Twenty Three. One - Birthday Surprise

10 3 3
                                    

Gabby's POV

"Good Evening everyone!" Napako ang atensyon namin sa nagsalita sa mini stage kung saan may microphone na nakalagay. Akala ko talaga nung una ay simpleng dinner lang ang magaganap ngayong gabi though hindi naman bongga ang celebration nila. Ilang family and close friends lang ang andito pero formal pa rin ang tema. Sabagay, nakalimutan kong may-ari pala ng ilang hospital ang pamilya ng kambal. Siguro'y iba dito ay business partners nila.

"Thank you for coming to our sons 20th birthday." Ngiting sabi ni Mrs. Juliett Ramirez, Jed and Jude's mother. She is beautiful and elegant, mukhang namana ni Jed ang kaamuhan ng mukha nito.

"So to finally start this small program for my boys, may I call my twins to join me here in front?" Nagpalakpakan ang mga tao. Napatingin naman ako sa direksyon ni Jed and Jude na parehong naglalakad papunta sa unahan. Napatawa ako ng makitang nahihiya si Jed na naglalakad samantalang ngingisi-ngisi naman si Jude.

"Hahaha he's still the same Jed we know. Nag-iba ang itsura pero nandun pa rin yung hiya niya." Natatawang sabi ni Agatha sa tabi ko. Nasa table kasi kami na located sa gitna kaya kitang-kita namin sila. Well, hindi naman sila mahirap makita dahil para silang yinyang na magkamukha. Hahaha

Binaling ko ang tingin ko sa unahan to see Jed looking at me. "Gabby girl, maraming magandang babae sa paligid pero sayo lang siya nakatingin. Ang ganda mo rin noh?" Mapanuksong bulong sakin ni Agatha sabay siko sa kanya ng mahina na ikinatawa niya.

Maya-maya ay umakyat din ang Papa nila, si Mr. Juan Tristan Ramirez. He looked handsome sa edad na 40. Strikto ang aura pero magiliw kung ngumiti. Sa kanya ko naman nakikita yung aura ni Jude.
They looked like a lovely family.

I missed mom.

Sandaling nagspeech ang mag-asawa para sa kanilang anak bago ipa-blow yung cake nila. Nkakatawa dahil parehas na nahihiya ang kambal dahil para daw silang bata.
"Ma,Pa kulang nalang clowns at party hat." Pabirong angal ni Jude na ikinatawa naman ng lahat.

"Okay, now make a wish!" Masiglang wika ni Mrs. Ramirez. Nahihiya man ay pumikit ang kambal at sabay na nagblow.

"Can you say something about your wish?"

"Pa? di na yun matutupad pag sinabi ko!" Angil ni Jude at tumawa naman ang mga tao.

Parang tumigil naman ang tibok ng puso ko ng hawakan ni Jed ang mic at diretsong tumingin sakin.

"There's no more I can ask for. I am just greatful na lahat ng dating hinihiling ko, natupad na ngayon."

Nagsipalakpakan sila pero naagaw ang atensyon namin ng isang babae na sumigaw.

"Yes naman nagsalita na si Kuya sa susunod may girlfriend na yan!" Tawanan na naman. Hindi ko alam kung anong connect nung sinabi niya pero halos mabulunan na itong katabi ko kakatawa.

I look at her. "What?" She said.
"Mukhang ito na ang hinihintay ko." Hindi siya nakatingin nung sinabi niya yun habang umiinom ng wine.

Hindi ko siya pinansin at itinuon nalang sa harap ang atensyon.

"Speaking of girlfriend .." Jude traced and look at me. Agad naman itong napansin ni Mr. Ramirez.

Kinabahan ako ng sumeryoso ang mukha niya.

"Why? May gf ka na naman?" Nagsitawanan na naman ang mga tao. Mukhang alam nila na playboy ang isang to.

Itinaas ni Jude ang dalawa niyang kamay sabay iling.

"Oh no Dad, not me." At marahan niyang tinapik ang balikat ni Jed.
Hindi ako tanga para di mahulaan ang gustong sabihin ni Jude. Seriously? Sa .. harap talaga ng maraming tao?

Napaayos ako ng upo ng tumahimik ang paligid at mukhang di lang ako ang nakaintindi sa inasal ni Jude.

"Jed ..?" Tanong ni Mrs. Ramirez habang hinihintay ang sasabihin ng anak. Woah teka. I never thought that this simple night would be this, intense.

O baka ako lang dahil parang ewan na nakangisi itong si Agatha.

"Uhmm, Ma Pa actually .." He traced and look at me. "I want to tell you guys something." He paused. "I was a nerd, a weak boy since God knows when. I barely make friends dahil sakitin ako noon at madalas sa hospital. I mostly spend my normal days with my room or in my hospital room. Even when I tried to make friends at school, I get bullied for my looks and because I cannot be able to play basketball or run in the field with my classmates, scared that I might have an attack again."

Napangiti siya sa kawalan. "Kuya Jude and Trey was my hero. They always save and comfort me but as times goes by, naisip ko na ayaw ko na ng ganong setup. Ayoko ng maging mahina." He continued. "So to make the long story short, I decided to go to another school on my own, without my saviors. I tried to make friends with this specific girl because she's so cool and tough, I admired her for that." He looked at me and now, his parents and all the people in this place is now looking at me.

"Befriending her was not easy. Haha Ilang beses niya akong itinaboy at tinaray-tarayan pero whenever I'm in trouble, she saves me. It was not my intention for her to save me but she does anyway. Nakakahiya man dahil ako ang lalaki." Napakamot siya sa batok niya.

"She save me from myself. Yung dating Jed na nerd, makapal ang salamin, plantsadong buhok, uutal-utal at baduy pumorma, eto na ngayon .. well, with the help of her bestfriend." Wala sa sarili akong napalingon kay Agatha na parang miss universe na kumakaway at may magandang ngiti sa mga tao. Samantalang ako, hays.

Halos di naman ako makahinga ng maglakad pababa si Jed papunta sa direksyon ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa halo-halong emosyon, hindi ko alam kung paano magreact.

Tumigil siya sa harap ko kaya nakatingala ako sa kanya.

"She saved me from being weak. Since I met and love her, I promised to myself that I will not be the same weak Jed anymore. Since I met her, she brings color and light to my world. Since I love her, she made me want to be strong hindi dahil mahina siya, but because I know behind her strong facade, her heart needs saving too."

She grabbed my hand para makatayo at sabay kaming humarap sa kapatid at magulang niya.


"Ma,Pa and everyone .. I want you to meet Gabbrielle Alexine Del Valle, my girlfriend."






Paano nga ulit huminga?

--

Next update tomorrow. HAHAHAHA So what do you think? Pasado kaya si Gabby sa parents ni Jed baby niya?

Share ur thoughts about this update. Highly appreciated! Tysm! ;*

-AbbyDovey

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now