Thirteen - Never have I ever

22 1 0
                                    

Thirteen - Never have I ever

(Gabby's POV)

First week na ng December and everyone is happy dahil sa Christmas Party at Christmas break.

Pagpasok ko sa room parang na-mute silang lahat dahil nawala yung ingay. I rolled my eyes. Masanay ka na Gabby.

"Go on. Mag-ingay lang kayo kung gusto niyo bago ko pa kayo gawing pipi lahat." Mataray kong sabi at umupo na sa silya ko sa likod.
Bumalik naman sila sa pag-iingay nila pero yung iba nacoconscious pa dahil nandito ako. Psh, Bahala kayo dyan.

"Hi, Gabby." nilingon ko sya to see nerd sitting beside me.

"Oh? Bat dyan ka nakaupo?"
Bigla naman syang natensed at bahagya niyang inangat yung glasses na suot niya.

Wait.

Bakit ang cute niya don?

"A-ah eh diba .. dito mo na ako pinaupo kasi-" Ah naalala ko na.
Napa-tss naman ako at masamang tiningnan yung dalawang barbie-que stick na nasa harap ko.
Dahil sa inyo may katabi akong nerd. Tsk.

"Wag ka na mag-explain naalala ko na."

Nakita ko naman na may libro sa desk niya kaya kinuha ko yon. Ganda nung cover eh.

"Perks of being a wallflower?"

Psh.

"Gusto mo bang basahin?" Tanong niya. Binalik ko na sa knya yung libro.

"Hindi ako nagbabasa ng ganyan. Alam mo," humarap ako ng upo sa kanya "Nerd ka na. Dapat ang ginagawa mo yung hindi na yung ikaka-nerd mo lalo. Kaya ka nabubully eh. You're not doing anything to improve yourself. You're busy hybernating in your godd*mn comfort zone and staying as a victim. Para kang isang kuting na kayang-kaya dagitin ng agila. Man up!"

Eksaktong pagkasabi ko non ay pumasok na yung Dev. Psych teacher namin.
Naiinis ako. Siguro sasabihin niyong OA ako kasi andami ko ng sinabi dahil lang sa isang libro. No, I have nothing against the book itself at kung ano man ang nakasulat don. Nakakainis lang na may mga tao talagang pina-pamper yung sarili nila sa bagay na nagiging kahinaan naman nila. I hate self-pitying.

Kasi dati akong ganon.

Dahil ganoon ako dati, may taong nawala sakin dahil mahina ako. Dahil natatak sa isip ko na hindi ko kayang lumaban.

I was once a wallflower.

Pero dumating yung time na binunot ako at nawala yung wall na sandalan ko kasabay ng paggumuho ng mundo ko.


Blame me all you want. I don't care.

- Break time -

(Agatha's POV)

Hays bitin yung Ilocos trip namin! Ayoko pa sanang bumalik kaso mamimiss ako ni Gabby my girl ahehehe joke baka masapok niya ako pag nabasa niya to hahahaha

Anyways, oh! Himala at mas nauna pang lumabas ng room si Jed kesa kay Gabby. At, bat parang ang lungkot masyado ng itsura ng nerd na yun?

"Jed!" Kaway ko sa kanya. Tumakbo rin ako papalapit sa kanya kasi mukhang di niya ako narinig. Nakayuko eh!

"Oh! Gabby baby tara sa Jollibee ulit tayo nila Jed mag-lunch dami na naman tao sa canteen neto!" Masaya kong sabi pero saming tatlo ako lang ang masaya. Eh parang Undas yung mga mukha netong dalawa! Pwera kay Gabby kasi ang angas niya lang lagi tumingin. Hekhek

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now