Seventeen - Pwede ba

16 2 2
                                    


(Gabby's POV)

Naging busy kami this past few weeks dahil finals na at napakadaming kailangang ipasa. Bukod kasi sa academics, ang daming eklavu ng school na ito kagaya nalang bukas dahil Foundation Week na. Haggard ang lahat kasi sumabay pa. Tsk

Bibihira nalang din kami mag-usap nila Agatha dahil busy din siya sa pagtulong sa magiging booth ng section nila. Ang Foundation Week ay may iba't ibang ganap tulad ng movie viewing, plays, booths and games na syempre, ipi-prepare ng bawat course o college ng school. Dahil Fine Arts ang course namin nila Agatha at Jed, aligaga kami sa paggawa ng paintings at iba pa para sa gagawing exhibit.

Official si Agatha sa exhibit kaya mas busy siya samin ni Jed. Kasama rin niya si Jienna na president namin samantalang bawat isa samin ay magpepresent ng canvass. Sa week din na ito, hahayaan nilang makapasok ang outsider basta may ticket para na rin lumawak ang audience namin and para mas madaming makakita ng exhibit na pwede ring mabenta. Ang kikitain namin ay mapupunta sa isang foundation, only 2% naman ng benta sa painting namin ay mapupunta sa class fund.
Masyadong magastos ang fine arts kaya kailangan talaga namin ng fund sa mga ganitong klaseng events.

Nakahinga naman na ako ng maluwag dahil natapos ko na kahapon ang entry ko kaya pwede na akong magchill dito sa kinauupuan ko. Wala ring profs na pumasok dahil nakalaan itong araw na ito sa preparations and pagchecheck ng mga officials sa bawat rooms na gagawing booth.
May ilan din akong classmate na nakatungo at natutulog, malamang dahil sa pagod at antok. May iilan namang labas pasok at merong iba na humanap ng pwesto dito sa loob ng room para tapusin ang entry nila.

Hinanap ng mata ko kung nasaan si Jed at nakita kong nakasubsob sa desk na inuupuan niya at mahimbing ang tulog.

Tumayo ako nilapitan siya sa pinakasulok dahil doon sya umupo. Para siguro malayo sa ingay. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mukha niya.

Hindi ko akalaing matitignan ko ng ganito katagal ang mukha mo .. at hindi ko rin akalaing magugustuhan ko ang malapit sayo.

Nung mga araw na nakikita kong napapansin na si Jed ng lahat at madalas niya ng nakakausap si Jienna ay naiinis ako sa di malamang dahilan. Kasabay ng pagpansin ng lahat sa kanya, mas nakita ko na rin siya bilang siya. Nakita ko na lahat ng efforts niya para mapalapit sakin na dati, hindi ko magawang makita.

Hanggang dumating isang araw na habang tinitingnan ko siya palapit sakin, sobrang di mapakali sa pagtibok yung puso ko.
Hindi ako makahinga sa bilis.

Gusto ko na siya.

Gustong-gusto.

Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng may magustuhan dahil simula ng nangyari noon, walang ibang laman ang puso ko kundi lungkot at ala-ala ni Trey.
I've been holding his memories for so long that I didn't open my heart and mind to receive something new.

Tama si Agatha. Nagpapasalamat din ako sa babaeng yun. Kundi siguro siya baliw, hindi ko pa marerealize. Tsk

Wala naman akong maitatago kay Agatha kaya inamin ko na na gusto ko si Jed. Hindi naman na daw siya nagulat dahil mas nauna niya pang nalaman na gusto ko na ito kaysa sakin. -.-

--
"You can deny and convince yourself but you do not see what I see everytime you look at him. You do not see what I see when you are with him."

"At ano namang nakikita mo?"

"You like him. You really do."
--

That's her exact words bago ko narealize ang lahat at hindi ako nagsisisi na pinakinggan ko siya. Di ako magsisisi na maamin kong gusto ko ang lalaking minamasdan ko ngayon.

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now