Eighteen - Bugged

20 1 3
                                    

Eighteen - Bugged

Gabby's POV

Today is the 4th day ng Foundation Week namin. Everyone is busy with their booths and games. Marami ring mga food stalls na talaga namang dinadayo. I hate crowded areas talaga pero wala akong karapatang magreklamo ngayon dahil hindi lang naman ako ang tao sa mundo. I dunno but I hate my guts right now. It's just that ... no, nevermind.

Nandito kami ngayon ni Agatha sa isa sa mga bench na nilagay dito sa quadrangle para makainan. Medyo mainit kasi open area, pero may mga tents and malapit naman ang pwesto namin sa puno kaya pwede na.

Kinuha ni Agatha yung hotdog in sticks na order niya sa plastic dto sa table.

"Ang hassle ng foundation day. Buti ngayong araw ay free tayo at nagmomonitor lang. God stress ako sa mga tao this days huh! Hirap maging official." Reklamo niya.

Napabuntong-hininga ako. Pang ilan na ba to?

"Uy anong mukha yan?" Kating-kati na akong tanungin. Pwede naman diba?

"Ano .."

"Ano yun?" Sya habang nakataas yung dalawang kilay at nanguya.
Napakamot ako sa ilong ko. Bat ba di ko masabi.

"Kasi, nakita mo ba-"
"Nakita ko ba si Jed? Oo. Pero busy siya." Putol sakin ni Agatha. Tss

Kinain ko yung hotdog sandwich na inorder ko.

"Alam mo Gabby, di rin kita maintindihan. You like him pero nung tinanong niya kung pwede manligaw, naging cold ka ulit. Binasted mo! Anong trip yun?"

--
I was speechless. I didn't see it coming.

Pero, I .. I feel butterflies inside my stomach.

"Pwede ba?" Ulit niya pero bakas sa mukha nito yung hiya.

"Nabigla ba kita sorry. Ma-matagal na kasi kitang gusto. Hindi ko alam yung sasabihin." Tumingin sya diretso sa mga mata ko.

"Gabby, you put colors in my life. I was dull and boring until you came. I'm not asking to like me back, I'm just trying atleast nasabi ko na. I really like you because you are you. I like you, Gabby."

As much as I wanted to respond, hindi ko magawa. Nakatitig lang ako sa mukha ni Jed na halatang kinakabahan but di lang ako sa kanya nakatingin.

Who the hell are you?

Sinadya kong alisin ang tingin kay Jed at pinasadahan ng mabilis na tingin yung taong yun.

"I'm sorry." Not now.

"H-ha? Ss-sorry saan?"

"Bumalik na tayo sa school. Nawalan na ako ng gana." I coldly said. Tumayo ako sa likod ng upuan ni Jed sapat na para maharangan ko ang taong nakamasid samin.

"Stand up." Utos ko kay Jed. Mabagal siyang tumayo. Alam kong nasaktan ko siya.

Mabilis kong iniharap sakin si Jed at sumenyas na wag siyang magsasalita. Nalilito man ay di sya nagsalita.

"Hindi kita gusto." Gulat na napatingin sakin si Jed. Ramdam ko rin na nasa amin na din ang atensyon ng ibang tao.
"Look. You got the wrong idea siguro. I'm being nice to you kasi yun ang gusto ni Agatha. And .. I-I just .. gave you the chance to be my friend. Yun lang yon."

Sorry

I see pain in his eyes. Sorry.

"Aahh hahah a-ayos lang. A-aka-akala ko kasi. Sige sorry dun. Kalimutan mo na yung s-sinabi ko."

Habang sinasabi niya yun ay pinasadahan ko na ng tingin ang kabuuan ni Jed pati na rin ang bag niya na nakapatong pa sa upuan niya.

Damn!

Kinuha ko yung bag niya at malakas na ibinigay sa kanya.

"Let's cut the drama. May gagawin pa ako."

Ibinulsa ko ang kanan kong kamay at nauna ng lumabas doon. Diretso akong nakatingin pero sinisigurado kong nakikita ko pa rin ang bawat kilos ng taong yun.

Humiwalay ako ng daan kay Jed papasok ng school. Nang masigurado kong hindi na kami kita ng kung sino sa labas ng univ ay huminto ako at nilabas ang isang bagay na kanina ko pa hawak sa loob ng bulsa ko. Napapikit ako ng mariin.


Someone put a bug on him. Sino ka???

--

"WHAT THE HELL??" Agatha burst out.

I told her the real story and showed her the bugging device I got on Jed's bagpack.
The reason I choose to hurt and reject him that day.

At simula nun, hindi niya na ulit tinangkang lumapit pa sakin.

"I don't know who did this Kaya I'm being careful. Kung paanong nalagyan ng bug yung gamit ni Jed ay di ko alam."

Seryoso kaming natahimik ni Agatha.

"That person is freely roaming around this campus. That's possible." She stated like it's the fact.

"I agree. Nalapitan niya si Jed. Knowing him, hindi naman palaalis ng room si Jed. They even have the gadget. That bugging device is not a cheap one."

Mas hininaan pa ni Agatha ang boses niya.
"Do you think nasa room? And yung lalaking nakita mo? Does he seem familiar?"

Napahilot ako sa sintido ko at umiling.

"Hindi natin sigurado. Pwede ring sa labas ng campus sya natyempuhan." Tumango-tango si Agatha.

"I'll ask you a favor." Seryoso kong saad.

"Keep an eye on Jed. I'm having a bad feeling about this. Hindi gagastos ang taong yung ng mamahaling device para lang sa wala."

She let an assuring smile.
"I will. I understand what you feel. Hindi mo man sabihin .. alam kong ayaw mo na maulit yung nangyari dati. You got me on this."

I won't let that happen.


Thank you Agatha. I will make sure all hell will lose sa isang maling galaw lang ng taong may pakana neto.

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now