Twenty Nine - Four Words

14 2 0
                                    


Gabby's POV

Nagpaalam na agad si Agatha matapos tanungin ni Jed kung pwede kami mag-usap. Eto kami ngayon sa dulo ng parking lot at nakatitig lang siya sakin. Kanina ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero ngayong kaharap ko na siya ay nawala yon lahat. Ang bilis ng tibok ng puso ko, daig pa ang graded recitation na nasa index card. Napakagat ako ng ibabang labi, ganito talaga epekto niya sakin?

"Kamusta ka na?" Napaangat ako ng tingin. Ayun na naman yung maamo niyang mukha. Yung mukha na wala pang sorry na binabanggit, papatawarin mo na. Tss malala ka na Gabby.

"Ayos .. lang?" Nakangiwi kong sambit.

Tumango-tango siya. "About what happened .. Until now shocked pa rin ako." Ibinulsa niya ang dalawang kamay.

"Hindi ko lang talaga inakala na iisang babae lang pala ang minamahal namin ni Kuya Trey. Ikaw pala si Ms. Sunshine na nababanggit niya sakin dati. Natutuwa akong pakinggan yung mga kwento niya sakin tungkol sayo noon. May pagmamahal bawat salita."

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako at naiinis at the same time. Hindi ko alam kung bakit.

"That was a long time ago .."

"Mahal mo pa rin ba sya?" Nagugulat ko siyang tiningnan.
"Ano?"
"Mahal mo pa rin ba siya?" Tumawa siya ng mapakla, nabasa ko rin ang frustration sa mata niya.
"Hindi ko kasi mapigilang mag-isip at magselos sa pinsan ko kahit patay na siya pakiramdam ko kahit wala na siya ay si Kuya Trey pa rin ang mahal mo."

Umawang ang labi ko. All this time ba iyon ang nasa isip niya?

"Pinagdududahan mo ba yung nararamdaman ko para sayo?"

Umiling siya. "Hindi pero hindi mo maiaalis sakin yon dahil, dahil hindi pa pala talaga kita lubos na kilala. Wala akong alam sa nakaraan mo, sa nararamdaman mo. Hindi ko alam kung gusto mo ba talaga ako? O baka hindi naman talaga."

Bigla ay di ko na naman alam ang sasabihin. Tama siya. We skipped that part.

"I'm sorry pero believe me. Mali ka sa iniisip mo na hindi kita gusto kasi even heaven knows na hindi kita pag-aaksayahan ng oras at emosyon kung wala akong nararamdaman sayo! I used to learn not to care to anyone anymore mula nung nangyari yun kay Trey dahil pakiramdam ko mangyayari ulit sa akin yung noon. I swear to myself na gagawa ako ng paraan para maprotektahan yung taong mahal ko and that's where I learn to be tough. I even learn to hold guns and martial arts just to protect myself and my love ones. Ganoon ako nasaktan noon Jed, then you came. You break that wall, you even melted it. I let you in and ruin everything. So please .. I had never thought na connected kayo ni Trey. I-I am not using you also just to forget about him kung pati yan ay iniisip mo. Please, if I say I love you, I really d-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay ibinaon niya na ako ng yakap sa dibdib niya. Mas isiniksik niya pa ang ulo sa leeg ko kaya eto na naman yung puso at tiyan kong parang may butterflies sa loob. Sige ngayon niyo sabihin sakin na hindi ko mahal ang taong to? Konyatan ko lang ng mabilis.

"Say it again please." I heard him murmur habang nasa leeg ko pa rin ang ulo niya. Kung may makakakita lang samin dito ay tiyak na isusumbong kami sa Council for PDA.

"A-alin?"
"That." Agad namang nagtayuan yung balahibo ko ng tumama yung init ng hininga niya sa leeg ko.

"H-ha? Alin ba?" Niyakap niya ako ng mas mahigpit at ipinatong na ang ulo niya sa ulo ko.

"I love you."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Dahil mas matangkad sa akin si Jed, pantay lang ng labi niya ang ulo ko.

"Are we okay now?"

Ngumiti siya ng matamis at hinalikan ang noo ko. Hindi ko maiwasang kiligin ng ginawa niya yun feeling ko nag-iinit ang pisngi ko!

"Hmm. Mahirap ang layuan ka kung alam mo lang. I can't stand seeing you that sad. Hindi naman ako nagalit. I will never get mad at you, Gabby. Baka multohin din ako ni Kuya Trey pag nasaktan pa kita. I'm sorry baby and thank you for giving me time para mag-sink in yun lahat. Pasensya nga lang at medyo napatagal." He said without breaking his gaze at me.

How can you not fall with this man, huh?

Inihaplos ko ang kamay sa pisngi niyang malambot. Napangiti ako ng maisipang kurutin ito pero di ko ginawa. Sa susunod nalang hahaha

"You deserve that time. You deserve my time and tears, baby."

Bahagya siyang yumuko at nagkagat-labi. Ehh?

Kumalas ako sa yakap at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Huy ayos ka lang?" Kunot-noo kong tanong.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil ang pula-pula ng pisngi at tenga niya! HAHAHAHAHAHAHAHA

"S-sorry haha ano, kinikilig ako takte." Bulong niya habang kinakamot ang pisngi.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Di ko na napigilan! Lintek. Parang gusto ko na talagang paniwalaan yung sinabi ni Agatha na ako ang lalaki sa relasyong ito. Lol

"Oy wag ka nga tumawa!"

"Hahahahaha sorry na ang cute mo kasi eh!" sabi ko at marahang kinurot ang pisngi niya. Sumimangot siya at hinuli ang kanan kong kamay.

Bahagya akong nagulat at napatitig lang sa mata niyang nakatitig lang din sakin. Kung may makakakita talaga samin, mawiwirduhan tlaga dahil hindi man lang kami nagalaw.

"I love you, Gabby." Sinsero niyang sabi. Binitawan niya na ang kamay ko pero nananatili pa rin itong nakaangat sa ere. Hindi ko binababa.

"Uhh, Gabby binitawan na kita." Turo niya sa kamay ko.

Humakbang ako ng isa para mas mapalapit sa kanya at ang kanang kamay na kaninang nakaangat lang sa ere ay ikinawit ko sa leeg niya kasabay ng isa pa.

Nanigas siya sa pagkakatayo but I never mind.

"I have four words to say to you .." Tiningnan ko siya sa labi at sa mata.


"I love you, Jed."



Bahagyang nanlaki ang singkit niyang mata tila di makapaniwala. The next thing I knew, his sweet and soft lips are brushing against mine.




My mind turned blank.

I love your cousin Trey and I'm happy. Hope you're happy for us too.

--

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now