? He's the student council's treasurer and classmate ko siya." Napatigil sa pagsasalita si Agatha dahil nagpatugtog muna ng love song dito sa theater habang di pa nag-uumpisa ang program.

"He's the painter ng "Mirror", yung 2nd place sa auction sunod dun sa entry ni Jed na ikaw ang subject. Ay wait." Kinalabit ni Agatha yung lalaking katabi niya at itinuro ako.

"Hey Nicolo, I guess you know her. Gabby Del Valle, meet Nicolo Justin Nam, yung painter ng Mirror." Nginitian ko sya ng tipid at kinamayan. Pinakilala din siya ni Agatha kay Jed.

"Nice to finally meet you guys. The famous tough girl and the .. nerd." Napataas ang kilay ko. Maamo ang mukha nitong Nicolo pero mukhang kabaligtaran yun ng ugali niya. Medyo mahangin.

"Ah hahaha oo dati yun. Tinulungan ako ni Agatha kaya ngayon hindi na." Casual na sabi ni Jed.

Tumawa si Nicolo at sumulyap sakin. "I see. Who would have thought na kayo rin pala magkakatuluyan. Almost lahat ng students dito yun yung naririnig ko. Tama, kayo na ba talaga?"

I smirked at him and smile sweetly at Jed. "Yeah, you heard the rumors right." Lumaki naman ang ngiti ni Agatha and Jed sa sinabi ko. I guess it's a good thing na malaman na din nila para wala ng maghabol sakin at pati na rin kay Jed.

"They're sweet, isn't it?" Tugon ni Agatha. Isang tipid na ngiti lang ang tinugon ni Nicolo at di na nagsalita.

Medyo weird.

Maya-maya lang ay nag-umpisa na ang program.

"Good morning students of Crriedson University! I am your University President, Mr. Aguinaldo Crriedson, would like to congratulate you all for the succeess of our university's 30th foundation year blah blah blah blah blah"

Nagkaroon ng ilang intermissions and announcement tungkol sa mga nanalong booths ng ibat-ibang colleges. I am happy when Jed called on the stage to receive his certificate since his entry rank as 1st place at ang pinakamahal na nabenta sa auction.

Speaking of auction, medyo weird para sakin kung bakit binili ng Dominic Arteza na yung painting. It's not that it isn't beautiful, in fact it is, pero who in their right mind will buy a painting na mukha ng ibang tao ang nakapinta? At isa pa, he's a stranger and I'm a stranger to him but he looks familiar tlaga eh. Di ko lang matandaan kung saan ko siya unang nakita but I'm sure hindi sa gallery room ang unang pagkikita namin.

Wala lang. I find his reasons, weird.

"It's just beautiful and majestic in some way. Plus, talagang maganda pa sa personal yung subject. You remind me of someone."

Yan yung sabi niya. Imagine, he bought the painting for 50,000 pesos. Wala na ata siyang mapagtapunan ng pera. I heard na mayaman ang mga Arteza, they owned construction companies dito sa Manila.

Tss.

Gusto ko ng umuwi at magprepare para bukas. Ano kayang ireregalo ko sa boyfriend ko?

--
Sana okay lang yung update. Sabaw me today huhu bawi ako next update! Thank you everyone stay safe!

-AbbyDovey

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now