Sixteen - Like

9 1 0
                                    


(Gabby's POV)

Natapos ang Christmas at New Year at heto na naman ang unang isang linggo ng pasukan sa taong ito. Ilang months nalang din at 4th year na ako. Di na ako makapaghintay grumaduate!

Simula nung makeover ni Jed, halos lahat na ng babae dito sa campus ay nagkagusto sa kanya. Iba talaga nagagawa ng magandang mukha sa mundong ito noh? Tsk.
Ultimo yung mga pinagtatabuyan at iniirap-irapan siya noon ay fans niya na ngayon. Nanibago din ako sa kilos at pakikitungo ni Jed sakin ngayon mula nung araw na pumunta siya sa bahay. Dito sa campus, tahimik pa rin siya at minsan ngumingiti sa mga babaeng halos mahinamatay sa pagpansin niya sa kanila. Hindi na rin siya nauutal sa harap ko o sa kahit kaninong kausap niya. Hindi ko na rin sya nakikitang nakatungo habang naglalakad kundi ito ay naglalakad ng diretso at nakapasok ang isang bulsa sa loob ng pantalon niya na animo runway model tulad nalang ngayon.

"Gabby" bati niya sakin. "Hi Jed! Gwapo naten today lalo ah!" Bati naman sa kanya ni Agatha. Ngumiti lang sya at umupo sa upuan sa tapat ko.

Tingnan mo tong babaeng to. Ako ang binati pero siya ang umeksena.  Tsk.

"Ano order niyo? Ako na pipila?" Sinabi naman ni Agatha sa kanya ang order namin bago ito umalis at tumayo. Pinagmamasdan ko lang ang kilos niya.

"Baka naman matunaw ang isang yun Gabby." Mapanuksong wika niya.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit ko nga ba pinagmamasdan ang isang yon?!

"Tigilan mo ko. Wala ako sa mood." Totoo yan. Nasa pagawaan kasi yung motor ko ngayon kaya nagcommute lang ako papunta dito. Hindi ako sanay na hindi kasama si Baby Razor!

"Eh lagi ka naman atang wala sa mood." She rolled her eyes.

Tumingin siya sandali kay Jed at bumaling ulit sakin.
"What do you think about Jed?" Seryosong tanong niya.

"Anong klaseng tanong yan?"

"Sagutin mo nalang!" Aba. Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip.

"What is this all about huh?" Uminom siya sa bottled water at animo'y hinihintay ang sagot ko.

Tss. "Gumwapo siya. Hindi na siya nerd sa panlabas na anyo pero he is still the same Nerd and weak guy that I know."

"Oh come on, Gabby you know that it's not what I'm talking about."

Nangunot-noo ko siyang tiningnan. Bihira ko lang makitang seryoso si Agatha at inaamin kong kinakabahan ako pag ganyan siya. Matalino siya at alam kong may kung ano na namang tumatakbo sa isip nito.

"My gut's telling me that you like him." Confident nitong sabi.

What the eff?

Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tiningnan si Agatha na nakikipagtagisan ng tingin sakin.

"Uy girl si Jienna oh kausap si Jed!"

"Oh e ano naman?"

"Di mo ba alam? May nakarinig na student na sinabi ni Jienna kay Sofi na gusto niya si Jed!"

"Really? Aww bagay naman kasi sila."

Naagaw ang atensyon ko ng mga bubuyog na may makeup na nakatingin kila Jed at Jienna na nasa pila.

"Aww ang sweet nila tingnan."

"Eeehh pero mas bet ko pa rin si Gabby para kay Jed!"

"The hell akin lang si Jed noh!"

I look at them to see Jed laughing to what Jienna is saying. At may paghampas at himas pa sa braso!

"Gabby."

Nagsalubong ang kilay ko nung dahan-dahang lumapit ang mukha ni Jienna kay Jed at bumulong. Hindi nakaligtas sakin ang mapang-asar na tingin ni Jienna habang nagsasalita sa tenga ni Jed.
Nakakapang-init ng ulo.

What game are you pulling huh?

"Gabby!" Napabalikwas ako ng tingin kay Agatha. Ahh andito pa pala to.

"What?!"

"Ngayon mo sabihin sakin na hindi mo gusto si Jed." She smirked at inginuso ang bottled water niyang hawak ko na ngayo'y yupi yupi na.





Do I like him already?

--
Huhu Short update. Sorry bawi next time! ;)

She's my Tough GirlWhere stories live. Discover now